Chapter 42. Laptop

3 0 0
                                    


Sa ngayon ay, ako, mga maids at si Mang Connor lang ang narito sa bahay. Wala ngayon si Lance dahil may mga aasikasuhin raw ito at may kukuning gamit sa building.

Narito si Mang Connor dahil ni-hire raw siya ni Caelus sabi Lance upang maging body guard at personal driver ko. Sabi pa nga nito ay kahit wala na raw siyang sweldo dahil sobra-sobra na raw ang naitulong ni Caelus at ni dad sakanya at sa pamilya niya. But knowing Caelus, he's always insisted, kaya naman wala ng nagawa si Mang Connor kundi tanggapin.

Hindi naman sa namimiss ko ang tubol na 'yon pero parang ganon na nga. Lagi ko siyang naiisip at nag-aalala sakanya dahil sa nangyari. Hayss, bakit ba naman kasi sinalo niya lahat ng sipa ng kalaban sa bola kung pwedeng iwasan nalang niya at hayaang matalo sila. Pwede pa naman silang makabawi dahil may second game pa. Nakakainis talaga ang tubol na 'yon. Kahit kailan talaga ay napakahilig niyang ipahamak ang sarili niya. Tsk.

Hindi parin naman naaalis sa isipan ko ang ilang mga katanungang hindi parin nasasagot. Ano ba talagang nangyayari sa soccer? Bakit ganoon ang kinalabasan ng laro? Bakit pakiramdam ko ay may mali sa pamamalakad ng mga namumuno? Ngunit mas lalong hindi naaalis sa isipan ko ang katanungang bakit may mga taong gusto akong ipa-patay? Hindi kaya nung nangyaring aksidente 4 years ago ay sila ring may kagagawan non? Balak ba talaga nila kaming ipapatay ni dad?Ano bang mapapala nila? Dahil ba mayaman ang ama ko? Pera ba ang kailangan nila o may iba pang dahilan?

May mga iba pang katanungang pumapasok sa isipan ko at mga hinala ngunit hindi ako nakakasiguro. Sa totoo lang ay ayoko ng ganito. Ayoko ng nagtatago. Gusto kong malaman ang totoo tungkol sa aksidenteng nangyari noon. Ngunit dahil sa nanganganib ang buhay ko, kailangan kong magtago pansamantala habang 'diko pa alam kung sino-sino ang mga kalaban. Sa ngayon ay kailangan kong magtiwala kay Caelus.

"Mukhang malalim ang iniisip niyo, Miss Yara...Namimiss niyo si sir Caelus noh?" Bella said, teasingly. Narito nga pala kami ngayon sa Hardin na maraming magaganda, masisigla at makukulay na mga bulaklak at halaman. Maganda ang lugar na'to. Napaka-payapa, malayo sa magulo, at mapolusyong bayan. Dito ay napaka-sariwa ng hangin at tahimik. Nakakatakot nga lang sa gabi dahil napapalibutan ng matatayog na puno ang bahay at wala man lang ibang bahay maliban dito.

Kasalukuyang nakaupo ako ngayon sa isang bench dito sa garden area, habang nagdidilig naman ng halaman si Bella matapos alisin ang mga natuyong mga dahon ng mga halaman. Ngumisi ito saakin habang nagdidilig. Sa nakalipas na araw ay naging close ko silang tatlo. Si Demi, Elaine at siya. Pero mas naging close kami ni Bella. Open 'to saakin kaya nalaman kong first time nilang magtrabaho, graduating na sila ng high school kaso hindi na nila kayang ituloy dahil sa kulang na pinansyal. at dahil close na kami, nalaman ko ring may lihim itong pagtingin kay Lance. Sabi na e.

Hindi ko siya tinignan. Hindi ko inalis ang tingin sa binabasa kong magazine. "Ikaw? Miss mo na ba agad yung may pulang buhok?" Pangbabawi ko sakanya. Tiniklop ko ang binabasang magazine bago siya balingan ng tingin. Nag-iwas naman agad 'to ng tingin at agad namula ang pisngi. Napahalakhak ako. "Gusto mo bang ilakad kita sakanya?" Nakangisi kong utas. Bahagya naman 'tong napatigil sa ginagawa ngunit agad ding ipinagpatuloy. "Wag na, Miss Yara. Suplado non saakin at isa pa....Alam kong hindi niya ako gusto. Hindi kagaya ko ang tipo non." May bahid ng kalungkutan ang tinig nito. Nagsisi tuloy ako sa sinabi ko. "Edi tayo nalang." Biro ko. Napalingon naman 'to saakin nang nanlalaki ang mata. "Palabiro talaga kayo, miss Yara. Hahaha!" Aniya. Natawa nalang din ako. "Pero seryoso....sa tingin ko masungit 'yon sa'yo kasi gusto karin niya." Diretso kong utas na kinasimangot niya na parang bata."Miss Yara naman, e. Wag mo akong paasahin dahil imposible 'yon." Napahalakhak nalang ako. "Pustahan tayo."

_

Lumpas muli ang ilang araw at mahigit usang linggo na kami sa bahay na 'yon. At gaya ng dati ay wala paring paramdam si Caelus. Ganon ba siya ka-busy? Hindi naman siguro magsisinungaling saakin si Lance na okay lang talaga siya.

Nagsisimula na rin akong mabagot ngunit buti nalang at mayron sina Demi, Elaine at Bella, pati narin si mang Mang Connor na minsan ay nakapag-kwentuhan ko. Minsan naman ay tumutulong nalang kina Bella sa gawaing bahay kahit pa ayaw nila. Nakakabagot din matulog, umupo at magbasa noh. Wala din naman akong nagugustuhang palabas sa Tv. Buti may signal dito at 'di ko 'yon inexpect.

Isang araw, matapos naming maghanda ng hapunan ay ipinatawag ko kay Bella si Lance na nasa kwarto nito ngunit may gagawin pa raw siya. Pero ang totoo ay iniiwasan niya ito. Wala akong ibang mautusan dahil abala din ang dalawang kasama nito sa kusina kaya ako nalang ang nagpunta.

Nakaawang ang pinto nito ng ilang pulgada ngunit kumatok parin ako. "Lance, dinner is ready." Utas ko habang nasa tapat ng pinto. Naghintay ako ng sagot ngunit wala. Tinawag ko ulit 'to ngunit gaya ng dati ay walang tumugon. Kumatok ulit ako sa tuluyang pumasok sa kanyang kwarto. And what do we usually expect in boy's room? Well, there's an exception to Caelus.

Magulo. Magulo ang kwarto niya. May mga pinagbihisan 'tong nakakalat sa kama at sahig. Parang bang nagmamadaling magpalit. Ang ergonomic chair mula sa study table niya ay hindi nakaayos. Inayos ko iyon at napabaling sa PC mula sa study table nito na kung saan ay naroon ang live surveillance ng buong bahay, mayron din sa labas kung saan kita kong patapos nang maglinis ng sasakyan si Mang Connor matapos gamitin dahil nagpunta si Elaine at Demi kanina sa bayan upang mag-grocery. Napabaling naman ako sa laptop na nasa gilid ng mesa, hindi iyon tuluyang naisara kaya naman na-curious ako kung ano ang nandon. Para ding live surveillance iyon. Mas lalo ko iyong binuksan upang makita.

Napaawang ako ng bibig nang makita ang nandon. It's also a live surveillance as I said. A live surveillance in the building. Pero alam niyo ba ang nakapag-paawang sa bibig ko? Iyon ay ang mga nangyayari sa building. May mga armadong lalaking naka-mask ang mga mukha na nasa building. Marami-rami sila at...

Fck!

Mag-isa lang ni Caelus habang nakikipag barilan sa mga armadong lalaki. My heart skipped a beat nang makitang may babaril sa likod niya buti nalang at biglang humandusay ang lalaking balak siyang barilin kasabay nang putok ng baril kung saan at nakita ko si Lance na agad pinabagsak ang mga kalabang nasa likuran ni Caelus na nakikipagsuntukan ngayon sa iba pa.

Hindi nagtagal ay biglang nag-black na ang buong screen. Napamura nalang ako sabay tutop sa bibig ko. "Miss, Yara. Kumain na po kayo...hinahanap niyo po ba si sir Lance? Uhm, umalis po siya kanina, tatlong oras na po ang nakakalipas. Nagmamadali nga po e." Utas ni Demi na nakasilip sa pinto. Ilang saglit bago ako sumagot. "M-mauna nalang kayong kumain nila mang Connor.... Susunod nalang ako." Nanghihina kong tugon. "Uhm...sige po." Sagot niya saka na umalis.

Napaupo nalang ako sa kama. Nanghihina ang mga tuhod ko. Nakaka-frustrate. Dammit, Caelus! Wala akong magawa dahil wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari. Ano na bang nangyayari!? Bakit ganito? Fck!

The Heart Of A FighterWhere stories live. Discover now