Chap (13) - The SEXcret Love

5.6K 84 13
                                    


#MAE

Ipinarada ko muna ang kotse sa isang Coffeehouse na 24 oras ang service, Agad akong pumasok at naupo. Nakaramdam kasi ako ng lamig kaya masarap kung makakahigop ako ng mainit at masarap na kape. Umorder ako ng 3 pcs. Ng doughnut at isang order ng café latte. Pinagmamasdan ko ang kapaligiran mula sa kina-uupuan ko, tanaw na tanaw ko ang labas, marami na rin ang mga sasakyan na dumadaan. Napatingin naman ako sa loob ng shop .. linubot ko ang tingin ko halos puro mga matatanda ang narito , nagbabasa ng diyaryo , may kausap ,mag-isa at kung ano-ano pa ang nangyayari/ginagawa ng bawat isa, tulad ko … Naka-upo lang ako habang kinakain at hinihigop ko ang ang aking mga inorder.

“Si dennis kaya kumusta na yun?” .. biglang napatanong sa isip ko. Ang cute niya kasi dahil para sa mahal niya kaya niyang mag-effort gumising ng maaga .. naalala ko tuloy sa kanya si NIMBUS <3 , pero di na kami pwede ngayon dahil alam ko may kanya-kanya na kaming buhay pag-ibig. Naalala ko tuloy yung simpleng patago naming pagdedate kahit may kanya kanya na kaming karelasyon. Alam ko pagtataksil yun , eh pinagtaksilan rin anman ako nuon eh .. Alam ko fouth year high school ako nuon ng maranasan ko ang makipagharutan sa ilalaim ng malakas na ulan.

>>>>> FLASHBACK …

Uwiin na nuon at sabay kami naglalakad ni rain pauwi sa subdivision, magkaklase kami kaya sabay kami kung umuwi sa may subdivision. Dun din kase kame nakatira ng Family ko. Habang naglalakad kami naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko .. nakaholding hands na kami sa mga oras na iyon .. “Rain baka may makakita sa atin” .. alalang sabi ko sa kanya. “Wala yan .. tsaka oh ,palubog na ang araw”, siya. Napangiti nalang ako sa kanya , at sumabay nalang ako sa paglalakad. “kaylan mo hihiwalayan si kuya vince?”, tanong niya sa akin .. Hindi ako makapagsalita at lubos akong nagulat sa tanong niya. Alam ko nga na nagdadate kami .. pero palihim lang naman ito .. at alam ko rin na may puwang na ang bawat isa sa mga puso namin.Pero lahat kame may Karelasyon.

Si vince? .. unti-unti na nawawala ang pagmamahal ko sa kanya since ng makita ko siya kasama ang “bestfriend niya daw’ .. na magkayakapan sa may isang park. Tuwing naiisip ko yun puot at galit ang nararamdaman ko .. ginawan ko pa naman siya nuon ng bento na ibinalot ko lang sa isang papel na lalagyan. “Huy .. sagot naman diyan”, parang baliw akong nagulat maringig kong nagsalita si rain. “OO rain malapit na yun .. wala pa ko makitang tiempo eh", sabi ko sa kanya.

"Ok sige ikaw bahala”, ringig kong sabi niya na parang nagtatampo. “rain .. ikaw kaylan mo ibebreak si …”, di na niya ako pinatapos at niyakap niya agad ako. “mahal kita mae , break na kami ni eloisa …ginawa ko yun dahil alam ko yun ang tama , tama na ikaw ang piliin ko at ipaglaban ko ang nararamdaman ko sayo .. kaya sana ibreak mo na rin si kuya nasasaktan na kasi ako tuwing magkasama kayo eh”, malungkot niyang paliwanag. Hinawakan ko ang kamay niya tapos pinaharap ko siya .. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.. nakatitig ako sa mukha niya, siya naman parang nakayuko lang at malungkot ang namumutawi sa kanyang mga mata. “Pangako .. hihiwalayan ko na siya “, sabi ko sa kanya habang hinahaplos haplos ko ang kanyang magkabilang pisngi. "promise?”, tanong niya. “Oo .. kaw kasi eh bat di mo ako agad niligawan ..”,Paninisi ko sa kanya .. “Natorpe kasi ako eh .. kala ko kasi si kuya yung tinutukoy mong crush mo na tinatawag mong NIMBUS ..”, siya. Bigla akong tumawa .. Nasa gilid pa kami nun ng kalsada at madilim na ng konti ang gandang sulyapan ng mga sasakyan na bumabiyahe sa lansangan .. masarap din tititgan ang mga street light na parang sinasabi nila na maglakad lang kami at ikalat namin ang pag-ibig na nadarama. pagkatapos ko tumawa ng konti niyaya ko muna siya maupo sa may isang waiting shed .. wala nuong tao kundi kami lang.

Para kaming mga timang na naka-upo habang tinatadyak-tadyak ang concrete cement na nasa paanan namin. “Alam mo ba ibig sabihin ng NIMBUS?”, tanong ko sa kanya .. inumpisahan ko na ang usapan dahil ang awkward na. Ang tanging nariringig nalang namin ay ang boses ng lansangan. “Hindi .. ang alam ko si nimbus ay si vince”, malungkot na sabi niya. “Ganto yan … yung nimbus na itinawag ko sa crush ko ay mula yun sa pangalan ng ulap na NIMBUS CLOUD na kung saan siya yung yung ulap na nagdadala ng ulan .. at alam mo ba ang english ng ulan?”, nakangiting tanong ko sa kanya. “eh di rain ..”, siryoso niyang sagot. Napatingin ako sa kanya, tapos siya tumingin rin .. hinihintay ko na magets niya kung ano yung ibig sabihin ng tanong ko sa kanya. Nakita ko nalang nakangiti na at dalidaling lumapit sa akin niyakap niya ako ng mahigpit .. “Ibig sabihin ako si nimbus???”, tanong niya sa akin.. “Sino pa ba .. “, niyakap ko na rin siya.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Where stories live. Discover now