Chap (45) - Justice for Dennis! [2]

3.8K 119 20
                                    

Tumapat yung barya sa puso, isa lang ang ibig sabihin nun. Kailangan ko na siyang kalimutan at burahin sa buhay ko.

“Mahal mo pa?”—Kinuha ni Joey yung baryang pinagmamasdan ko sa aking palad.

“San mo nakuha yang coin na yan?”

“Ito ba?.. Bigay niya rin sa akin ito”—Muling sumilay yung ngiti sa kanyang pisnge. Naglakad na rin ito ng mahina pabalik sa mesa.

Agad din akong sumunod.

Naupo kame sa lamesa at dun tinuloy ang pag’uusap. “Andami naman ata ng binigay niya sa una niyong pagkikita”

“Hindi ko rin naman inaasahan yun, Basta binigay niya sa akin yung panyo. At dun sa panyo naka’ipit yang baryang yan”

“Anong tawag diyan?”—Ako

“Di ko alam.. La Love coin yan, yan siguro pwede ng itawag riyan. Bakit? Bat mukhang interisado ka sa baryang yan?” – Habang humihigop siya ng mainit na sopas.

“Okay lang..”

“Anung okay lang? tsaka bat nakasimangot nanaman yang mukha mo. Affected ka ba masyado?”

“Konti, alam mo naman siguro na may pinagsamahan rin kame”

“Ihigop mo nalang yan nitong mainit na sabaw ng sopas para mawala yang kalamigang nararamdaman mo”—Inusog niya yung tasa ng sopas palapit sa akin.

“Ayoko may laway mo na yan”—Ngumiti ako ng konti. :”>

“Ang arte.. sige bilihan nalang kita para pareho tayong may hinihigop”

“Huwag na. Okay na ako dito”

“Kaylangan mo ng lakas mamaya pag nagharap man kayo sakali nung renales na yun. Kaya kailangan mong kumain. Don’t be like that Dennis”

Anu nanaman pinagsasabi nito. Naninibago naman ako sa kanya. Di naman siya ganito magcare nuon ehh. Di ko maimagine na si Joey pinagsisilbihan ako. Fun to Think ^__^

Shocking to see ^*^

THAT WHAT FRIENDS ARE TWO!

Dinadamayan niya lang talaga ako sa parehong sakit na naramdaman niya. Mabuti siya may Mr. Panyo sa kanyang gumamot agad. EHh ako ito nganga! Sopas ang Gusto niyang ipahigop sa akin!

“Huy Si dennis Ohh”--- May mga tinig akong nadidinig. “Hay naku nadiyan nanaman mga klasmeyt mo”, naupo ulit si Joey.

“Hai Dennis.. Hi Joey”—Bungad samin ni Louie. Kasama niya si Billy at Twine. “Hello”, matipid ko namang sagot. Naupo naman siya sa tabi ko.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Where stories live. Discover now