Chapter 51

125K 1.3K 84
                                    

Chapter Fifty-One

Elle's POV

After what happened earlier ay inalalayan ko itong magpalit ng damit. Halos ayaw na ngang humiwalay sa akin ni Lance at todo yakap nito sa akin. Tinabihan ko nalang ito saka niyakap rin.

Kinaumagahan napakunot noo ako nang may gumagapang sa bandang tiyan ko at nang mamulat ako ay nakita ko si Lance na titig na titig.

"Morning, Love." nakangiting bati nito na ikinangiwi niya, parang nakaramdam naman ang lalaki ng biglang magbago ang anyo nito sa kaniya.

"Why?" tanong pa nito na ikinatakip na niya ng ilong niya..

"Ang baho ng hininga mo." sigaw niya rito tila nahimasmasan naman si Lance at pasimpleng inamoy rin nito ang hininga ngiwi rin itong napamura ng maamoy nito ang hininga at mabilis na tumayo at dumiretso sa loob ng banyo.

Pigil naman ang tawa ko nang marinig ko itong nagmumura papasok ng banyo para magtoothbrush.

"Shit!" at nang matapos ito ay agad naman itong tumakbo sa harap ko saka ako ninakawan ng halik.

"Hehe. Bango na." tila nanloloko nitong sabi na inirapan ko lang.

More pa nga...'yung kiss.

Masyado kang maharot, Elle. Nag-eenjoy masyado?

"Pasensya na, love. I forgot--"

"Yeah. Yeah. Sa sobrang lasing mo hindi mo na nga ako naupdate if nasaan ka na, uuwi ka pa ba. Iniwan mo lang kami basta-basta sa parents mo." Inis na singhal ko rito. Hindi ko napigilan. Nag-alala ako syempre. Mahal ko 'yung tao at ayaw ko namang mapahamak ito.

Tila natuwa pa ito sa narinig. Ang sarap kurutin eh. Akala mo biro lang sa kanya ang lahat.

"Sensya na, Misis. Nakalimutan ng Mister mo. Hmm. Nagkayayaan kasi kagabi--" magsasalita pa sana siya ng putulin ko na naman.

"At nagdrive ka pa pauwi. Paano kung nabunggo ka ha! Paano kung namatay ka! Paano na si Sammy---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang halikan na naman ako nito. Masyado nitong inaabuso ang kapurukan ko.

"Colgate yan." biro pa nito pagkatapos ako nitong halikan. Gigil ko naman itong hinampas.

"Nakakainis ka! Natutuwa ka pa sa lagay na 'yan." Inis na bulyaw ko rito pero niyakap lang ako nito.

"Eas, love. Kahit ata nakapikit 'to. Makakauwi at makakauwi ako sa'yo.--" mayabang na sabi pa niya.

"Ewan sa'yo. Ulitin mo pa. Sa morgue na talaga ang uuwian mo. Gago." Sabi ko pa rito saka nagpumilit kumawala sa yakap nito.

Pagkalabas ko ay dumiretso ako sa kusina para tumulong kina Manang magprepare ng breakfast. Nang makapaghain na ako ay sinabihan ko na rin sila manang na kumain na.

Magtitimpla palang ako ng milk ni Sammy and coffee ni Lance nang may yumakap sa likod ko. Napaigtad pa ako sa gulat.

"I love you, Elle." bulong saka sumiksik sa leeg ko.

"L-Lance ! Baka matapon itong ginagawa ko.." sabi ko pa sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay niya mula sa bewang ko.

"Morning, Mamaii !" masiglang bungad ni Sammy at agad na tumakbo papunta sa ama nito.

Agad namang kumalas si Lance sa akin at sinalubong ang anak.

"Morning, Daddy!" sabay halik sa ama nito.

Nakangiti namang ginulo ni Lance ang buhok ni Sammy na ikinakunot noo nito.

"Daddy, not my hair." Sabi pa nito sa ama at nagpababa na.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon