Chap (41) - When Love & Jealous Collide [3]

2.4K 86 1
                                    

 

                “ Ingat ka ha?”, siya habang hawak yung kamay ko. Habang nasa labas na ako ng gate at siya naman ay naka-apak sa loob.

“Baka makita tayo ni kuya”, ako sabay bitaw na.

“I Love you”, mahina niya sabi.

“I Love you too”, mabilis ko naman sabi habang wala pang dumadaan sa gate… Pagkatapos ay nag’Flying kiss naman ako.

:-*  ♥♥♥♥♥♥♥♥

                At sinalo naman niya ito gamit ang kanyang kamay at tungo sa kanyang Labi… Bago siya umalis ay kumindat pa siya.

(ɔˆ ³(ˆˆc)

                Parang may iba ako nararamdaman, Parang Lalo ko na siyang minamahal. Bumabalik na ang dating Joross na una kong nakita.

<< END of DENNIS P.O.V >>

 

*******************************

 

<< BRENTH Point of View >>

“Hello kuya?”, Mabilis kong sagot ng tumawag si kuya Clifford.

“Si dennis naka-uwe na ba?”, Agad na tanong nito.

“Hindi ko pa alam kuya ehh. Bakit po?”

“Ah wala naman. Hindi ko kase kayo masusundo, baka gabihin na ako. Daanan mo nalang yung kapatid mo kung uuwi ka na”

“Ah sige kuya, daanan ko nalang si bunso kung nandun pa siya sa eskwelahan nila”

“Oh sige may gagawin pa ako”

“Sige po”

                Ngayon ko lang nabatid na may concern din pala itong si kuya cliff kay dennis pagkatapos ng tawag na yun.

                Pauwe na rin naman ako nun at galing ako sa Library nagsearch tungkol dun sa aming experiment sa College Physics.

                Fresmen B.S Civil Engineering ako dito sa isang sikat na paaralan sa may University Belt. Tulad ng dalawa kong kuya, dito rin sila nag-aaral. Kung nuon sabay kameng nag-aabang kay kuya sa may Taft Avenue, ngayon ay hiwalay-hiwalay na kame.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon