Chap (46) - GoodBi [2]

3.6K 123 30
                                    

Gusto ko mang sundan siya, Pero bakit pa? Sa anong dahilan? Wala na kame, wala na kameng paki’alam sa isat-isa. Wala na kameng responsibilidad na pahalagaan ang nararamdaman ng bawat isa.

Hindi narin kame close, kala niya naman siya lang nasasaktan! Hmmmm kung alam mo lang Mr. Mendez, nasasaktan rin ako noh! Makapagsalita naman siya at makapagsungit kala mo kung sino!

Kung Angel si Sir Zhab, Demon naman siya! Demon Demon Demonyito naman siya! Hmmmmmmp maka’alis na nga!

Tama yan dennis simula na yan ng proseso ng moving on! Huwag ng makaramdam ng guilt sa pag’iwan sa kanya. Patas na rin kame meron na siyang demonyitang higad na babae.

Bagay sila ng Tricia na yun!

Apektado Dennis? Apektado?

Bitter.. Bitter ko! Ewan Ewan Ewan! >__>

Kung paramihan lang ng sakit Mendez Ganny! Baka mangulelat ka sa akin! Kainis ka, may pafire’work fireworks ka pa! Tapos ang dali ng pagpalit mo sa akin! Ginamit mo pa yung tawagan natin! Pang’iinsulto yun sa akin!

Grrrrrrrrrrr..

NABUBUYSIT TALAGA AKO KAY GANNY..

Huminto muna ako, dun sa isang bench sa labas ng Admin sa may ilalaim ng punong Narra. Nagpahinga muna ako at lumanghap ng sariwang hangin.

“Ehemmm”—Huh? May kasama ba ako dito? Kasabay nun ang pagtap ng isang sapatos sa semendatong daanan, sa di kalayuan sa kina’uupuan ko.

Pagtingin ko sa bandang yun ay nakita ko ang isang katawan, naka-uniporme yun. Yung isang paa niya na nakasapatos ay sumasayaw habang gingawa nito ang pag tap sa semento.

Ang gandang tunog ng nagagawa niyang iyon. Imagine isang paa palang yung tinatapdance niya pero ang cute na. Anu pa kaya pag yung dalawa na , kasama pa ng pag shake ng body niya.

 NG HUMINTO NA YUNG PAA NIYA AY NAPATINGIN NA AKO SA MUKHA NIYA.

Inis akong tumayo upang lisanan na ang lugar. Bat ba ang mga demonyo nagkalat ngayon sa kapaligiran? Unang nakita ko yung Demonyong Mayabang na sinaktan ko daw ng lubusan! Ngayon naman yung demonyong nanakit kay Joey nandito sa aking Harapan!

“Teka lang Dennis”—Hinarap ko siya at tinignan ng masama.

“Bakit?! Anong kaylangan mo? Bubuysitin mo nanaman ba ako? Siguro nautusan ka nanaman ng amo mo?! Anu sabihin mo!”

“Dennis hindi ganun. Pakinggan mo ako”

“Anong papakinggan ko sayo Karim? Alam mo ba nasaktan yung kaibigan ko dahil sayo! Nasaktan si Joey ng husto ng mas pinili mo pa yung.. yung wala mong kwentang kaibigan kaysa sa kanya!”

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon