Chapter 21

212K 2.1K 84
                                    

Chapter Twenty-One

Elle'S POV

Umiyak lamang ako sa kwarto ko. Feeling ko sobrang hindi ko deserve itong pain na nararamdam ko. This is too much. I thought I'm done with this pero hindi pa rin pala. Mas masakit pala marinig ang dahilan. Sobrang mababaw na dahilan. Sammy doesn't deserve this. Nawalan ng Daddy si Sammy dahil lang sa mababaw na dahilan.

No, my Sammy baby.

Nanatili lamang ako sa kwarto ko kahit naririnig kong may kumakatok sa labas.

Gusto ko nang umuwi but we still have to attend the ceremony tomorrow. Kailangan ko lamang tapusin 'yun at uuwi rin ako agad.

Maaga akong nagising at medyo maga pa ang mga mata ko. Nagprepare ako agad at inayos ang mga gamit ko. Hindi na ako sasabay kay Lance pauwi kung kailangan ko magbus, magba-bus talaga ako.

Niready ko sa sala ang gamit ko at gulat namang sinalubong ako ni Lance. I have to be civil despite of what happened. Tapos na 'yun. Hindi na dapat ako apektado. Masakit man malaman ang katotohanan pero kailangan kong harapin. May kanya kanyang buhay na kami ngayon.

Maybe ito na 'yung closure na hinihintay namin.

"Elle..." tawag ni Lance at parang haharangin pa ako ngumit iniba ko ang daan ko.

"Elle, I'm...I'm sorry..." dahang dahang sabi pa nito. After I put my bag malapit sa pinto ay agad akong humarap sa kanya at ngumiti.

"It's okay, Lance. I think that's our closure. Finally." ngumiti ako muli rito. "Atleast nalaman ko na 'yung reason and that's okay. Nakamove-on na ako at sana ganun ka rin." dagdag ko pa. Agad namang nag-iba ang timpla nito ag napakunot noo.

"No. I'm serious, Elle. I'm very sorry about my reasons, I know it's my fault at uulit ulitin kong humingi ng tawad. Gago ako, alam ko 'yun. Sobrang tanga ko but Elle, I need you. I want you to come back to me." nakikiusap nitong sabi.

Umiling naman ako rito. "Tama na, Lance. Tagal na 'nun. Wag na nating subukan pang muli dahil hindi na pwede. I have my boyfriend now at mahal na mahal ko siya. Hopefully makahanap ka rin ng para sa'yo." sabi ko rito saka lumapit sa mesa.

Syempre kahit may nangyari man kahapon I still need to eat breakfast lalo na't may event ako today. Hindi ako pwedeng pahina-hina.

Naalala ko naman si Sammy nang makita ko ang waffles sa mesa.

Paborito niya pa rin.

"I'm damn serious, Elle." he frustratedly said.
"Kumain ka na rito, Lance at may lakad pa tayo." sabi ko nalang rito saka nag umpisa nang kumain.

Hindi ko na siya inimik hinintay ko lang siyang matapos dahil sasabay na ako sa kanya papuntang site. Hindi na rin ako nagdalawang isip since civil lang naman ako kay Lance. Pero mamayang pauwi hindi ko kayang kasabay siya sa mahabang oras.

Hindi ako umiimik habang papunta kami sa site. Pagdating namin ay agad ko naman nakilala ang mga staff namin. Halos masaya silang bumati sa amin. And they also give us the equipment that we will be using for the ceremony.

Inabot rin ng halos kalahating oras ang ceremony and after that may maliit na salo-salo. Kumain lang naman ako ng unti saka nakipagkwentuhan saglit at nag-paalam.

"Aalis ka na po agad Mam?" tanong nung isang engineer namin.
"Yes po Sir. Medyo busy rin po kasi talaga sa opisina." sagot ko nalang at tumango naman sila at nag-paalam na ako. Sakto naman na wala at busy si Lance at umalis na ako.

Sumakay ako ng taxi at dumiretso sa bahay ni Lance. Nagpaantay naman ako sa taxi at sinabing may kukunin lang ako saka niya ako i-drop sa terminal.

Pagdating ko roon ay saktong naglilinis sa labas si Manang Maggie.

"Hi, Manang Maggie. Kunin ko lang po ang gamit ko at aalis na rin po ako." sabi ko pa rito at tumango naman ito.
"Hindi ka na sasabay sa asawa ko?" napatigil naman ako sa sinabi nito at umiling-iling.
"Ay naku Manang Maggie. Hindi ko po 'yun asawa. May boyfriend na rin po ako." kindat ko rito saka pumasok. Kinuha ko lamang ang backpack na dala ko at lalabas na pero biglang pumasok si Lance na hinihingal.
"Elle!" nagulat naman ako sa pagsigaw nito. Bakit ba ito sumisigaw eh kaharap lang naman ako nito.
Kumunot na tinitigan ko naman siya.
"Bakit umalis ka na doon?"
"Wala na rin naman akong gagawin 'dun at busy pa ako sa opisina. Mas kailangan ako doon." sagot ko naman rito.
"Pero dapat nagsabi ka man lamang. Hindi 'yung nang-iiwan ka bigla." inis na inis na sabi niya.
"Bakit 'nung umalis ka ba nagsabi ka rin ba? Diba hindi?" walang prenong sabi ko. Supposedly nasa isip ko lamang 'yun. Pero hindi ko napigilang bulalas ko.
Agad ko namang binawi. "Nevermind. Aalis na ako." paalam ko rito pero hinawakan naman nito ang braso ko.
"Wait. Sumabay ka na sa akin." sabi niya pa agad naman akong humarap rito.
"No. No. Magba-bus nalang ako. Maiwan ka rito. Kailangan ka sa site mo." sabi ko pa rito pero umiling naman ito.
"No, iniwan ko na ang tauhan ko dito at alam na nila ang gagawin. Umupo ka dyan at saglit lang ako sa taas. Wag kang tatakas, Elle at pinaalis ko na ang taxi na kinuha mo." seryosong sabi nito.

Wala naman akong nagawa kundi sumunod.

At ngayon, nandito na ako sa kotse ni Lance. Pabalik na kami ng Maynila.

Matutulog nalang ako kesa makipag-usap sa kanya. Hmp.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon