Chap (21) - Boom T-Boom!

4.3K 106 6
                                    

                Niyakap niya ako ..  naalala ko na, meron pa palang totoong taong nagmamahal sa akin. Kahit naging taksil ako sa kanya nandito pa rin siya sa tabi ko .. Binibigay ang kanyang Balikat para sa tulad kong taksil. Niyakap ko rin siya at  tumingin sa gwapo niyang mukha. “ Bakit alam mo nandito ako ? “, tanong ko sa kanya. “ Ako kaya yung nabangga mo kanina sa 3rd Year building .. Di mo ba ako nakita ? “, tanong niya. “ Ah ikaw pala yun .. sorry di ko napansin “, sagot ko. “ Eh ikaw anong ginagawa mo sa building ? “, tanong niya. “ Ahhhhh … kasi may kinuha lang ako “, sagot ko .. “ Huwag ka ng magsinungaling , halata naman eh .. umiyak ka – SO alam mo na ? “ .. tanong niya sa akin. “ Alam ko na ? yung ano ? “, tanong ko. “ Na may Girlfriend yung lalaking pinagpalit mo sa akin “ .. malungkot na sabi niya , sabay tingin siya sa malayo. “ Aaminin ko , Oo siya yung pakay ko kanina .. at lubos ako nasaktan sa manlolokong yun “ .. sagot ko. “ Kaya .. mas mahal mo na siya kaysa sa akin “, sabi niya naman. Tumingin ako sa kanya at di ako nakasagot sa tanong niya. “ Sige mauna na ako .. kaylangan ko pang mag-aral para sa quiz namin mamaya “, siya sabay tayo .. at hakbang paalis na.

                Agad akong tumayo .. at mabilis na hinabol siya. Agad ko siyang niyakap mula sa kanyang likuran. “ Pero narealize ko, ikaw pala talaga ang mahal ko at alam ko ikaw yung lalaking di ako ikakahiya at kaya akong ipaglaban sa lahat “, sabi ko habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Tapos hinawakan niya yung kamay ko at marahan na tinanggal yun at siya’y humarap sa akin .. “ talaga ? “, nakangiting tanong niya. Tumango ako sabay nakaw ng halik sa pisngi niya. “ Bakit sa pingi lang ? “, tanong niya .. “ Nahihiya kasi ako , diba may nagmamay-ari pa sayo .. Si mArk “, malungkot na sabi ko. Tapos bigla niya akong hinalikan .. bigla siyang ngumiti pagkatapos niyang gawin yun. “ Yung baklang yun ? hehehe never ako nagpagalaw dun .. Nakilala ko lang naman yung last time yung walang-wala ako at kaylangan ko talaga ng pera sa project ko “, paliwanag niya .. “ So pumatol ka sa kanya ? “, tanong ko .. “ Siya yung lumapit sa akin , ka-ruta ko kasi siya nung camping kaya .. kilala niya ako “, sabi niya ulit. “ tapos ano na nangyari nung lumapit siya sayo ? “, tanong ko … “ Yun inalok niya ako na samahan siya magsine .. kapalit nung hinihiram kong pera “, sabi niya ulit. “ Hmmmmp tapos nakitulog ka sa kanila ? “, naiinis na tanong ko .. “ Di ba nga sabi ko sayo di niya ako nagalaw “, nakangiti niyang sagot .. “ bakit nga di ka niya nagalaw ? “, pagmamadali kong sumagot siya. “ Dahil nung gabing yun .. nakita ko yung mahal ko at napagtanto ko na hindi pala matatama ng isang kasalanan sa panibagong kasalanan “, nakangiti ulit na sabi niya. “ So nagbreak kayo after ? “, tanong ko ulit .. “ Hindi naman naging kame ah .. Bat kame magbebreak ? “, tanong niya .. “ Okay “, sabi ko. “ Ganito yun after nung lumabas ako sa C.R , umuwi na ako nun at iniwan ko na yung baklang yun .. di ko kayang ibenta ang katawan ko para lang sa pera “, sabi niya. “ So .. di nagalit si Mark ? “, tanong ko .. “ Ayun tinadtad ako ng text puro mura hahahaha kaya nagpalit na ako number “, sabi niya. “ Eh bakit may pa bhe bhe na tawag ka pang nalalaman sa baklang yun ? “, tanong ko .. “ Para paselosin ka “, siya sabay tawa ng konti :-D

                Tapos hinawakan niya yung kamay ko .. at hinila niya ako sa dati naming pwesto. “ Pwedeng wag na muna tayong umalis .. i mean wag na tayong pumasok sa 1st class natin dis afternoon ? “, mahinang sabi niya. “ Bakit ?”, tanong ko naman. “ Para makapag-usap tayo .. ng walang istorbo miss na kasi kita eh “, naringig kong sabi niya. “ Hmmmm pano yan, baka may makakita sa atin dito ? “ .. sabi ko sa kanya. “ Don’t worry walang tumatambay dito sa ganitong oras .. “, sabi niya naman sa akin. Naupo nga kami sa ganung pwesto .. naka-upo sa semento na may lilim .. habang magkayakap sa isat-isa .

                “ Paano yung Project mo ? “, tanong ko sa kanya. “ bahala na .. siguro di nalang ako magpapasa “, malungkot na sabi niya.  “ Importante ba yung project na yun ? at saang subject ? “, tanong ko. “ Isa yun sa major Project sa Chemistry .. at sabi ng Teacher namin 35 % daw ng buong grade ang maapektuhan pag di makapag-pasa ng project na yun “, paliwanag niya. “ Huh ???? sa chemistry major subject kaya yun .. ano bang project na gagawin mo ? “, tanong ko . “ Snow Globe using Benzoic Acid “, sagot ni Joross . “ Kaylan pasahan niyo ? “, tanong ko. “ Sa Monday “, mahinang sagot niya. Mabilis akong nakabitaw sa pagkakayap sa kanya at agad ko siyang tinignan .. “ Alam ko na , ako na muna bahala sa gagastusin mo sa Project at tutulungan din kita sa pag-gawa “ .. sabi ko sa kanya. “ Nuku wag na Babysaur .. baka mapagalitan ka lang ng mga kuya mo “, nahihiya niyang sabi. “ Wag ka mag-alala hindi ako mapapagalitan ng kuya ko “, nakangiti kong sabi sa kanya. “ Ah nahihiya kasi ako eh .. “, si Joross. “ ANu ka ba , ganto nalang isipin mo pina-utang kita at babayaran mo nalang pag nakakaluwag ka na “, nakangiti kong sabi sa kanya. “ Ahhhh sige gusto ko yan , pero saan tayo gagawa ? “, tanong niya. “ Eh di sa bahay “

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Where stories live. Discover now