Chap (17) - Worst date Ever ft. The Epal

5.5K 120 19
                                    

                Silang dalawa.. Gulat na gulat parin makita ang isat isa!!!. Sa kadahilanang curious ako sa nangyayari ako na ang nagsimulang nagsalita. “ Kuya Kilala mo si Ganny ?“ .. tanong ko kay kuya na agad naman tumingin sa akin. “ Ahhhhh .. Uhmm Oo, kilala ko siya,  4th year ako sa Dr. Mendez academy, habang siya  2nd year noon, and were friend, dahil pareho kaming player ng basketball team ng school “, si Kuya brenth na sumasagot na parang may pag-aalinlangan. Tumingin naman ako kay ganny na parang di parin nakaka-alis sa “di makapaniwala mode”. “ AH Oo magka-team mate kami kaya magkakilala kami, nagulat lang ako na nalaman kong kuya mo pala siya “, paliwanag ni ganny. “ Ah ganun ..”, mahina kong sabi sabay tango-tngo ng ulo ko. “ AH sige guy’z .. una na muna ako .. ah Jhonny nice meeting you again tol, matagal na ring panahon wala tayong contact ah “, sabi ni kuya brenth. “ AH Oo nga eh .. “, sagot naman ni Ganny. “ Ah sige pasok na muna ako .. dami pa kasing gagawin eh “, naglakad na nga papalayo si kuya brenth, ng bigla siyang tinawag ni Ganny “ AH .. brenth sandali lang” .. lumingon naman si kuya at bahagyang ngumiti ang labi “ Bakit ?”, tanong niya. “ Pwede makuha cp number mo ? .. para txttx tsaka hinihingi rin ng ibang tropa “, sabi ni Ganny. Naiinis tuloy ako sa nakikita ko bakit ganun nalang sila kaclose? At bakit mabait din si ganny kay kuya .. yung tipong parang ganun na sila nuon .. Tapos hiningi pa niya number ni kuya :’( --- feeling sad

                Pagkatapos nila magpalitan ng numero , nakita ko na may pinag-uusapan pa sila, di ko na yun maringig kasi nga umabante na nga ako sa may gate at malayo na sa kanila. Nakita ko nalang si ganny  papalapit na sa akin at si kuya brenth ay tiyak nasa loob na ng bahay. Parang tinatamad ako habang hinihintay ko siya papalapit. Nakangiti siya at puno ng sigla habang naglalakad .. “ Tara na ? “, aya niya sa akin. “ Uwi ka nalang kaya .. “, sabi ko sa kanya. “ Hala .. uwi? Pinapa-uwi mo na ako ?” .. tanong niya. “ Oo uwi ka na .. “, matipid kong sagot habang nakatayo ako sa gate. “ Huy galit ka ba? may nagawa ba akong masama? “, makulit nanaman niyang tanong. “ Wala , parang tinatamad lang kasi ako”, sabi ko sa kanya. “ Krib naman oh.. wag ka naman tamarin gusto lang naman kita makasama ngayon, tapos ayaw mo? papasok na kaya tayo bukas bahala ka baka maging bz na ako di mo na ako makasama ng ganito “ .. sabi niya. Pero ako iniisip ko .. kung anong meron sa kanila ni kuya brenth di ako naniniwala na magkaibigan sila .. May kakaiba sa kanilang dalawa :-(

                “ AH geh .. kung ayaw mo ako ipasyal dito sa subdivision .. ayos lang uwi nalang ako “, sabi niya sabay , nagsimula na siyang naglakad paalis ng walang paalam ! Hmmmp. Hindi ko na rin siya pinansin at pinabayaan ko na siyang umalis. Isang minuto na nun, ng makaramdam ako na gusto ko na siyang tignan. Unti-unti nga akong sumilip at nagulat ako ng makita ko siyang naka-upo sa ilalim ng puno na sa bench sa tapat ng isang bahay .. 3 bahay layo mula sa amin. Naka-upo siya tapos hawak niya yung cellphone niya na tila may katext siya .. Hmmp may katext ba siya ? O naglalaro lang ng games ? Kainis sino kayang katext niya ..   :’(

                ‘Ayan kasi dennis ! arte-arte mo !’ --- sa isip ko. SUmilip ulit ako, nakita kong parang tuwang tuwa siya sa katext niya. Bigla ko tuloy naisip na baka si kuya brenth ang katext niya at may .. private silang pinag-uusapan. Kaya naisip kong umakyat para makita kung nakikipagtext din si kuya Brenth. Agad akong pumasok sa bahay at tinungo ang kwarto ni kuya brenth sa taas. Naka-awang ang pinto niya kaya, sumilip nalang ako .. nakita ko siya sa study table niya. Nagsusulat lang naman siya , pero ramdam ko yung ngiti sa mga labi niya. Tapos bigla niya nalang kinuha yung cellphone at tanaw sa mukha niya ang kaligayahan. “ Sila kaya ang magkatext na dalawa? .. kainis naman oh “  -____-

                Bumaba naman ako ulit , upang tignan kung nandun pa rin si Ganny … kahit hinihingal na ako kakababa – akyat , ginagawa ko pa rin, kasi may duda ako na sila nga ang magkatext at isa lang ibig sabihin nun , may something crabby .. ay este fishhy sa kanilang dalawa. Sumilip ulit ako sa may gate at nandun ulit siya at , ganun pa rin .. nakangiti pa rin siya sa katext niya. Hmmmmmmmmp !!! Confirmed sila nga ang magkatext ! .. Nakaandig ako nun sa gate, na puno ng simangot sa muka ng biglang may nagsalita “ AH kuya pwede magtanong ? “ … tumingin ako …

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora