Chap (15) - Tulong na, Tabang na, Tayo na

6.8K 110 10
                                    

                Agad kong kinuha yung mga dala kong gamit. Sarado yung gate kaya gumamit ako ng Door beLL, dalawang beses ko yun pinindot. Wala pa ngang dalawang minuto nakita ko na si Manang na lumabas, nakangiti ito sa akin ng pinagbuksan ako ng gate. “ Oh iho nandito ka na pala ? kumusta ang camping ? “, bungad niyang tanong sa akin. “ Ah ayos lang naman po .. “, maayos kong sagot, kahit ramdam ko na inaantok parin ako dala ng  .. pagod na bakas parin sa akin katawan. “ Ah kumain ka na ba? “, tanong parin niya .. Tumango nalang ako kay manang, nakakainin naman kasi ako ng almusal bago umalis sa camping site tsaka alas diyes palang ng umaga. Tinulungan niya rin akong dalahin yung bag sa loob upang mapaghiwalay niya na daw yung mga gamit na kaylangan na daw labahan dun sa mga malinis pa. Pina-ubaya ko na kay manang yung gamit, at sinabi ko nalang sa kanya na itabi yung mga gamit ko na malilinis pa. Aalis na sana ako ng napansin kong parang ang tahimik sa bahay kaya muli akong nagtanong kay manang.

                “ SiLa kuya po ? “, tanong ko kay manang. “ Ah sila sir po ? “, tanong niya rin. “ Opo “, ako sabay ngiti. “ AH umalis po siLang lahaT, pero di ko alam kung saan pupunta, basta bilin sa akin ni Sir Vincent na darating ka daw ngayon”, sagot niya. “ Ah ganun pu ba ? ah wala na po ba siyang ibang sinabi ? .. “, tanong ko. “ Ah wala na po “, sagot ni manang. Hmmmp ! saan kaya sila pumunta, iniwan ako ? :’( dayaaa ! “ AH sige po salamat manang “, paalam ko sa kanya, dahil gusto ko ng pumunta sa kwarto upang magpahinga. Agad akong nahiga sa kama na talagang namiss ko .. Kinuha ko naman yung cellphone ko sa aking buLsa, nainis din ako daHiL wala man lang text .. KahiT siLa kuya, wala man lang text kung saan sila makakapunta … Nakakatampo :’(

                NiLagay ko yung cellphone sa ilalim ng unan, at pinilit ko ng mahimbing muli sa pagpikit ng aking mga mata. Pero hindi parin ako makatuLog ! iniisiP ko yung tungKoL sa video. Paano kaya kung maka-abot kina kuya yung tungkOL sa video tapos mamis-interpret niLa yung Totoong kwento Haist !

                Tapos biglang may pumasok sa isip ko , Paano nalang kaya kunwari may nagsumbong kina kuya tungkOl sa video at Lalong pinaLaLa ng ibang chismis ! Wahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa !

PAGSASADULA (ito yung sitwasyon na pumapasok sa isip ko) :

Kuya VinCe : Totoo ba yung sabi NiLa Bunso? … na BakLa ka ! (Pasigaw at galiT na sabi ni Kuya Vince habang kumakain kami sa Lamesa , Kasama ang iba pa naming kapatid )

Natakot na ako sa naging reaksiyon ni kuya, kainis ! Kanino ba kasi niya nalaman yung Chismis na iyon .. na PinalaKi lang Dun sa Simpleng Video na iyOn.

Ako : Kuya .. Hindi pu yan totoo ! Paano naman yun mangyayari eh may GirLfriend ako eh !

========

HaLa ! kung ganun ang mangyayari .. hindi ko kayang gawin yun  ! yung sabihing may gf ako kahit wala naman. Ayoko magsinungaling kung di ko kayang paninadigan noh !

Honest kaya toh ! Promise :-)

|

|

|

KahiT hindi naman .. Dami ko kayang LihiM sa buhaY. HmmmmP !!  Pero hindi pa ito ang oras para maLaman niLa at Ayaw kong malaman niLa. KayLangan kong magsinungaLing para maka-iwas sa kahihiyan, pero bakit ganun di ko kayang Umiwas sa dahiLan ng mga sikretong tinatago ko sa Buhay T__T

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon