Chap (30) - Adik Day's

3.4K 71 5
                                    

                Palayo siya ng palayo hindi man lang Lumingon. Nasaktan ako sa sinabi niya .. Pero kaylangan kong tanggapin dahil ang totoo ay ako lang naman talaga ang assuming na mahal pa niya ako. “ Simpleng tulong , Para sa Simpleng Problema “, Awa pala ang nararamdaman niya sa akin Hindi isang PagmamahaL. Tulad ng dati kaylangan kong Umuwi sa bahay at kaylangan kong Pag-isipan ang Sinabi ni Louie ang kapalit na gusto ni Renales na kaylangan kong Magpublic Apology. Kaylangan kong gawin yun .. Kahit hindi man ako ang mali, wala na akong magagawa kaylangan ko na talagang kumilos habang maaga pa. Pero kanino ako hihinge ng tulong ?

                Naglalakad na ako palabas ng makakita ako ng kumpoL ng mga Studyante .. Mga nagkakasiyahan ang mga yun at para silang mga Fourth Year High School dahiL sa Blue yung Print ng i.d nila, Di ko sure kung lahat. Psssssssssssssssssssssst … Tawag sakin nung isa. Napatingin naman ako at napatigiL sa paglalakad. Tapos kumaway siya sa akin tila pinapapunta ako sa pwesto niLa. Di ko alam kung bakit .. Pero naglakad yung mga paa ko patungo sa kanila. Lima pala sila .. nasa harap na ako nila. “ Anong ginagawa ng isang bata dito sa Building natin ? Naliligaw ka ba ? “, tanong nung isa. Hindi ako umimik at naupo nalang ako dun kung saan sila nauupo. Napapagad na ako ! SObrang pagod na. “ Huy bata may Problema ka ? “, tanong ni kuyang Nakatanggal ng polo at nakasando nalang. “ Ano pong ginagawa niyo dito ? “, naisipan kong itanong. “ Wow .. inisnob pre ang tanong mo , Gusto ko tong batang tohh .. “, sabay akbay sa akin nung Isa naman na may dalawang Hikaw sa kaliwang tainga. “ Hindi ahh ayus lang kahit di ako sinagot ni Boy Snob .. Huy bakit ka parang Problemado ? “, tanong ulit ni kuya na naka'sando lang. Habang yung tatlo nilang kasama eh nagkakantahan sa banda naming Likuran. Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito sa pwesto nila. Basta ang naisip ko nalang .. Nalulungkot ako at kaylangan ko ng Kausap.

                “ Wala lang bakit ganun .. napaka-unfair ng mundo “, DI ko alam pero yun ang lumabas sa mga labi ko. “ Uy may Problema ka nga .. Gusto mo mawala yan ? “, tanong naman nung isang may Hikaw. “ Paano naman “, malungkot at parang nakatulala. “ Wala madali lang .. Gusto mo ba ng exciting na gawain ? Basta sasabihin ko sayo masarap “, Sabi nung nakasando. “ Masarap ??? Mukhang exciting ahh nakakawala ba yan ng Kalungkutan sa buhay ? “, Tanong ko ulit. “ Sabihin na nating mapupunta ka sa napakagandang para-isooooooooooooooooo”, Tapos sabay tawanan yung dalawa kaya natawa na rin ako. “ Ganun .. sige nga gusto ko mawala sama ng loob ko .. Dameng bad trip ko ngayon ehh “, Naiinis akong tumayo. Tumayo na rin yung dalawa at sabay nagpaalam sa tatlong kasama nila. “ Pre una na kame sa tambayan .. samahan lang namin tong bata gusto daw sumama sa Trip “, sabi ni Kuyang nakasando. “ SIge pre sunod nalang kame “, sabi naman nung Lalaki na kumakanta sa Guitar session nung isa pa nilang kasama.

                Naglalakad na kame nun Palabas ng Skul , Medyo konti na yung tao at hapon na rin. “ Ano palang pangalan mo ? “, tanong ni kuyang may Hikaw. “ Dennis po “, sagot ko naman. “ Ahhhh 1st year ? “, tanong pa niya Ulit .. Ako ay tumango nalang bilang sagot. “ AKo nga pala si Robin at yan namang nakasando si Harold .. 4th year high School na kame … “, sagot naman nung may Hikaw. Ahh Robin at Harold pala pangalan nilang dalawa. kita niyo sumasama ako sa di ko kilala. Para naman maiba .. SObrang naiinis kase ako ngayong araw. SIguro mas maganda yung may Bagong makaka-usap. para bagong topic, New World .. Then Enjoy Hehehehehe. Kung ano man ang sinasabi nilang Paraiso daw .. Ehh di geh sasama ako tutal malungkot ako ngayon. Si kuya Robin matangkad, kayumanggi at hawig niya si Paolo Contis si Kuya Harold naman parang Atlete maganda ang katawan at hawig niya naman si Bryan Termulo. Pareho silang cute at masarap . Heheheheh Joke

                Napadaan kame sa Basketball court na at Huminto sila ng konti at nanuod, ako naman naupo dun sa Gilid. “ Huy pare tara na baka gabihin pa tayo sa daan “, tawag sakin ni Kuya harold. Tumayo naman ako at parang batang sumusunod lang sa mga kuya niya. Hanggang sa may nabangga ako … May bagay na tumalsik yun ang naramadaman ko. hanggang sa Bumangon na ako at hinarap at huminge ako ng Sorry dun sa nabangga ko. Nakayuko pa siya nun at pinapagpag yung pantalon niya .. “ Sorry “, sabi ko nung Tumayo na siya. Pero agad akong napatulala sa nakita ko.. Hmmmp siya yun yung Classmate ni Joey na laging nakahubad ng pang-itaas. Ngumiti siya sa akin ,, sabay sabing “ Huy Sorry .. pasensiya na di kase ako tumitingin sa dinadaanan ko ehh “, siya naman na nakatingin at nakangiting pamatay. Hala anong gagwin ko ? gagantihan ko siya ng Ngiti O aalis na ? Hala dennis isip isip .. ANg awkward nitong Sitwasyon na ito .. “ Ahh okay ka lang ? “, nagulat ako ng sabay naming masabi yung mga katagang iyon. Ahhhh ehhhh .. Nga nga wala akong masabi parang nahihiya ako. “ Huy Joashua tara na .. baka malate pa tayo sa Practice “, aya nung parang isa sa mga team mates niya sa Basketball. “ Kaw din dennis tara na … “, bigla naman sumulpot ang mga katagang iyon mula likuran ni Joshua. Si kuya Harold ang nagsalita. Napalingon patalikod si Joshua at … magsasalita sana ng Inakbayan at niyaya na ito ng mga kaibigan niya. “ Sige sorry nalang kung nabangga ka ni Mr. Boldstar , kaylangan pa kase namen magpractice ehh kaya una na kame ahh “, Ayun dirediretso siya kasama yung mga kaibigan niya.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon