Chap (20) - The Singing Bee's

3.1K 65 13
                                    


#DENNIS
(0____0!!)

Nakakatakot siya .. Para siyang halimaw na kayang pumatay ng maraming tao. Naupo siya sa upuan , tapat sa akin Kasabay ang pagsulyap na tila nakadroga.

“ Nagkakaintindihan ba tayo ? “

“ Opo sir .. “, sagot ko na takot na takot :’(

Pagkatapos nun biglang may umalingawngaw na katok mula sa pinto. Tumayo si sir .. at pinandilitan niya ako. Pagkabukas niya bumungad yung dalawang nurse. “ Ahhh Sir. Renales , kanina pa daw naka-alis si Mr. Gonzales sabi nung security guard “, sabi ni ate nurse. “ Actually kanina pa talaga yun inutos sa akin ni Sir , late ko lang talaga  nasabi sa inyo .. dahil natagalan ako sa meeting kanina “, sagot naman ni Sir. Renales na halatang nagsisisnungaling. “ AH paano pu yun , baka magalit siya sa amin .. “, tanong naman ni kuya nurse. “ Don’t Worry ako na bahala magpaliwanag kay Sir “, sabi naman ni Sir. “ Salamat po sir “, sagot ng dalawang nurse.

“ Pero Grace at Raymond .. ang pinag-aalala ko lang kung sino maghahatid kay dennis sa bahay nila, dahil for sure nag-aalala na magulang niya “ .. si Sir renales sabay tingin sa akin na puno ng pagkukunwari. “ Dennis san ka ba nakatira ? “, tanong ni kuya Nurse sabay lapit sa akin .. “ Ah sa may UPS 2 po .. “, sagot ko .. “ Ah eh di sumabay ka na sa amin ng ate grace mo .. tutal biyaheng alabang naman kami pauwi .. madadaanan natin yung subdivision kung san ka nakatira “ .. nakangiting sabi sa akin ni kuya nurse. “ Sige grace .. raymond kayo na bahala dito kay Dennis ah , wag niyong pababayaan kundi mananagot kayo sa akin ..”, SI sir sabay yakap sa akin .. at biglang bumulong ito ng mahina. “ Tandaan mo yung pinag-usapan natin, wag na wag kang magkakamaling kalabanin ako “ .. sabay bitaw na ito na ang mukha ay parang nag-aalala. “ AH don’t worry sir .. kami na po bahala sa kanya “, sabi naman ni ate grace kay Sir. renales.
Pagkatapos nun, umalis na si Sir. Renales .. Sila ate grace at kuya raymond naman ay nag-aayos na para sa pag-alis na rin nila. “ Kainis ka mond iniwan mo tong cellphone na naka-upen yung … hmmmmp kainis ka talaga ! “, naringig kong naiinis na wika ni ate grace kay kuya raymond .. “ Ay sorry grace , nakalimutan ko palang isave .. Paki-save nalang ohh .. taz pasa mo nalang sa akin .. Sorry talaga “ .. paghingi ng tawad ni kuya raymond kay ate grace. “ Oo na ! “, sigaw naman ni ate grace .. “ Uy galit na siya .. kiss kita diyan eh “, si kuya raymond na may halong paglalambing ang pagsasalita. “ Yuck kadiri ka talaga mond ! mahiya ka nga may bata dito eh “, si ate grace sabay tingin sa akin. “ Diba dennis bagay naman kami ni ate grace mo ? “, tanong naman sa akin ni kuya raymond. Natawa naman tuloy ako sa tanong nayun. “ Oo naman “, sagot ko. Ayun sa sagot kong iyon lalong nagtuksuhan si ate grace at kuya raymond na talaga bagay naman sa isat isa <3

Taxi ang sinakyan namin .. Sa halos 10 minutes na nakasama ko sila sa biyahe gumaan ang pakiramdam ko. Yung takot .. galit at kung ano-ano pang negatibong nararamdaman ng puso at isip ko ay napalitan yun ng ngiti at tawa. Masayang kasama sila ate grace at kuya raymond  .. para silang aso at pusa. Pero sila yung aso’t pusa na tatawa ka habang kikiligin sa mga bawat salita na lumalabas mula sa kanilang mga labi. Naging malapit na rin ako sa kanila at parang nakahanap ako ng bagong kapamilya at kaibigan sa pagkatao ni Kuya Raymond at ate Grace. Bago ako nagpaalam kina ate grace tinanong ulit ako nila tungkol sa nangyari sa akin .. Pero natakot akong magsumbong at magsalita , natatakot ako sa mga pagbabanta sa akin ni Sir. Renales. Handa daw silang makinig sa akin pag handa na daw akong ikwento sa kanila ang totoong nangyari at handa rin daw silang tumulong kung maari. Sabi din nila sa akin .. welcome daw ako tumambay sa clinic, para naman daw may maka-usap sila. Sinagot ko naman sila ng “ sige po “, sa bawat paanyaya nila sa akin.

Pagdating sa gate ng subdivision ay bumaba na ako, hindi ko na pinapasok yung taxi dahil sa nahihiya na ako. Sinabi ko nalang kina kuya Raymond at ate grace na malapit lang ang bahay namin sa bungad ng subdivision. Pumayag naman sila at pinaalalahanan ako na magingat daw sa paglalakad. Pagpasok ko agad akong naglakad, gabi na nun kaya halos wala ng tao sa labas .. 9:45 na ng tumingin ako sa orasan ng cellphone ko .. At halos 45 na rin ang message sa cellphone ko at hindi ko pa yun nabubuksan lahat ni isa hindi pa. Alam kong ang karamihan dun ay text ng mga kapatid ko .. Kahit di ko pa man nababsa ang text panigurado naman ako ang nilalaman nun tungkol sa Pag-uwi ko ng gabi at tiyak mahaba-habang sermon nanaman ito . Patay ako -__-

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora