Chap (26) - #IsangBuwanAngLumipas

3.2K 61 3
                                    

ISANG BUWAN ANG LUMIPAS ….

                “ Sa lunes na ang MathSci Competition sana manalo ka, Kaya review lang lage sa nalalabing dalawang araw and always pray to God “, Paalala sa akin ni Sir Vegas habang kapwa na kame nagliligpit ng gamit at palabas na ng Room. Nagreview kase kame para sa Quiz bee na gaganapin next Monday. Ako kasi yung napiling Lumaban para sa 1st Year Category sa math. Biyernes na ngayong araw at kabado talaga ako sa magaganap na patimpalak. Ito ang pinaka-una kong Sasalihang competition sa High School life ko. “ Oh siya mauna na ako sayo dennis wag na wag ka nga pala mawawala sa meeting sa Lingo para sa MathSci Competition dun sasabihin kung anong oras, anong dapat dalhin at kung ano-ano pang kaylangan sa laban .. Alas otso ng Umaga sa may Multimedia malapit sa library “, Muling pagpapa-alala sa akin ni Sir na dala dala na ang gamit niya nasa pinto na siya at hinihintay nalang siguro ang reply ko. “ Sige po sir .. makaka-asa kayo , at ibubuhos ko ang buong husay ko po sa laban sa lunes “, nakangiti ko namang sabi. “ Alam kong mananalo ka kid kaya .. laging kumain ng masustansiya ahhh at matulog lagi ng maaga .. Oh siya mauna na ako “, Nagpaalam na sa akin si Sir at ako naman ay inayos na ang mga gamit at Lumabas na rin sa classroom.

                Konti nalang yung tao at ang iba ay puro mga nakatambay nalang sa campus at yung iba yung mga athlete na nagpapractise ng sport na pinili nila. Napatingin ako bigla sa kalangitan kulay kahel na yun at nararamdaman ko yung sigla ng mga bituing unti-unti ng kumikislap dito. Isang buwan na pala ang nakakalipas simula ng may mangyaring di maganda …. Ayaw ko man isipin pero hindi ko na yun matatago sa aking isipan lalo na sa buo kong pagkatao. Heto ako ngayon hinihintay ko ang taong totoong minahal ako at di niya talaga ako iniwan kahit sa nakakatakot na nangyari sa buhay ko. Si Chu .. siya yung tinutukoy ko, ang totoong lalaking tumanggap at nagmahal sa akin ng totoo. My Pikachu <3

                Bakit ko siya hinihintay ? Hehehehehehehehe sahod niya daw kasi niya ngayon Lilibre niya daw ako sa may Canteen. Tinignan ko yung cellphone ko baka sakaling may text siya. Meron isang text pero hindi yun kay Joross .. text lang naman yun ng magaling kong Bestfriend si Joey. Sa Isang buwan na Lumipas gusto niyo bang malaman kung ano na nangyari sa TomBoy “daw” na yun ? Ayun Nagliligawan parin sila ni Karim. Minsan nga natatawa na ako kay Karim ginagawa na siyang alalay ni Joey .. Pero nararamdaman ko namang natutuwa siya at ramdam ko rin kay Joey na unti-unti na niya ring nagugustuhan si karim. Si karim ??? Ayun magkaibigan na kame .. Pero minsan parang may iba .. Parang napipilitan lang siya. Pero ok yun atleast pinapansin niya ako.

---------------------------

Hoy Dennis

Pwedeng samahan mo ko sa Sabado ?

---------------------------

|

|

|

V

Text ni Joey ..

Reply ko : Di pwd Magrrview ako bukas

*Di naman nagtagal ay agad siyang nagreply ..

Reply niya :

Nge. ba yan .. la q kasama

papuntang munisipyo

Reply ko :

Nung Gagawin mo dun ?

Reply niya :

Scr8 sama ka na kase ..

Reply ko :

Si karim sama mo ..

Reply niya :

Ihhhh Kulit nmn kase nun ..

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon