Chap (14) - The Five Day's of CUMping [1]

8.2K 154 38
                                    

****************

PART 1: "Ganny"

****************

Bigla akong kinabahan ng maringig ko ang boses ni ate mae, Lumingon ako upang masiguro ko ngang si ate mae iyon ... Hindi nga ako nagkakamali siya nga!!. Pero bakit anong ginagawa niya dito? diba dapat nasa bahay siya? tsaka pano niya nalaman na nandito kami ni kuya?

Shit!! bigla ako pinagpawisan ng buo buo at naramdaman kong nilalamig ako ... "Anong gagawin ko anong sasabihin ko? .. "Oh babe nandito ka na pala", ringig kong sabi ni kuya Vince. Naramdaman ko na ngang lumapit si ate mae kay kuya at umupo na ito sa tabi nito. "Ate mae? .. ", ako na parang nanginginig ang labi .. "Oh bakit dhenz parang nakakita ka ng Multo?", siya ... "Ah di naman po nagulat lang po ako na nandito ka .. ", ako .. "Ah tinext ko kasi siya bunso na sumunod .. tapos tinext ko kung sang resto tayo", pagpapaliwanag ni kuya. "Ah ganun po ba? .. hehehe", sarkastiko kong pagkasabi .. "Oh dhenz tuloy mu na yung sasabihin mo .. About ba yun sa akin?", si ate mae habang nakatingin sa akin. Agad kong kinuha ang panyo sa aking bulsa at pinunansan ko ang pawis ko .. Kahit malamig sa buong resto tagaktak parin ang pawis ko.

Inerelax ko nalang ang sarili ko , baka kasi mapaghalataan ako. "OO nga pala bunso , dali ano ba sasabihin mo?" , si kuya. Tumingin na ako sa kanila ng matuwid at nag-umpisa na ako magsalita.

"AH gusto ko lang naman sana ipaalam sayo kuya na .. Tinulungan ako ni ate mae sa panliligaw sa crush ko sa school" , pagsisinungaling ko ... "Ah yup .. babe tinulungan ko yan si dhenz sa paggawa ng bento para sa crush niya daw .. do you remember kanina? maaga ako nagising para ihatid siya?", si ate mae. "Ah .. bunso may nililigawan kana?", parang di makapaniwalang tanong ni kuya .. "Opo kuya", sagot ko. "Wow .. maganda ba siya bunso?" ... excited na tanong ni kuya. "Ano ka ba babe wag kana magtanong kung maganda ang nililigawan niya .. halata naman na maganda yun sa gwapo ba naman niyang kapatid mo , tiyak isang magandang dilag ang napupusuon niya", si ate mae sabay ngiti. Ako naman napangiti na rin ... Maganda daw? gwapo kaya si Joross .. Natatawa ako habang iniisip yun.

"Oo naman babe .. mana sa akin yang si Bunso eh .. parehong gwapo .. at habulin ng chicks", si kuya sabay pogi sign. "oo naman kaya nga minahal kita babe eh .. Mahal na mahal ", si ate mae sabay halik kay kuya. "Mahal na mahal din kita babe ...", si kuya .. Ayun nga kumain na kami pagdating ng Order.

Nakokonsensiya ako habang nakikita ko si kuya at mae na masaya .. tuwing naiisip ko ang NAKITA ko kanina. Bigo ako na masabi ko kay kuya ang totoo, Marami kasing pumapasok sa isip ko, paano pag sinabi ko ang nakita ko baka isang gulo ang kahantungan nito. Ayoko naman makita ang mga kuya ko na nag-aaway away .... Hiniling ko nalang sa tadhana na kung sakali mang malaman ni kuya Vince ang tOtoo sana naman hindi umabot sa Pangyayaring may mamatay at may masasaktan .. tulad nga ng sagot niya sa tanong ko kanina :

"Naku bunso wag mo ko tatanungin ng mga tungkol sa pagtataksil dahil isa lang ang masasagot ko .. MAPAPATAY KO SIYA KASAMA ng LALAKI niya"

---------

Alas sais na ng gabi ng maka-uwi kami sa bahay .. Agad akong pumunta sa kwarto at inumpisahan ko na ang mag-ayos. Si kuya Vince naman at ate mae muling umalis at para daw sa date nila, celebration daw ng 5th Anniversary nila .. Pero bago umalis si kuya napapirmahan ko na kanya ang waiver at binigyan niya na ako ng allowance.

Pinahiram sa akin ni kuya Vince yung pang camping niyang bag at dun ko lahat nilagay ang mga gamit ko. Marami akong mga CLOTHS na dinala, mga sabon, sipilyo, shampoo, towel at marami pang iba. Basta alam ko kumpleto na ang mga dadalahin ko at ang kulang nalang ang partner ko .. at alam ko ang magiging partner ko ay si JOROSS .. Tiwala lang kay Lord hehehehe :-p

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon