Chap (22) - The Boysita's!

4.4K 80 7
                                    


#DENNIS

" Wala ba kayong balak kumain ? ", sabad ni kuya Brenth. " Ah siyempre , meron kuya gutom na kayo kami ni Joross", ako sabay akbay ko kay Joross kahit medyo matangkad siya sa akin .. ginawa ko yun pang-inis sa mayabang na nandito. Pangalandakan ba naman na Janitor lang si Joross .. inis kayabang ! Ngumiti nun si Joross ng makitang inakbayan ko siya. At si Ho-Oh naman, napatigil sa pagdaLdaL .. at parang biglang lumumbay yung mukha niya.

Na-upo na nga kami ni Joross , sa bandang unahan ng lamesa malayo kay kuya at Ganny. Nagsimula na nga kami kumain .. Tahimik at tanging tunog ng mga kutsara' tinidor ang nangingibabaw. Pero napapansin kong nakatitig sa akin si ganny. Hmmmmmp .. ! muli kong na-aalala yung nakita ko kanina , kaya habang nakatingin siya sa akin .. binigyan ko siya ng isang malaking simangot. Si joross naman patuloy siya sa pagkain, ang cute niyang kumain .. naalala ko tuloy tuwing oras na ng Pagkain sa Probinsya ...

Pagkatapos nun , nakita kong tumayo si Ho-Oh. " Busog na ako .. sarap ng pagkain niyo Bro", Si Ganny. " Naman .. basta luto ni manang .. masarap talaga ", si Kuya Brenth. " Pero bro alam mo ba meron akong namiss na luto ng isang tao diyan ", Si Ganny na nakangiti sa akin. " kaninong Luto tol ? ", si kuya Brenth. " Siyempre yung luto ni Little bro Dennis mo .. Miss ko na yun eh yung Ginataang Alimango sa KAPIN ", Si ganny. Napatingin naman ako sa kanya sa Pagbuhay ng Topic na iyon. Tapos sabay taas nung kilay niya na nakangiti. Napatingin ako kay Joross parang di siya komportable sa dating nung usapan. " Wow .. talaga bro ? masarap naman ? ", si kuya Brenth .. " Oo naman bro .. Lalo na siya ay este .. Lalo na yung way ng pag serve niya .. ", si ganny.

" 'Lalo na siya ? ' .. ako masarap ? Adik na talaga tong ganny na ito. " Wow bunso .. luto ka naman nun, gusto ko rin matikman ", si kuya Brenth. " Next time kuya .. paglulutuan ko kayo", ako sabay ngiti. " Ah aasahan ko yan ah, tsaka miss na daw nitong bestfriend ko eh ", si kuya Brenth. Binigyan ko nalang sila ng malaking ngiti. Tumayo na nga kami upang umalis .. " tara na Joross ", aya ko sa kanya. Tumayo naman siya pero sinumulan niyang ayusin yung mga platito sa lamesa .. " Huy wag na, Si manang na bahala diyan " , sabi ko sa kanya. " Hindi okay lang .. ako nalang muna mag-aayos dito ", si Joross . " Bro .. wag na nakakahiya naman sayo ", si kuya Brenth. " Hindi po kuya .. okay lang ", si Joross. " Ah kuya una na kayo .. tulungan ko narin si Joross ", ako sabay kuha na rin sa mga plato at tatakpan ko na rin yung mga tira sa lamesa.

" Ako din tutulong ! "

Sigaw ni Ganny habang puno ng ngiti sa mga Labi. Napatigil ako pati na rin si Joross sa pagliligpit. " Marunong ka ? ", tanong ko. " Oo naman ", mayabang na sabi niya. " Ah kaya mo ba hugasan lahat ng ito ? ", tanong ko uli. " Oo nga easy lang yan " .. sagot niya ulit . " Eh di tara na Joross .. ", ako sabay yaya ko kay Joross para umalis na. " Bakit ? ", tanong niya. " Uhhhhmmmmmm kaya na yan ni Ganny tutal sabi niya naman Easy lang daw eh ", ako sabay kindat kay Joross ng bahagya. " Hmmmmm .. sige para maumpisahan na natin yung Project Planning ", si Joross .. " Oh kuya , taas na kami ni Joross ah .. we need to search pa kasi para sa Project na gagawin namin ", ako . " AH sige Bunso .. ", sagot ni kuya. " Iiwan niyo ako ? ", tanong ni ganny. " Easy lang yan kaya mo na yan ", ako sabay ngiti kay Ganny at umalis na kami ni Joross sa Kusina.

--------

Tumaas na kami ni Joross sa taas at namamatay sa kakatawang pumasok sa kwarto. " Hahahaha lilinisin kaya yun nun ? ", tanong ni Joross sa akin. " Ewan ko dun ang yabang kasi eh ", sagot ko. " Laki nitong kwarto mo ah .. ", naringig kong sabi niya. " Hmmmmm tara na gawa na tayo ? ", aya ko sa kanya. Na-upo siya sa kama habang tinitignan ako. " Bakit siya nandito ? ", tanong ni Joross .. " Sino ? ", sabi kong kunwari'y walang alam. " Si Ganny .. ", sabi niya. Lumapit ako sa kanya at Ikwinento ko nga kung anong relasyon ni kuya Brenth kay Ganny at kung paano nagkita ulit ang mga ito , kaya di ko rin napigilan ang totoong dahilan kung bakit ako Absent ng 3 araw sa School.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Where stories live. Discover now