Chapter 3

293K 3.1K 80
                                    

Chapter Three

Elle's POV

"Elle !!" salubong ni Karen sa akin. Halos talunin na ako nito sa sobrang saya na ikinatawa ko nalang.

Sumunod naman sa yakap ang iba. Sobrang namiss ko talaga ang mga kaibigan ko. Sobrang nandyan sila palagi to support and love me. Nandito kasi sa isang Mall, kasama ko sila William and Sammy pero mamaya pa sila pupunta dito.

"Elle, Kumusta na ang tagal na nating hindi nagkita tapos ang dalang mo magparamdam." pagtatampo ni Leigh

"Awwe. Namiss niyo naman ako. Don't worry, namiss ko rin naman kayo." sabi ko nalang sa kanila saka niyakap muli sila.

"And sorry for being away guys, alam niyo naman ako nasaktan at gusto kong mag-heal muna bago humarap sa inyo. So that's why I'm here na." natatawang sabi ko nalang sa kanila.

Tinignan naman nila ako na parang proud sila sa kabila ng mga nangyari sa akin.

"So what's the update?" tanong ko, sobrang dalang ko kasi talaga sila kausapin dahil I less the use of social media accounts 'nung nasa States ako,paraan ko na rin 'yun for my healing.

"Ang dami mong namiss na ganap." excited na kwento ni Mitch

Nanatili naman akong nakikinig at na-eexcite.

"Yes girl. Absent ka 'nung kasal ni Steph. While itong si Leigh may boyfriend na at ito namang si Krista, inlove." tuloy tuloy na kwento ni Mitch.

Nakita ko namang itinaas ni Steph ang kamay niya and I saw the diamond ring.

Wow. Naiiyak naman na lumapit ako dito.

"OMG! Sorry Steph for not being there sa special day mo." yakap ko rito pero I'm so happy for her and syempre for these girls, inlove man or not dahil I know masasaya sila sa life nila.

"Kanino?" tanong ko rito. Agad naman silang nagkatinginan.

"Kay Dave syempre." sagot ni Krista.

"Dave? Dave Mercado?" gulat kong tanong

"Duuh yes girl !" sagot naman ni Karen.

Natawa nalang si Steph at tumingin ako sa kanya na parang nagtatanong if same ng Dave Mercado ang tinutukoy nito sa kaibigan ni...ni Lance.

Tumango naman ito saka ngumit.

It's okay tho, I know Dave. Sa buong magkakaibigan siya lang naman ang matino.

"And last one Elle, may pamangkin na kayo." si Steph naman ang nagsalita.

Ako naman ang natahimik.

Seriously,hindi nila alam ang about kay Sammy, umalis ako ng Pilipinas bitbit ang balitang buntis ako. Mas pinili ko kasing itago sa kanila dahil for sure gagawa sila ng paraan para sabihan si Lance.

Ayaw ko naman na babalikan ako ni Lance dahil lang sa anak namin.

"Oh natahimik ka ata dyan?" tanong ni Krista

"Ah.Wala. May ipapakilala sana ako sa inyo." pag-iiba ko ng topic nang makita ko sila Sammy na papunta na dito sa puwesto namin.

Kumakaway-kaway pa si Sammy habang nakangiti.

"Oh ? Ano naman 'yon ? " sabay sabay pa nilang sabi..

Lumapit naman sa akin agad si Sammy.

"Mamaii...We bought toy car mamaii.. " masayang bati sa akin ni Sammy na hindi pinapansin ang nasa paligid.

Kita ko naman sa mga mukha nila ang gulat.Kitang kita mo sa paglaki ng mga mata nila. Sino ba naman ang hindi magugulat , bigla nalang akong babalik at may anak na.

"Hey girls...meet---Sammy,my baby and this is William my boyfriend." nakangiti pakilala ko sa kanila.

I also introduce the girls to William and he said 'hi' kahit ang mga girls hindi pa rin nagsasalita.

"Hey " untag ko sa kanila.

Tila nagulat naman ang mga ito at nagising sa katotohanan. Nag-excuse naman si Will nang may tumawag sa kanya.

"Seriously Elle? Umalis ka lang ng bansa may anak ka na at mas malaki pa sa pamangkin natin? Don't tell me si ------- " diretsong tanong ni Krista na agad kong pinutol.

"Yes and makakaasa ba akong wala munang makakaalam about kay Sammy?" sabi ko sa kanila at nakalimutan kong katabi ko si Sammy.

"Huh? Why Mamaii?" naguguluhang tanong naman nito.

"Nothing baby.." sabi ko rito saka siya hinalikan sa noo.

"Please..." pakiusap ko sa kanila at ikinatango naman nila.

Lance's POV

Pababa ako ng hagdanan ng bahay ko nang makita ko iyong mga barkada ko at saka may isang bata.

"Good morning, dude. "bati sa akin ni Dave

"Good morning din. Napadalaw kayo ? " tanong ko sa kanila pero sumagot naman agad si Andrew

"Syempre naman Pare , makikibreakfast sana kami ngayon e. Ano bang meron dito? " usisa ni Andrew sabay pumunta ng kusina.

"Dito muna kami ha. " sabi ni Dave.Tumango nalang ako.

May magagawa pa ba ako eh nandito na sila. But kidding aside, ngayon lang ulit sila nakapunta ulit sa bahay ko. Alam kasi si Dave ang passcode ng pinto ko gawa ng tuwing nalalasing ako dati ay siya ang naghahatid sa akin.

Napatingin naman ako sa bata na nakatingin rin sa akin.

"Hey ! Sino yan?" nakakunot noo kong tanong, parang ngayon ko lang kasi na nakitang may dalang bata yang si Dave.

"Come here baby--Sharm meet Tito Lance. Say hi, baby. And Lance meet Sharm..my daughter. " dahan dahan niyang pagkasabi saka ngumiti sa anak niya.

Ano ? Anak niya ? Bakit ngayon ko lang nakilala.

Well, ngayon ko lang kasi sila ulit nakasama. Isinubsob ko kasi sa trabaho ang sarili ko noong nakaraang mga taon kaya pati buhay ng mga kaibigan ko hindi ko na alam.

"Teka ? Anak? Anak mo? " takang tanong ko.

"Damn you. Ilang beses ko na kasing tangkaing sabihin sa'yo but you're always busy, you don't even open your social media accounts." pagpapaliwanag naman niya sa akin.

"And I didn't have a chance to invite you since you're always hiding." sabi pa nito na ikinatango ko nalang.

"Sorry, Dave. Wala manlang ako sa mga importanteng moment ng buhay niyo." sabi ko saka batok sa kanya.

"Gago pare, ang ganda ng anak mo ah, infairness mana sa nanay." natatawang sabi ko saka dumiretso sa kusina.

What if natuloy ang kasal namin ni Elle? Siguro meron na kaming Little Elle at Little Lance na kami.

Damn life.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon