Chap (46) - GoodBi [4]

3.7K 127 60
                                    

Boses Ni Otor: Salamat po kay @Natalie Dhaynatoy (Donate 15 load) at kay @Drei Schultz (Donate 50 load) sa pagdodonate po ng Load na nagamit ko ngayon para makapag-update. Thank You Very Much poHH!

Mga Ka’Green Pasalamatan niyo rin po sila!

- TheSecretGreenWriter

Yung mukha niya, parang nagulat. “Hindi ko-- ko sinasadya, Kaw naman kase ehh anu ba. Halika ka nga dito”,Yung kamay ko kinukuha ng demonyong ito!

“Lumayo ka sakin!”—Tumayo ako mag-isa ko. Sobrang inis ko sa kanya! “Gusto mo na ba ako patayin?! Sige bugbugin mo ako sa harap ng baklang yan!”

“Dennis Huwag ka dito mag-ingay. Dun tayo sa walang tao”

“Bakit?! Ayaw mo makita trayo ng hinayupak na yan! Tang’ina mo! Bakit mo tohh ginagawa sakin ha! Ahh?! Anung ginawa ko sayo!”

“Halika nga dito!”—Hinatak niya ako! Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko! “Bitawan mo ako! Nakakadiri ka! Hayop ka! Manloloko ka!”

Pero patuloy niya parin akong hinihila! Hanggang sa makarating kame sa Banyo at dun na niya ako binitawan! Sinarhan niya yung Pinto! “Anu ba?! Anung ginagawa mo dito?!”

 

“Ikaw anung ginagawa mo dito?! akala ko ba naglilinis ka dun sa eskwelahan? Yun pala kasama mo yung duming yun! Yung mukhang taeng nilalang!”

“Dennis anu ba! Halika nga dito.. Yung sugat mo!”

“Tang-ina mo! Lumayo ka sa akin! Lolokohin mo nanaman ako ng mga mababango mong salita! Tang-ina mo! Tang-ina niyo! Manloloko ka!!!”

“Ikaw ang unang nanloko sa akin.. Kaya wag na wag mo akong minumura mura!”—Sabay Duro nito sa akin sa nakakatakot na mukha!

“Alam mo ba ang sakit! Na yung taong pinili mo ang hindi pala makakapagtiwalaan at siya pang mananakit sayo ng Husto! Anu matagal na ba kayo ng baklang yun! Umamin ka!”

“Oh anu ngayon kung matagal na kame?! Oo simula  pa nung Camping may relasyon na kame! Anu masaya ka na ! Ayan na umamin na ako sayo!”

“Pinagsabay mo kame? Bakit mo tohh nagawa sa akin! Hayop ka!!”—Napasandig ako sa pader at patuloy na ang pagluha ko! Hindi ito umimik, bagkus ay lumalapit siya sa akin.

“Pag-usapan natin toh, makinig ka naman sa akin..”—Sabi pa niya. “HINDI!! Tang-ina mo! Anu Matagal na pala akong nagmumukhang tanga! Matagal mo na pala akong niloloko! Ang tanga ko at di ko pinaniwalaan ang sinasabi ni Ganny sa akin Tungkol sayo! Tang-ina! mo Hayop ka! Manloloko ka!”

“Bakit nagalit ba ako sayo ng nakikipagkita ka sa lalaking yun, kahit may relasyon tayo? Diba puro babala lang ako! Akala mo kung sino ka naman para mahalin. Gagu lalaki ako! Pera lang habol ko sayo!”

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon