Chap (45) - Justice for Dennis! [1]

4.4K 123 30
                                    

Dalawang araw na ang lumipas, matapos ang nakakalungkot na pangyayaring iyon. Hindi ko tinapos ang selebrasyon, umuwi ako at mag’isang binaktas ang daan pau’we sa subdivision.

Hindi mapakali ang aking puso’t isipan habang naglalakad. Tuliro at parang nilalagnat ang kalooban. Bakit ganito? Parang nagsisisi ako ng lubusan?

“May sakit ka bunso?”—tanong ni kuya Brenth sa akin. Nasa lamesa kameng magkakapatid. Nag’aalmusal upang pumasok ulit sa eskwela. Oo tapos na ang mga araw na walang pasok, kaylangan ng bumalik sa eskwelahan at harapin ang pisara at muling madinig ang boses ng mga Guro.

“Sa-Sakit kuya? Wala ahh! Bat mo naman natanong?”

“Nitong mga nakaraang araw parang malungkot ka. Huwag mong damdamin yung nangyari bunso”

“Kuya!”—Bat niya yun sinabi. Nakakahiya na malaman pa nila kuya Vince, Topher at kuya Uno yung nangyari about dun sa PEMDAS issue.

“Bakit bunso? Okay lang yun, alam na rin nila kuya na 3rd placer kayo dun sa talent showcase.”—Ahh akala ko yung tinutukoy niya yung kabobohan ko dun sa Dwife na yun.

“Yun ba? “—Kay Louie ko nga rin nabalitaan na Pangatlo lang kame. Ang nanalo yung mga Fourth Year, pangalawa si Fire Prince.

“Huwag ka na malungkot dun bunso, Da best para sakin yung ginawa niyo”—Tumingin ako kay Kuya Vince. “Napanuod mo kame kuya?”

“May bidyo si kuya Brenth mo sa cellphone niya, kaya napanuod ko”

“Kuya may bayad yang video na yan ahh.”—Tumawa si kuya Vince at kuya Brenth, munting ngiti naman kay kuya Uno at Topher.

“Oo babayaran kita ng Piso Bunso”

Sa Oras na yun nawala ng bahagya yung mga kalungkutan na iniisip ko. Paano na kaya ito? Ano ng mangyayari sa mga susunod na pagsulpot ng mga oras? Sa ngayon ang nais ko ay magfocus sa pag’aaral at gumawa ng matino at masayang relasyon kay Joross.

Pero nalilito parin ako. Di ko alam kung kaylan ako magsisimula. KAYLAN ! at PAANO?

Pagdating sa labas ng eskwelahan ay naupo muna ako sa waiting shed upang hintayin si Joey. Yung babaeng yun puno rin ng kalungkutan ang puso. Labis din itong nasaktan sa hindi pag’pili sa kanya ni Karim.

Kahapon din ay nagpa’aalam na siya sa kanyang First Love na si Jhoven. Umalis na ito upang magtransfer papunta sa Cebu. Pareho kameng malungkot ni Pareng Joey :’|

Biktima kame pareho ng Tinatawag na PAG-IBIG.

“Masyado ba akong matagal”—Naringig ko na ang tinig niya. Balik sa dati ang loka, may bandana sa ulo at may scarf sa kamao. Yung Scarf sa may kamay niya kaka’iba! Ang ganda.

“Yan ba yung Panyong binigay sayo nung sinasabi mong Guy?” – Gusto ko sanang itanong sa kanya. Pero di ko na itinuloy baka maalala niya lang yung nangyari. ^__~

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon