Chapter 8. I'm shattered

6 0 0
                                    

Gusto ko na sanang umalis kaso nag-alinlangan ako. Nahagip kasi ng paningin ko si Ken na nasa bandang centre table. At paniguradong pag tumayo ako ay makikita niya ako. Hindi pa man kalayuan ang pwesto namin sakanila. Habang nag-uusap ang dalawa sa harap ko ay pasimple kong sinusulyapan si Ken. Mukhang kagagaling lang niyang practice. He is also a soccer player. And I can say that he is really good at it. Dito rin siya nag-aaral sa Hirosen High. Magka-year kami but not same section. Pasensya na dahil ngayon ko lang nabanggit. Hehe! Hindi niya ako nalalapitan kapag nandiyan si kuya. Alam rin kasi ni kuya ang nangyare saaming dalawa. Close sila DATI. Nung mga panahong may KAMI pa. Pero simula nung nag-break kami, si Ken na mismo ang dumidistansya kay kuya, except sa paglalaro ng soccer dahil siyempre kailangan ng teamwork. And they both civil with that. Well, ako nalang ang hindi pa siya kayang maharap ng maayos. I dunno.

Binawi ko ang tingin kay Ken na abala sa pag-inom ng tubig at pag-punas ng kanyang pawis. Nilingon ko ang dalawa na abala parin sa pag-uusap. Hmm, mukhang kailangan ko na atang umalis. Nagmumukha akong third wheel sakanila. Pero...makikita ako ni Ken? Ano ba yan! "Oh? You are also a soccer player! Great!" Nadia said in an amazement with matching hawak pa sa braso nung lalaki. Napatingin naman yung lalaki dun sa kamay niya at pasimpleng inalis ito bago sumagot. "U-huh!"

Nagulat ako nang bigla akong tignan ni Nadia ng nakataas ang kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay. "What?" Utas ko sakanya. "I heard your brother, the new captain of soccer, right? Bakit di mo kausapin na ipasok siya." Demanding na sabi ng bruha. "Hmm, why would I?" Sarkastiko kong sagot. "Oh! stubborn kid!" Matapang niyang sambit. At pinaliitan pa ako ng mata. Tss! ako pa ang stubborn ngayon? Well, sorry Nadia the slut but I'm not going to be one of your pawns. Never! Inismiran ko lang siya bago sumagot. "If you want, you can talk to him. That is if he won't kick a stranger." Kalmado kong sagot na parang wala lang. Pumula ang mukha niya dahil sa inis. Haha! One down, Nadia!

"Tch!" Bulong niya saka ako binigyan ng 'humanda-ka' look. Tyaka niya ako inirapan at nilipat ang tingin doon sa lalaki. Well, hindi kita uurungan. "Don't you worry...akong bahala!" Sabay kindat pa ng bruha. Hindi lang naman umimik ang lalaki. Sumandal lang ito sa upuan at uminom ng kanyang tsaa. Mukhang wala rin siyang pakialam sa mga pinagsasabi ng kasama naming babae.

***

Dumating ang araw ng biyernes. Ang pinakahihintay kong araw. Araw na kung saan malalaman namin kung sinu-sino ang mga kabilang sa top. Sana lang ay kabilang parin ako doon. Second grading palang naman ito. But as much as possible ay wala akong maibagsak hanggang sumapit ang fourth grading. That's my goal.

Nakasuot lang ako ng Black fitted jeans na may ripped na parte sa bandang tuhod at isang puting V-neck shirt lang. Sinuot ko rin ang kulay itim kong Vans. Niladlad ko lang rin ang buhok ko. Walang oras mag-ayos si ateng e, bakit ba!? Tyaka excited akong makita ang ranking, ano ba kayo!? Excited akong makita ang pangalan ko. Mwehehe!

Mabilis kong ni-park ang motor ko at agad pumasok sa building namin. At pagkarating ko ay nadatnan ko ang kumpulan ng fourth year students gaya ko na abala sa pagtingin sakani-kanilang mga pangalan sa Announcement board. Agad naman akong lumapit don ng konte at inilibot ang tingin para hanapin si Jo. And as what I expected, nandoon siya sa harapan. Iginala din niya ang mata at nakita ako kaya sinenyasan niya akong lumapit at pumunta sa pwesto niya. Buti nalang at mangilan-ngilan nalang ang mga estudyante dahil ang iba ay umalis na. May nakita pa nga akong mga nakabusangot ang mukha. Siguro wala ang mga pangalan nila sa ranking. Sana lang hindi ako kabilang sakanila. Lord, give this day to me please...

The Heart Of A FighterWhere stories live. Discover now