Chapter 37. Pagka-bahala

0 0 0
                                    


"Seriously? Iyan talaga ang susuotin mong wig?" Pinagtaasan pa niya ako ng isang kilay. At dahil maaga pa ay Nagpasama nga pala ako kanina kay Caelus sa malapit na bangketa lang sa labas upang bumili ng wig. Mamayang hapon pa naman ang game ngunit kailangan din naming makaalis ng maaga dahil nasa tatlong oras ang biyahe papunta sa stadium na gaganapan ng championship game. Nasa lima rin ang binili namin upang may mapagpilian at siya rin ang gumastos. Kasalukuyan naman kaming nandito sa kwarto upang makapili ng isusuot kong wig. Seryoso talaga ako sa pagdi-disguise para makapanood ng laban nila ng aktuwal.

"I bet you would look horrible on that. Try this one." Utas niya sabay kuha sa isang wig na kulot-kulot na napili ko saka iniabot saakin ang isang straight, mahaba at super black na wig. Napataas lang ako ng isang kilay. "Hindi naman kaya ako mapagkakamalang si sadako niyan?" May bahid ng sarkasmo na tanong ko sakanya. He just shrugged before slumping on my bed. "Nasa isang oras na pero wala parin tayong mapiling maayos at babagay sa'yo....What if wag ka nalang magsuot niyan?" Sagot niya na diretsong nakatingin saakin habang prenteng nakahiga sa kama. Nakapatong pa ang ulo niya sa mga palad nito, nakapatong rin ang isang paa nito sa isa pang paa niya.

Kunot-noo ko siyang binalingan ng tingin. Agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin. "Sa tingin ko ay hindi mo na kailangan niyan. ....Konting pagbabago lang sa features sa mukha mo ay okay na 'yon." Seryoso niyang utas. Well, may point naman siya pero kung hindi ko rin gagamitin ang mga wig na pinag-gastusan niya ay sayang lang. "Pero" pag-aangal ko pa ngunit pinutol niya agad.
Mula sa pagkakahiga ay umupo ito. "Do you have a make up kit?" Tanong nito. Nakapakunot noo ako bago tumango. Napangisi ito sa 'di ko malamang dahilan. "Then, let me try to do you such."

"CAELUS!!! anong ginawa mo sa mukha ko?!" Inis kong bulyaw sakanya nang makita mula sa salamin ang ginawa niya. Ang katamtamang kilay ko ay mas pinakapal niya at nilagyan ng ilang pimples sa mukha at ginawang tan ang kulay ng mukha ko, pati ang lipstick ay lagpas sa lip line ko.  "Bakit? Ayos yan, paniguradong hindi ka na nila makikilala." Kalmado nitong tugon habang nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin at walang sali-salitang dumiretso sa CR upang maghilamos. Tubol na 'yon! Pinagtripan lang ako. Bwisit!

Ngayon ay kasalukuyan kaming nasa biyahe papunta kung saang stadium gaganapan ang championship. Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi ko siya kinikibo dahil sa pangti-trip niya saakin kanina. Halos sumakit ang tiyan niya sa kakatawa kanina. Ilang beses na rin siyang humingi ng sorry pero hindi ko siya pinapansin. Nagsuot nalang ako ng itim na hoodie at jeans. Nagsuot din ako ng itim na mask at sunglasses.

Napatingin ako sakanya mula sa rearview mirror. Seryoso lang itong nagmamaneho ngunit bakas sa mukha niya ang animo'y pagkabahala, pag-aalala. Malamang ay dahil iyon sa laban nila ngayon. May mga oras pang napapaigting ito ng panga na tila may isang bagay itong iniisip na hindi magiging mabuti ang kalalabasan. Maya't-maya rin ang kanyang pagbuntong-hininga. At sa 'diko malamang dahilan ay bigla nalang ako nakaramdam ng pagka-bagabag, kinakabahan ako na ewan. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda. Sana lang ay mali ang pakiramdam kong iyon.

The Heart Of A FighterKde žijí příběhy. Začni objevovat