Chap (27) - Quit Bee

3.9K 86 6
                                    

                Hindi ko nalang siya pinansin sa mga Pinagsasabi niyang .. di ko alam kung Nagbabanta o nang-iinis. Basta ako alam ko sa sarili ko wala akong kasalanan. Natahimik na rin siya at ramdam ko na nakatingin sa akin. Tinapik ko yung Lalaki sa bandang Unahan ko. Tumalikod naman agad ito at nakangiting tinanong ako “ Ano yun ? “. “ Ah Kuya Pwede po bang palit tayo ng upuan kase .. Di ko po makita sa unahan , Eh mukhang matangkad naman po kayo ehh. Pwede po ? “, tanong ko sa lalaking na sa tantiya ko ay Fourth Year High School na. “ Ah sure .. “, sabi nito. Tatayo na sana kame upang magpalitan ng Biglang may nagsalita. “ Subukan mo lang … “, Tumingin ako kay Ganny na nakatingin dun sa lalaki. Tumingin ulit ako sa lalaki sa aking harap. Mukhang nanghina ang mukha nito at parang takot .. “ Ah pasensiya na Kaylangan ko rin kasing makita yung sinasabi ng Teacher .. kahit kase matangkad ako di ako makakapagfocus sa pakikinig “, Palusot niya. Alam ko naman na nasindak siya ni Ganny, Nakaka-inis man ay tinanggap ko yung pasensiya niya.. sabay naupo ako na nakasimangot.

                “ Ang ganda naman ng Keychain mo .. “, Naramdaman ko nalang bigla na parang may Kumakalikot sa bag ko sa aking tagiliran. Hindi nga ako nagkakamali Pinapaki-alaman niya yung Keychain ko na bigay ni Joross. “ Ano ba ?!Pwede bang wag kang maki-alam ng Hindi mo gamet “, mahina pero galit na wika ko sa kanya. “ Sorry naman .. hinahawakan lang naman ehh .. parang papatay naman ako ng tao .. Di mo naman ako katulad .. Isang Kriminal “, Tumingin ako sa kanya tinignan ko siya ng masama. Ayoko maging bastos ngayon kaya titiisin ko nalang kung anong Kadiliman ang babalot sa akin hanggang sa matapos itong Meeting na ito. Hinarap ko nalang yung mga mata ko sa harap at Inihanda upang makinig sa Guro na magpapaliwanag ng mga dapat naming gawin .. at dalahin bukas.

                Pagkatapos maipaliwanag ng Teacher yung lahat na mangyayari ay Sinabi na nitong Pwede na kameng umuwi. Sa kabuan ng pulong ay dapat bago palang mag ala'sais ng Umaga ay nandito na kame sa SkuL upang sumakay sa SkuL mini Bus. Lahat daw ng gamet na kakaylanganin ay sagot na ng Skull pati Pagkain. Ang kaylangan lang daw naming ihanda ay ang aming sarili Kasama ang Napag-aralan. Tumayo na ako para umalis, kasabay yung ibang studyante ng Biglang may nagsalita. “ Ahh !! Teka lang Guy’s may ibibigay nga pala ako sa inyong lahat pati na rin sa inyo ma’m and Sir .. “, ewan ko kung anong pakulo nanaman niyang iyon .. Pero napatigil din ako. Pumwesto ako sa bandang Dulo sa may bandang Pinto. Tapos may kinuha siya sa bag niya Inilabas niya yun at Isa-Isa na niyang binigyan yung mga Teacher mula sa Kaliwa ako naman nakapwesto ako sa may kanang bahagi malapit sa pinto, Parang chocolate yung Pinamimigay niya at parang mamahalin. Hanggang sa palapit na siya ng palapit sa may Pwesto ko. “ Thank You “, yan yung mga nariringig kong sabi nung mga Co-contestant ko sa Quiz Bee. Umalis na kaya ako .. Eh ano naman kung namimigay siya ng Chocolate ???!!! La ako pake noHhh ..

                Aalis na sana ako ng Bigla namang Nasa Harap ko siya … “ Gusto mo ? “ , parang ganun yung naringig ko. Basta ang alam ko ehh kinakabahan ako naalis yung Inis ko. At inilahad ko yung kamay ko .. para tanggapin yung Chocolate na ibibigay niya. “ Hey anong ginagawa mo ??? Sabi ko Excuse me .. Kase lalabas na ko “, Bigla akong na snapped sa imagination kong inaalok niya ako ng Chocolate kainis !!! .. “ Ah alam ko na gusto mo rin nung chocolate ??? Aiii sorry naubos na kase ehh Pero yung Plastik gusto mo ?? Eto ohhh “, Siya sabay Bigay sa akin nung Plastik na Pinaglagyan ng mga Tsokolateng Pinamigay niya, Sabay umalis na siya palabas …. Tumawa yung ibang studyante at Ibang Teacher .. “ Ayun nasampolan ka ng attitude Brad .. Ok lang yan ganyan talaga yang si ganny “, sabi nung Isang lalaki na parang 3rd Year high School lang din. Ewan ko naiinis ako sa nangyari .. Asa pa kase ako alam ko naman na yun ang gagawin. Bakit ko ba di naisip yun. Halimaw is still halimaw .. !!! SakSak niya baga niya lahat ng Tsokolate niya. Kala niya naman .. Hmmmp ! Umalis naman ako at Naglakad papuntang C.R . hay naku wala akong nakitang ni anino ni Sir Vegas .. Si sir talaga .. Di parin nagbabago. Ganun pa rin , Paasa. Pero ok lang basta nagawa na rin naman ni Sir yung Part niya para Turuan ako. Siguro Balak niya talagang ako nalang Pumunta para makinig. Ako lang kasi ang nag-iisang hinahawakan niyang contestant at wala ng Iba.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang