Chap (44) - The Blacklight Party [1]

2.6K 71 11
                                    

Ako gago? Di ko nanaman siya maintindihan bat parang di siya masaya na ibinahagi ko sa lahat yung premyo? Nakasimangot parin ang mukha niya. Galit na galit

“Biro lang”, Yung galit at nakasimangot na nakakatakot niyang mukha ay biglang napalitan ng ngiti. Yung kamay niya ring nakahawak at yumuyugyug sa aking balikat ay tuluyan ng bumaba papunta sa aking braso, sabay ang bigla niyang paghatak sa akin payakap.

“Masaya ako sa ginawa mo Baby, wag mong intindihin yung kanina. Biro ko lang yun”, Kakaiba yung tinig niya. Hindi ko maipaliwanag kung anong tunay niyang nararamdaman. Pero yung pagyakap niya sa akin ay napakahigpit, parang sinasabi ng yakap na yun na huwag ko siyang iwan. Na siya lang ang mahalin ko.

Masaya ako dahil biro lang pala ang lahat, hindi totoong galit siya sa akin dahil sa ginawa ko. “Wala yun sa akin, nabigla lang ako chu sa ginawa mo”, Muli akong humarap sa kanya at nakita kong nakangiti parin ito.

“Tinigil ko na kase yung mukha mo parang gusto ng umiyak, ehh ayoko pa naman na iiyak kang ulit dahil sa akin. Kaya Joke lang yun”, Napangiti ako ng husto tapos yumuko ng bahagya pero muli naman akong tumingin sa kanya.

“Hmmm Congrats pala Chu, napakaganda nung nangyari kanina sa Buwan ng Wika”

“Anong Congrats sakin? Congrats sa atin.. Congrats sating lahat, dahil di ko naman magagawang maging matagumpay tong Event kung hindi narin dahil sa tulong mo Baby pati nung mga kaibigan mo”

“Walang anu man yun Chu, nu ka ba ikaw parin ang pinakanagbigay ng buhay nung Event. Dahil sayo lahat galing yung mga Idea Chu”

“Siyempre sa tulong mo”, Sabay akbay nito sa akin. “Di ka ba magpapahinga chu?”, tanong ko.

“Uyyy nagmamadali ka Baby? Ayaw mo bang makasama pa ako”

“Wala akong sinabi ahh”, Mabilis ko naman sagot. “Sus halata naman sa mga sinabi mo ehh. Di biro lang.. Ahhh ibibigay ko na pala toh Baby”, Napatingin naman ako sa kanya. Ano ibibigay niya?

Umalis siya sa pagkaka-akbay tapos may kinuha na sa kanyang Bag. “Ito ohh. Binigay na yan kanina nung pinaprintan nung mga T-Shirt. Siyempre special yung pagbigay sating mga organizer nitong Double Event. Ganda diba?”, Parang banner niyang ipinakita sa akin yung T-Shirt. Yung T-Shirt na isusuot namin sa Party mamaya.

Patay may Couple Jacket kame ni Krab, then may Couple Shirt naman kame ni Chu! Patay paano na ito ngayon?

NakaPrint sa shirt yung Isang napakacute na si Pikachu na sa may taas ay may nakasulat na  Pikachu. Ipinakita rin ni Chu yung T-Shirt niya na may Drawing naman na cute na Bulbasaur at tulad nung sakin may nakasulat rin itong  Bulbasaur.

 

“Anong masasabi mo Baby?”, Hawak ko na nun yung T-Shirt at pinagmamasdan ko ito. “Maganda Chu, ang cute kaseng cute mo siya Ohh”, sabay tabi ko sa Shirt may may mukha niya. Nakangiti akong tinitignan ang larawan ni Pikachu at si Chu :)

“Siyempre ikaw din tapos si Bulbasaur!”, Ginaya niya yung ginawa ko sa kanya. Ayun nga napakasaya ng ginawa namin pagkukumparahan sa Pokemon na nakaprint sa aming T-Shirt.

“Paano ba yan malapit ng dumilim Baby, gusto mo hatid kita?”

“Ahh wag na Chu, ok lang kaya ko na”

“Sige pahinga rin muna ako saglit para may lakas mamaya, nakakapagod din kase yung kanina”

“Kailangan mo talaga magpahinga chu, kaya mauna narin ako”, Tatalikod na sana ako ng bigla pa itong may tinanong. Di ko yun naringig. “Ha? Anu yun Chu?”, tanong ko naman.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Where stories live. Discover now