Chap (49) - OPLAN: Paano ba ligawan si Ex? [2]

4.4K 129 35
                                    

A/N: Mga kagreen nabobo po ako, meron palang part ii yung Chap 49. Hehehehehehe nakalimutan kong ipost. Anu yun talbog agad sa chap 50? Hehehe sensiya dahil sa katangahan ko. Naexcite lang talaga si Otor para sa Ginagawang Movie Maker para sa Chap 50 at Season Finale Update nung SS2.

Endooy Reading po!

Nga pala support natin yung Magno Twins mamaya sa RATED K Ahhh.. lalo na si Meljohn Magno (Yung tinuturing kong Ganny dito sa Pilipinas), Pero si Sehun naman si Ganny pag sa Korea. Ahoooo AHoooo.. Baschaaa! Magkakawig kase sila ehh.

Support Support nalang ahhh! Ganny Bears Loves You! #^*^

****

 

| JOEY |

Iniwan ko na siya sa kamay ng aking napakabait at napakagandang ninang. Si Ninang Cecile ang nagpapatakbo ng beauty parlor na yun kaya walang gay staff. All girls ang nag-aasikaso ng salon, kaya for sure hindi naman maiilang ang bestfriend ko.

**FlashbacK**

“Siya na ba?”—Si ninang cecile habang inaayos yung loob ng salon. Tumango naman ako, habang si dennis ay parang kinakabahan yung mata niya parang tulala! “Joey ano ba? Bat dinala mo ako dito ahh”

 

Napapatingin naman sa amin yung tatlong staff ni ninang sa loob ng napakalaki niyang salon. Tila pinag-uusapan nila si Dennis.

 

“Oo ninang siya yung lalaban sa Ms. Bebot ng section namin”--  Ipinaliwanang ko kay Ninang na may Contest sa school. Sa bawat section ay may representative na sasali, sabi ko pa yung boy ay dapat magiging girl at yung girl magiging boy. Yun ang pinaka-ideya ng contest na ipinaliwanang ko kay ninang na puro lang naman gawa-gawa ng aking isipan.

 

In short—PURO KASINUNGALINGAN

 

“Anong miss Bebot Joey?”—Agad kong kinurot sa tagiliran si Dennis. Buti nalang pabulong yung tinig niya. “Awwwts”, mahina nitong ungol.

 

“Ahhhh gwapo siya ‘ hindi mahirap pagandahin, and inaassure ko na mananalo kayo pag naayusan ko na siya ng mga staff ko”—Si Dennis gulat na gulat parin. “Ahh oo naman ninang mananalo talaga tohh. Sige po kausapin ko na po muna siya ahh”

 

Hinila ko si dennis palabas. “Sumunod ka nalang dennis, maniwala ka sa akin magiging kapanapanabik ang lahat”

 

“Hmmmm bagay ba sa akin?”—Tanong neto. “Siyempre naman, gwapo ka.. cute kaya ang kalalabasan pag ginawa ka nilang babae. BoomAsrtistahin! Boom Hayup sa ganda”. Ngumiti naman ito, tila tinatanggap na niya yung mangyayari.

 

“Bahala na nga”, sabay ngiti ulit ito.

 

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Where stories live. Discover now