Chapter 2

358K 3.6K 187
                                    

Chapter Two

Elle's POV

Bukas na kami aalis at ngayon heto kami ni Sammy nag-aayos ng mga bibitbitin namin. Pinapatupi ko kasi sa kaniya iyong 5 pairs na damit na bibitbitin niya dahil dun nalang kami mamimili ibang kailangan niya pagkarating namin sa Pinas.

Ang kaso ang tamad tamad ng baby ko. Damit na nga lang ang liligpitin ayaw pa .

"Sammy, itupi mo na iyan .." kalmadong saway na sabi ko.

"Ayoko ko po, hindi po ako magtutupi dyan. Gusto ko pang matulog Mamaii. " tila pagod niyang reklamo sa akin.

Aba ! Parang siya pa ang nanay at ako ang anak.

"No. You want palo ha Samuel ?" medyo warning kong sabi sa kanya at tila natakot naman ito at nagsimulang itupi ang damit niya. Kahit naman hilig ko ibaby 'to si Sammy kailangan ko pa rin siyang turuan sa mga simpleng bagay.

Pagkatapos namin ayusin ang mga dadalhin namin nagpahinga muna kami. Habang nakahiga si Sammy sa higaan pinag-aaralan ko lang 'yung mukha niya. Nabwebwesit na naman ako, lagi ko nalang naaalala kay Sammy ang hinayupak na tatay niya.

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para ipagluto si Sammy ng favorite niyang waffles at baon niya na rin para sa flight namin.

Pagkatapos kung magluto inayos ko na iyong plate at waffles niya with chocolate syrup. Gustong gusto niya iyong halos nakababad na talaga sa syrup ang waffles niya.

Maya-maya narinig ko na ang mga yabag niya at lumapit agad para magpakarga habang nagkukusot pa ng mata. Ang cute-cute niya talaga ng baby ko, mana sa akin.

"Hows your sleep little buddy ?" masayang bati ko sa kaniya..

"Hmmm. Uh...Good." sabay halik sa akin sa noo. Nakasanayan niya na yan pagkatapos magpakarga manghahalik sa noo.

My sweet Samuel.

"I cooked your favorite breakfast Sammy " masayang sabi ko at dali-daling naman siyang bumaba sa akin at tumakbo sa lamesa..

"Wow!!! You're the best mom." Parang biglang nafull charge nitong sabi sa akin.

Kitams, ang sweet na bolero pa. Mana nga sa pinagmanahan.

"Yes baby. I'm the best mom. "sabay yakap sa kaniya sa likod.

"Hmmm. Mommy i'm eating.." papasag pasag niyang sabi..

"Hmp.. " snob ko naman dito, naglalambing lang naman .

Alas onse na ng tanghali nang ihatid kami ni Mommy ng Airport. Kasama namin si William kaya siya ang nagdadala ng mga baggage namin. Si Sammy naman buhat buhat ko. Mahirap na baka mawala pa lalo na at maraming tao. Nagpaalam na kami rito at niyakap naman ako ni Mommy bago umalis at tinaasan ng kilay na parang binabantaan ako sa dapat kong gawin.

Halos 4hrs before our flight nakapagcheck-in at naghintay nalang for boarding.

Pagkalipas ng ilang oras ay nasa loob na kami ng eroplano. Magkakatabi kaming tatlo, si Sammy sa gitna. Bago pa kami magdeparture nang magsalita si Sammy.

"Mommy, how about my friends here?" medyo malungkot niyang tanong sa akin.

"That's okay baby. Pwede naman natin sila balikan if hindi tayo busy sa Philippines." sabi ko sa kaniya saka hinalikan ito sa ulo.

"You can also add some friends in the Philippines once dumating tayo 'dun." Agad namang napalitan ng excitement ang mukha nito nang marinig ang Philippines.

"Philippines, here we come ! " mahinang sigaw nito sa upuan niya at itinaas pa ang kamay nito.

"Yes, baby." Ngiting sagot ko naman rito saka tumingin kay Will na nakangiti ring nakatingin sa aming dalawa.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon