Chapter 12. Pinky swear

9 0 0
                                    

"Okay class, I will be giving you 2 minutes to choose your partner and additional 8 minutes for brainstorming and finalising your research title..." Sinulyapan pa ni ma'am Ava ang ang suot niyang relos bago ulit bumaling saamin.

"I'll be back after 10 minutes. Make sure you finalise your titles that would be pass when I returned. Did I made myself clear?"

"Yes, ma'am." Sagot ng karamihan. Yung iba walang pakialam sa mundo kagaya ko.

Pagkatapos non ay lumabas na si ma'am Ava ng silid.

Nagsimula ng mag-usap usap ang mga ibang nakahanap na ng kapares samantalang ako heto gumagawa ng limang daan habang busy sa pagdu-doodle art sa back page ng notebook ko.

Maya-maya ang naramdaman ko ang ilang sulyap saakin ni Jo. Pinapakiramdaman niya siguro kung kakausapin ko siya para maging kapares ko. Oo, hanggang ngayon ay hindi kami nagpapansinan. Nagtampo na siguro siya kung bakit hindi ko siya kinikibo kaya hanggang ngayon ganito padin kami. Sa totoo lang, gusto kong humingi ng sorry sakanya pero hindi ako maka-tiyempo dahil palagi siyang kasama ni Andrei. (Ps. Bakla yun) minsan naman ay si kuya ang kasama niya.

Couple of minutes had passed, we didn't talked. She end up talking to Andrei asking to be her partner and he agreed.

Yan Cielo! Wala ka ng partner. Nganga ka ngayon. Taas kasi ng pride mo! Tss.

Nilibot ko ang tingin at halos lahat ay may kanya-kanya ng mga kapares. Ako nalang ata ang wala. Geez!

Lumipas ang isang minuto ay bahagya kong nilingon ang nasa likod ko para sana tingnan kung may kapares na'to but, unfortunately ay wala pa.

Inangat niya ang tingin saakin. As usual, he's wearing his bored face. Tinaas niya ang dalawang kilay niya at nagsalita.

"May naisip kana bang title?" Seryoso niyang tanong. Napataas din ako ng isang kilay.

Well, wala na akong choice. Siya na talaga ang partner ko sa research report na isasagawa namin. Sana nga lang ay may matapos kaming maayos.

"Wag mong sabihing wala pa?" Demanding niyang tanong.

"Pa'no kung wala pa nga?" Tanong ko pabalik.

He snorted. "Edi mag-isip kana." Sarkastiko niyang tugon saka ako inirapan. Aba! Ang sungit ng lolo niyo ngayon ah. May period ba siya?

"Oy! Kaya nga ginawang partner ni ma'am diba? It means, magtutulungan kayo. Hindi lang yung isa ang mag-iisip at gagawa!" Inis kong utas sakanya.

He tsked. "Whatever you say, woman."

Napapikit ako ng mariin sa sobrang inis sakanya. "Fine. If you don't want to cooperate then, I'll do it on my own. Bahala kana diyan!" Inismiran ko siya sabay talikod. Madali lang naman akong kausap e. Tyaka kaya ko namang gawin yun mag-isa even without HIS help!

The Heart Of A FighterOnde histórias criam vida. Descubra agora