Chap (40) - After Exam Shock

3.5K 82 5
                                    

{{ DENNIS P.O.V}}

50.) Who is the composer of “Bayan Ko” which was played at the background in the bloodless EDSA Revolution in 1986 (People Power 1)?

 

 

 

 

 

 

                Dahan-dahan kong inisip kung ano yung sagot. Alam kong nareview ko yun.. Hmmmmmmmmmm Sino nga ba yun? Cons … Ahhhhhh

                Yun Gotcha!!! Si Constancio de Guzman!! Naalala ko din sa wakas !! Agad ko yun sinulat sa patlang sa gilid ng tanong. Woahhhhhhhhhhhhh !! Sa wakas natapos ko na rin ang Exam sa Music at sa Wakas tapos na yung tatlong araw ng Periodical Test !!

“Uhhmmmm”

                Bigla akong napatingin sa kina-uupuan ni Naruto. Siya nga yung umubo, tila tinatawag nga ako. Palihim akong tumingin sa kanya. Nakita ko yung paglahad ng kamay niya. Sabay ngumuso ito sa testpaper niya.

                Kokopya nanaman ang Wala !! Di nanaman nagreview  Hahahahahahaha .. Parang sa math ko lang toh di natulungan si Ninja Boy, dahil exempted ako dun sa exam, dahil nga sa napanalo ko yung Quiz Bee nuon. Yun yung Isang Gift sa akin ni Sir.. Automatic Perfect na daw ang exam ko sa math :D

“Wait lang”, senyas ko sa kanya.

                Sinulat ko na nga sa isang malinis na papel yung sagot 1-50 sa exam. Madali lang ang nangyari kase 1-25 ay letra lang ang sagot sa may Multiple Choice at 26-50 naman ay identification. Pagkatapos kong masulat ay nilukot ko yung papel pabilog at muli ay tumingin na ako sa kanya.

                Tumingin muna ako kung nasaan yung nagbabantay sa amin. Naka-upo naman ito sa tapat at tila may binabasa sa tablet nito. Pagkakataon na ito .. Mabilis kong tinapon kay Naruto yung papel.

                Galing ng loko sumalo.. Hahahahahaha ninJa nga talaga !!

---

 

                Ako naman ay tumayo na at pinasa na yung papel ko sa teacher na nagbabantay sa amin. Iba’t ibang teacher ang nagbabantay kada Exam namin. Maliban nalang kay Renales na binatayan talaga kame nung exam sa Science pero sorry siya nasagutan ko lahat ng tanong sa exam niya .. I’m not sure kung tama yung iba. Pero I’m 91% nasagutan ko ng tama yung Exam sa Science.

                Bilang Ebidensya rin ay pinicturan ko yung testpaper ko pagkapasa ko sa kanya. Ebedensya lang .. malay ko ba kung ano nanaman kalokohan niyang gawin. Nagiging wais lang ako ngayon :)

“Maari ka ng Lumabas”, Sabi nung lalaking instructor.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon