Chap (19) - A Frozen Dream

3.9K 93 6
                                    

Nasaan ako ?

                Napansin ko yung paligid ay halos kulay puti na dahil sa pag-ulan ng niyebe. Naka-suot ako ng makapal na jacket. Habang nakatayo sa lugar na ang kalupaan ay natatabunan na ng niyebe. May mga kahoy na halos puti na rin, dahil sa pagbalot ng niyebe sa buong parte nito. Umuulan ng niyebe??? at di ako makapaniwala sa nangyayari .. Nasa isa akong lugar na may Winter season. Nasaan ako ? Hindi ko alam kung anong oras na, tanging ang palatandaan sa paligid ay ang pagbuhos ng snow. Wala akong mga taong nakikita. Pero may mga bahay akong nadadaanan sa pagtahak ko sa dulo ng daan. May isang sasakyan akong nakita, kulay puti ito at nakaparada sa daan. Tumingin ako sa salaman at tinignan ko ang aking itsura. Nakasuot ako, ng sumbrero, meron din akong scarf na nakapulupot sa leeg. Napatingin naman ako sa aking suot pang ibaba. Mahaba at makapal na pants ang aking suot, at ramdam ko rin sa loob ng boots na suot ng aking mga paa ay merong medyas.

                Nahihiwagaan ako sa nangyari … biglang may nakita akong isang babae na naglalakad. Nakapayong ito at papunta sa kaliwang bahagi ng daan. Sinundan ko siya. Pero bigo akong maabutan siya. Ang tanging nakita ko nalang ay isang malaking pintuan .. Kulay asul ito, halos kitang kita mo ang iyong sarili pag humarap ka dito, dahil sa kintab na taglay ng pinto. “ Ano kayang meron sa loob ? “, tanong ko sa aking sarili. Sinubukan kong buksan sana ang pinto , pero wala akong nakitang hawakan para magbukas ito. Pero may nakasulat sa pintuan ..

-----------

Anong tinitingin-tingin mo ? Pumasok ka kaya !

- May-ari

-----------

                Medyo weirdo, yung nakasulat. Medyo natawa ako, bakit kaya tagalog yung nakasulat sa pinto? Ibig sabihin ba nito nasa Pilipinas ako ? Eh paano naman ako makakapasok .. sabi ko sa harap ng pinto. Nagulat ako ng biglang nawala yung sulat at napalitan ito ng iba.

Kumanta ka ! [ bagong sulat na lumitaw sa pinto ]

                Nandilat yung mata ng makita ko yun. Di ko alam kung bakit nangyayari ang mga bagay na yun. Lumayo ako ng bahagya sa pinto at aalis na sana ako ng biglang di na makakilos ang aking mga paa. “ Hala bakit di ako makalakad ? “ , natanong ko sa sarili ko. Kasabay nun yung biglang pagliwanag ng pinto .. AT muli nanaman may mensaheng pinadala ito sa akin.

Kanta na ! [ muling sumulat sa may pinto ]

                “ Huh? … buhay ka ? “ .. natanong ko sa harap ng malaking pinto.  Nagulat ako ng biglang lumiwanag ng malakas. Napatakip ako ng mata ko nuon sa sobrang liwanag na sumabog sa aking harapan. Kasabay nun ang biglang pagsasalita ng isang tinig …

                “ Ewan ko! Tanong mo kaya kay simsimi “, naringig kong pagsasalita ng ng Pinto ! Bigla akong natakot ng makita kong nagkaroon ng mata .. ilong .. at bibig yung malaking asul na pintuan. Nakatulala at di ko alam ang sasabihin …

                HALIMAW !!! … biglang pagsigaw ko .  “ Halimaw ka diyan ! ako kaya si Don Pintu-ino ! “, pagsasalita niya. Parang lalaking ermitanyo ang boses ng pinto at kamukha niya si Domo .. pero blue version nga lang. “ Huh ? Don Pintu-ino ? “, gulat at patanong na sabi ko sa kanya. “ Oo at ako ang diyos ng mga Pintuan ! Hahahaha “, sabi ng pintu sabay tawa na parang .. mamaw. “ Eh asan po ba ako ? “, tanong ko sa kanya. “ Ay aba .. ewan ko sayo  ! “, sabi niya sa akin. “ Huh ? ano bang lugar to ? “, tanong ko ulit .. “ Secret , malalaman mo lang pag nakapasok sa sa mundo ko .. “, paliwanag niya. Nakakatakot talaga siya .. ang laki ng mata niya pero .. Cute na rin para siyang bagong species ng Pokemon. “ Nge eh itong kinatatayuan ko, hindi mo ba ito lugar ? “, tanong ko sa kanya. “ Hindi noh ! lugar yan ng kalaban kong si DOORnitoryo .. pero tignan mo naman ang mundo niya .. so cheap ! di mo ramdam ang pasko ! at ang place niya parang ghost town na ! at wala man lang katao-tao kasi nga Ang Panget ! “, siya sabay tawa ulot ng malakas.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt