Chapter 46. Moving back

0 0 0
                                    


Apat na taon.

Namuhay ako ng apat na taon na walang kaide-ideyang ang nag-iisa kong pamilya ay wala na.

Namuhay ako sa loob ng apat na taon na hindi alam na ang buhay ko ay kapalit ng buhay ni papa.

I like being alone before because for me, that could be the only moment for me to feel free, to know my self worth and to be at peace.

Pero ibang usapan na pala kapag literal ka ng mag-isa. Yung wala ka ng masasandalang pamilya. Yung wala ng mas makakaintidi sayo at gagabay sayo.

Ang taong pumuno ng pagmamahal sa puso ko. Ang taong una kong nasilayan nung panahong dumating ako sa mundo. . . Ay wala na.

Mahirap maiwan ng mag-isa. Dadating sa puntong mararamdaman mong wala ka ng halaga. Na wala ng saysay ang buhay mo, na hindi mo kaya mabuhay ng mag-isa at di mo na alam kung saan ang patutunguhan mo. Pero wala sigurong salitang 'independent' if nobody can't stand by themselves. Wala sigurong salitang 'alone' if nobody can't endure the feeling of loneliness.

Truthfully, I am afraid of being left behind. But I just thought that why I should be afraid kung alam ng nasa itaas na kaya kong mag-isa. Bakit ako matatakot kung ito ang paraan niya para mas patatagin pa ako. At bakit naman niya ako bibigyan ng mga pagsubok kung alam niyang hindi ko kayang malampasan.

-

Sa loob ng isang araw ay napagdesisiyunan ko na ang mga huling sinabi saakin ni Mang Connor na umuwi na sa Hacienda. Ilang beses din akong tinanong nito kung sigurado na ako. Sinigurado naman saakin ni Mang Connor na mahigpit ang seguridad sa Hacienda kaya wala akong dapat ipag-alala. Siguro ito na rin ang pagkakataong tuluyan ko nang matanggap na wala na si papa. At mas mabuti narin siguro ito para saamin ni Caelus.

Pagkatapos kong maligo nang sumunod na araw ay nagbihis lang ako ng isang black skinny jeans at white long sleeve buttoned down shirt. Medyo mahaba narin ang buhok ko kaya ni-pony tail ko nalang matapos kong patuyuin gamit ang blow dryer.

Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili ay inayos ko ng ang mga gamit ko sa dala kong maleta at mga gamit na buhat pa nang tumakas ako kila Kuya Cal. Dinala ito ni Caelus dito matapos nung nagyaring insedente sa building na kung hindi ko pa nakita sa live surveillance ng building ang nagyari ay hindi ko pa malalaman.

Saktong patapos na ako sa pag-aayos ng gamit nang may kumatok sa kwarto. Si Mang Connor na siguro iyon. Sinabi ko kasi sa kaniyang tawagin ang lahat para masabi ko na babalik na ako sa hacienda.

"Come in."

Binuksan ni Mang Connor ang pinto ngunit hindi tuluyang pumasok. Sumilip lang siya doon at nagsalita. "Nasa sala na silang lahat." Aniya. Tumango naman ako at ngumiti.

"Salamat po. Tapusin ko lang po ito at bababa na rin po ako niyan." Tugon ko. Tumango naman ito saka na sinara ang pinto.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Natanaw ko naman agad sila sa sala. Bumaba ako ng hagdan at lahat sila ay napaangat ang tingin. Si Mang Connor ay nakatayo sa gilid.

At dahil mukhang wala talaga silang ideya sa sasabihin ay naghihintay lang silang magsalita ako. Ngunit bago ako magsalita ay nahagip ng paningin ko si Caelus na pinasadahan ng titig ang suot ko. Nakakunot ang noo nito.

"May pupuntahan ka?" Tanong niya ngunit iniwas ko lang ang tingin at hindi ko siya sinagot.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Uhm. . . Sa inyong narito ngayon ay marami akong pinagpapasalamat. Marami rin akong utang na loob sainyo. . . Salamat dahil nandyan kayo para saakin. Sumusuporta at nagpapalakas ng loob ko. And Caelus, " tumingin ako sakanya, seryoso lang ang mukha nito.

The Heart Of A Fighterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें