Chap (14) - The Five Day's of CUMping [4]

7.9K 126 12
                                    

*********************************

PART 4: (╰☆╮ starGAYzing ╰☆╮ )

*********************************

#DENNIS

" Anong meron ? " ... sabi ng nasa tabi ko. " Saan? ", sagot ko. " Sa puso .. " . " Eh di ikaw .... jowwwwwwwwwwwwwwwwk " , ako, sabay lingon na sa kanya ng nakangiti. Nasa tabi ko na pala si ganny ng di ko namamalayan. " Ganun joke lang pala ?" , sabi niya habang patango-tango na parang malungkot. " Si kuya Joel ? ", tanong ko sa kanya, kasi nakita ko pa rin na nandun yung Van at di pa naalis. " Hala mas hinahanap mo pa si kuya joel kaysa sa akin ? " , siya sabay tumalikod. Natatawa naman ako sa kinikilos niya para siyang di mo maintindihan, parang KSP .. KULANG SA PANSIN. Lumapit ako sa kanya, Tapos kiniliti ko sa sa may bandang baywang niya .. Ramdam kong parang kinikilig ang katawan niya sa pagkiliti ko, " Ayoko na .......... hi ahh hia aha haha tama na", pagmamaka-awa niya habang todong-todo ang ginagawa kong pagkiliti sa kanya. " Ah ayaw mo talagang tumigil ", naringig kong sigaw niya .. habang naramdaman ko na ang pagharap niya at sinimulan din niyang gumanti sa pagkikiliti.

Kapwa nalang kami napatigl sa kilitian na iyon ng, maringig namin ang tawag ni kuya joel. " Ah master nakita ko na po .. ", si kuya joel na nakangiti na parang may ibang iniisip. Pareho kaming humihingal dahil sa kalokohan na ginawa namin .. " Ah sige kuya joel punta na kami diyan ", si Ganny sabay inakbayan niya ako .. at niyaya na pumunta sa may sasakyan. Pumasok kami sa loob at naupo kami sa likuran ulit. Naalala ko tuloy nung una kaming nagkatabi kami dito .. Naalala ko yung pagka mayabang niya .... pagkapilosopo niya, pati na rin medyo bastos na astig , basta ganun .. ganun ang imahe na nakita ko sa kanya, kabaliktaran ngayon na .. ewan ko ba kung bakit bumait to? di ko naman siya ginayuma .. di ko naman nilawayan mga kinain niya ? .. Kung ano man ang rason kung bakit nagbago siya nagpapasalamat ako. Dahil naeenjoy ko itong camping :))

" Oh kumain ka na muna ", siya sabay bigay sa akin ng isang McDo meal .. 2 pcs. chicken mcdo yun , isang burger at frenchfries. Pareho kaming tatlo merong McDo .. Yung inumin naman namin yung dalawang litro ng ng coke zero. Umalis kasi kami ni Ganny ng hindi pa nag-aalmusal. Pagkatapos naming kumain .. naupo lang muna kami sa loob ng auto at nakinig nalang ako sa usapan nila ni kuya joel. " Kuya joel asan na yung stand? ", naringig kong tanong ni Ganny. " Ito po master ", tapos may inabot si kuya joel na parang bag na pahaba pero hindi ito kalakihan. Nakita kong tuwang tuwa si Ganny .. Tapos tumingin siya sa akin .. " Ikaw magdadala nito ", utos niya sa akin tapos abot dun sa mahabang lalagyan. Bigla ko naman naisip na .. " eto nanaman siya .. uutusan nanaman ako sa mabigat na bagay na yun ", para nalang akong napasimangot dahil. " Ah sige akin na ", hingi ko dun sa hawak niyang bagay. " Jowwwwk lang ako magdadala nito , pati rin dito oh ", siya .. tapos pinakita niya yung isang bag naman. "Ano ba laman niyan ?", biglang natanong ko .. "secret .... na malupit", sabi niya sabay yaya na sa akin bumaba sa Auto.

Bumaba na kami habang nakaukbit na sa kanyang likuran yung mga bag na hindi ko alam kung anong laman. Si kuya joel naman pinaandar na yung sasakyan at nagpaalam na rin sa amin. Dahil sa curious ako sa kung anong laman ng bag sinubukan ko itong hawakan mula sa likuran niya. Matigas na bagay at halatang mabibigat yung mga yun .. " hala bigat naman .. ano ba laman ng mga yan ", tanong ko ulit. Tumingin siya sa akin .. " gusto mo malaman? .. sige pag sinabi ko kung anong laman nito ikaw padadalahin ko nito ", nakangiti niyang sagot sa akin. " Di wag kung ayaw mo .. di naman kita pinipilit ", naiinis na sabi ko sa kanya. Tapos lumapit siya sa akin .. bigla niyang pinisil yung pisngi ko .. " Wag kana magtampo .. mamaya malalaman mo kung anong laman nitong bag ", siya sabay umakbay nanaman sa akin, tapos nagsalita siya : " tara na nga .. " .

Pagdating namin sa camp site galing sa mahaba-habang paglalakad pabalik. Dali-dali kaming bumalik sa may tent , marami naring tao sa labas pakiramdam ko nga sa kanila kami nakatingin parang gusto ata nila tanungin .. San kayo galing ? pagkadating sa tent nilapag niya agad yung dala-dala niya. Pero ako lumabas ako, dun ako pumwesto sa may duyan. Tinabyong tabyong ko yung duyan habang nakahiga ako .. Nang may lumapit sa akin " Ano ginagawa mo sa duyan ko ?! ", naringig kong nagsalita sa harapan ko, pero nagpanggap ako kunwaring tulog - kahit obvious naman na gising :-)

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon