Chapter 24

20.4K 423 10
                                    

Chapter Twenty-Four

Elle's POV

Maaga akong pumasok sa opisina. Tambak na ang mga files ko 'dun for sure. At ito ang unang araw na hindi ko makikita si Lance, hopefully. Dahil unlike the past few days busy ang lahat for his approval ngayon ay checking nalang sa site and update him from our staff. Hindi na niya na kailangan tumambay rito dahil more on communication thru online or email nalang ang gagawin.

Gaya nga nang sabi ko ay tambak ako sa trabaho mula umaga hanggang tanghali. May ilang short meetings rin akong pinuntahan.

Tanghali na at kakain na sana ako nang dumaan muna ako sa Kid's Academy, school ni Sharm. Nabanggit ko kasi kay Steph na gusto mag-aral ni Sammy at naisip ko na isabay nalang siya kay Sharm since kakastart lang rin nito at kilala na siya ng anak ko kaya hindi na mahihirapan mag-adjust ang baby ko.

Kumuha lang muna ako ng leaflets and form na kailangan ko, buti nalang at bukas rin sila today kahit sabado. Maybe Monday i-submit ko na para makastart na si Sammy.

Pagdaan ko sa school ay kakain na sana ako nang may tumawag sa cellphone ko.

Lance?

Ano na namang ikukulit nito. Instead na sagutin ko ito ay ibinababa ko ang tawag. Nakailang tawag pa muli ito at hindi ko sinasagot.

Pero nung papasok na ako sa restaurant para magtake-out ng pagkain kasi sa office nalang ako kakain ay tumawag muli ito. Sa inis ko ay sinagot ko na ang tawag niya.

"Hello?!!" inis na bungad ko rito pero agad itong napalitan nang marinig ko ang boses nitong nanghihina.
"Elle..." halos bulong lang nitong sabi.
"Lance? Teka, may sakit ka ba?" agad na tanong ko pero puro pangalan ko lang binabanggit nito.
"Wait. Hintayin mo ako." I don't know. Instead of calling someone to go there for him, I insist. Ako nalang since inuusig ako ng konsensya ko dahil sa pagod nitong pagda-drive ng balikan pa-Baguio.

Agad naman ako nag-order ng makakain ko pati ni Lance. Nagtext rin ako kay Karol na baka mag-halfday ako. Buti nalang at ngayong umaga lang ang mga meeting ko.

Dumaan rin ako ng drugstore for his medicine. Minsan lang magkasakit si Lance pero pag nagkakasakit ito may certain medicine lang itong iniinom at gumagaling siya agad. Ewan ko ba sa kanya.

Pagdating ko sa bahay nito ay nagkusa ang mga daliri ko magpindot ng passcode at nagulat naman ako nang magbukas ito. Hindi pa rin siya nagpapalit ng password. It's our anniversary, 111109.

All of his friends alam ang password niya kaya nagugulat nalang kami nang bigla nalang sila susulpot dito.

Pagpasok ko ay agad kong nakita si Lance sa sofa. Nilapitan ko ito at sinalat. Mainit nga siya, ang taas nang lagnat niya. Bigla naman akong nag-alala.

Niyugyog ito pero daing lang ang sagot niya.
"Elle..." bulong pa nito.
"Elle, l-listen..."
"Elle...I-I love you, please come back to m-me." tuloy tuloy nitong sabi pero sinawalang bahala ko ito, kahit may sakit sadyang malandi talaga si Lance. Agad akong kumuha ng mga sasalinan ko ng mga pagkain saka ito inalalayang umupo. Panay naman ito daing kaya hindi ko napigilang hampasin.

"Umayos ka." sita ko rito pero parang bata naman itong nasaktan at hinimas ang parteng hinampas ko.
"Ang sakit." paiyak na paawa nito.
"Tumigil ka at kumain ka na. Para makainom ka na ng gamot." sabi ko sa kanya saka inumang sa kanya ang kutsarang may laman. Ngumanga naman ito.

Masunurin rin si Lance pag may sakit pero sobra pa ito sa bata. May time pa na umiyak ito kasi raw ang lamig lamig nang pakiramdam niya at hindi siya makatulog hanggang niyakap ko nalang ito at kinabukasan ay wala na itong sakit.

Tahimik naman itong kumain ng bawat subo ko. Pinainom ko na rin siya ng gamot. Nang makarecover siya unti ay nakatingin nalang ito sa akin. Kumain na rin ako dahil sobra na rin ang gutom ko at nakatitig lang ito sa akin.

"G-Ginugutom mo naman ang sarili mo." sita nito sa akin. Nakatingin ito sa akin kahit nanghihina pa rin.
"Sagabal ka kasi." sagot ko kang rito at agad naman itong tumawa. Nagpatuloy naman ako sa pagsubo.
"Ang s-sakit mo pa rin mag-alaga. May sakit ako pero kung makahampas ka sa akin parang wala akong sakit ah." reklamo niya.
"Alangang i-baby pa kita? Tandaan mo malaki ka at dapat kaya mong alagaan ang sarili mo." tignan mo 'tong taong ito, siya na pinuntahan siya pa demanding.
"Gago kasi ako eh. Asawa na sana kita at inaalagaan mo ako pero wala eh." hindi na ako umiimik.

Hindi ako kaagad nakaalis dahil inasikaso ko pa siya. Pinunasan ko pa ito. Nung una ay nailang pa ako pero inisip ko na wala naman itong malisya. May sakit ang tao dahil sa pagod nito.

Mahinang nilalang naman nito. Pero infairness mas nagmature at lumaki ang katawan nito kumpara noon na may pagkapayat ito.

Umiling-ilong ako sa naiisip ko. Tigilan mo ang kamanyakan mo, Elle.

"I'm sorry, Elle. I really do." sabi pa nito pero hindi ko muli itong pinansin.
"Siguro naman pwede na kitang iwan 'no? Mag-aalasingko na at kailangan ko nang umuwi. May dinner ka na rin, ayan oh." paalam ko rito saka tinuro 'yung niluto ko sa may bed side table nito. Para hindi na ito masyadong maglalakad.

Walang katulong si Lance dahil kaya naman daw niya mag-isa. Pero pagsobrang busy nito sa trabaho ay saka naman siya nanghihiram ng isang staff nila sa bahay ng magulang niya para maglinis dito.

Bumuntong hininga lang ito saka akmang babangon  pero agad ko namang tinulak muli pahiga.
"Hep, wag ka nang bumangon. Kaya ko na ang sarili ko. Magpagaling ka nalang dyan." sagot ko rito at akmang tatalikod na nang makuha nito ang kamay ko at hilain ako at yakapin. Hindi na ako pumalag, para saan pa?
"Salamat sa pag-alaga, Elle. Sana lagi nalang pala akong may sakit." Kagago nito.
"Gago." Tumawa lang ito saka humiwalay.
"Hayaan mo. Sa susunod na magkakasakit ako, hindi ka na uuwi...kasi magkasama na tayo." seryosong sabi nito. Bigla naman akong kinilabutan sa sinasabi nito.
"Tigil tigilan mo nga ako, Lance. Hindi ka nakakatuwa."
"Aalis na ako." Paalam ko na rito saka umalis.

Paglabas ko ng bahay niya ay agad akong sumakay sa kotse ko. Napahawak naman ako ng dibdib ko dahil sa lakas at bilis nang tibok ng puso ko.

Puta, ano 'to?

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon