Chap (43) - Buwan ng Wika [4]

3K 88 6
                                    

“Anong umaatras? May nakalimutan lang akong gawin”, Tumingin ako kay krib sabay tiklop ko pataas nung sleeve. Hanggang sa lumitaw na nga yung tuyong mga hiwa sa mga katagang.

I KRIB

Ang ganda nun parang tattoo na siya sa aking mga bisig. Pero alam ko balang araw mawawala rin ang ukit na yun. Kaya naman kaylangan ipagmalaki yun! Isa yun sa mga simbolismo ng pagmamahal ko kay Krib.

Alam kong napatingin sa mga bisig ko si Joross. Siguro nagtataka na siya sa kanyang mga nakikita. Siguro napapa-isip siya kung sino yung Krib?

“Ganny ano yan?”, Tanong ni kuya.

“Wag mo na tong pansinin kuya, simulan na natin ang laban. Handa natong muscle ko!”, Tapos pinakita ko yun kay krib sabay kindat ko ng kilay ko sa kanya. Napangiti naman ito.

“Teka lang sir, angat ko lang din tong akin”, Sabay ngiti ng gago sakin parang naghahamon! Inangat niya rin yung sleeve ng T-shirt at nagpakita rin ng muscle. Puta gaya gaya rin ang hayop!

Kaiinis medyo lamang ang muscle niya sa muscle ko, baka naman pagtawanan ako nito ni Krib. Tang-ina! janitor naman kase yun lageng batak sa trabaho! Kaya wala dapat ako ika’insekyur dahil alam kong mas type ako ni Krib kaysa sa kanya.

“Ano simulan na natin? parang nagpapalusut nalang kayong dalawa ahh”, Si kuya Zhabby na parang naiinip narin. “Sige umpisahan na natin ulit, marami pang larong kaylangan tapusin, ipwesto niyo na mga kamay niyo.

Muli nga ay nakapwesto na kame para sa bunong braso..

“Sisimulan ko na ulit ang pagbibilang. Isa.. Dalawa.. Tatlo!”, sabay bitaw niya sa aming mga kamay. Nagsimula na nga ang labasan ng aming mga lakas papunta sa buong braso na ipinanglalaban.

Yung pwersa namin sa bawat kamay ay parang nagpapatas, pareho naming inaagapan di bumaba ang lakas ng isa sa amin. Magkamali lang talaga siyang magpahinga ng saglit patay na siya sa akin!

Tang-ina! Medyo pinipiga niya ang kamay ko, ang dumi talaga nitong maglaro. Kung ganun ang laban pagbibigyan ko siya. Buong lakas ko ngang piniga rin yung kamay niya. Wala parin nagpapatalo sa amin..

Si Krib naman nakita kong lumipat na sa pwesto niya bilang watcher. Tumingin ako sa kanya pero di ko inaalis yung lakas ko sa aking mga kamay. Para sayo toh krib!!

“Wala pang nagpapakita ng kahinaan, patas pa ang laban kapwa pa sila nasa degree’s ng pagiging matibay. Sino kaya ang mananalo?”, Pagdedescribe ni kuya Zhabby sa nagaganap na bunong braso.

Yun Ohhh! Kita ko na yung pagod sa mukha niya! Konti nalang matatalo ko na siya. Poor Janitor!! Ramdam ko na na umuusog na ng bahagya ng konting degree ang kanyang Braso. Lalo pa akong nangigil, lalo ko pang dinagdagan yung lakas na ibinibigay ko.

Ganny!

Ganny!

Ganny!

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Where stories live. Discover now