Chap (43) - Buwan ng Wika [2]

4K 91 1
                                    

“Simula na ba Bro?”, Tanong niya.

Woahhhhh!! Nagulat ako! Hindi ako nagulat dahil sa sinabi niya. Nagulat ako ng makita ko ang pagmumukha niya.

Namuo ang inis sa aking mata, Naalala ko siya!

“Ikaw?!”

“Ha? ako?”, sabay turo sa kanyang sarili.

Oo ikaw!, gusto ko siyang sigawan at duruin. Pero magiging bastos naman ata ako pag ginawa ko yun.

Pero naiinis parin ako sa kanya tuwing naalala ko yung pang-iinsulto niya sa akin habang naglalaro ako nuon ng Flappy Bird..

Yung sabihing naglalaro ka ng Super Mario kahit Flappy Bird naman ang nilalaro mo!! Mukhang di niya ako nakikilala.

“Oo ikaw. Alam mo ba na bawal dito matulog?! Tsaka anong magsisimula ? Tapos na Kanina pa!!”, Pagsususngit ko sa..

Ang totoo sa isang gwapong lalaki.

“Ay ganun , patay ako nito..”, naringig kong sabi niya habang tumatayo sa sahig. Pinulot nito yung librong nahulog. Parang lutang ang Gagstiii!!

“Bilisan mo na.. Isasara ko na itong Room”

“Bawal na ba talaga? Kaylangan ko kase magdrawing , magagalit sakin Girlfriend ko.”, Pake ko sayo, Pake ko sa inyo ng Girlfriend mo!!

“Pake ko..”, Mahinang sagot ko sa kanya. Pero yung isip ko nagdadalawang lakad, parang gustong lumiko. Pasalahin ko pa kaya siya?

Tumingin ako sa oras, Pasado 10:57 am na. Kung sasali man siya meron nalang siyang 33 minutes. Mababawasan pa yun dahil sa nakatunganga pa kame.

“Ganun ba? Sige sensya na..”, Tulad ng istilo niya ng paglalakad, nilagay niya sa likuran ng ulo niya ang librong hawak, kasama ang mga kamay na tila nak-inunan sa at relax itong naglakad papalayo.

Napakayabang kung maglakad!! Hmmmmmmp..

“Konting minuto nalang ang natitira, kaya mo pa ba?”, tanong ko sa kanya. Huminto siya at inalis ang mga kamay sa kanyang backhead.

“Oo naman.”

“Sige magsimula ka na, bibigyan lang kita ng trentang minuto para matapos yan. Pero wag ka na magexpect na mananalo pa yang gawa.”, Pumunta ako sa harap. Kinuha ko yung Karton at nillapag ko sa llamesa , kung saan naka-upo na ito.

“Magsimulaka na.”, Muli akong lumabas at kinuha yung mga poster, ipinasok ko ulit yun sa loob.

“Badtripp..”, Masungit na paringig ko sa lalaking nagmamadai na sa pag-guhit. Kagat kagat nito yung lapis, at seryosong gumuguhit.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu