Chapter 52

122K 1.2K 55
                                    

Chapter Fifty-Two

Elle's POV

Isang linggo na ang lumipas at naging busy na nga kami sa work nitong nakaraang araw pero hindi naman kami nawawalan ni Lance ng time para sa isa't isa.

Halos umuuwi lang ata 'yun sa bahay niya pagkukuha ito ng gamit at dito makikitulog sa akin. Wala naman akong problem 'dun kasi nakikita kong masaya si Sammy, at masaya rin naman ako.

Kasalukuyan akong working from home dahil may sakit si Sammy at may business meeting si Lance.

Nasa sala lang ako at every 30 minutes at chini-check si Sammy if may kailangan ito.



Napatayo naman ako nang may magdoorbell.

Nasa likod kasi sina manang at naglalaba kaya ako nalang ang magbubukas.


Pag-open ko ng gate namin ay may nakita akong babaeng nakatalikod.

At pagharap nito ay siyang bungad rin ng dibdib nito.


Masyadong nabiyayaan.

"Good morning. Yes?" bati ko rito.

Naka coat ito pero ang dibdib nito ay halos kitang-kita.

"Oh. Totoo pala talaga ang balita." Mataray na sabi nito.

"What?" tila naguguluhan ko namang tanong sa kanya.

Baliw ba 'to? Ako ba kinakausap nito?

"Oh sorry. I'm Jasmine. I'm Lance's girlfriend." diretsong sabi nito at tuloy tuloy na pumasok sa pinto.

What the? Ang kapal naman nito para basta basta pumasok sa bahay ko.

Sino ba talaga itong babae na 'to?!

Girlfriend nga raw diba, Elle?

Ito ba? Ito ba ang babae ni Lance habang wala ako?

Maganda pero hindi ko gusto ang tabas ng dila nito.

Napataas naman ang kilay ko habang sinusundan ito.


Okay hahayaan ko siyang makita ang bahay ko, bahay namin ni Lance.

Pagpasok namin ay inilibot pa nito ang paningin nito sa bahay ko.

"Nice." Komento nito.

Pagtingin naman nito sa akin ay siyang pagtingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Why are looking at me like that ?" inis na sabi nito.

"Bakit? Naiilang ka? Sinusuri ko lang naman ang pinalit sa akin ni Lance.. At mukhang hindi manlang nangalahati sa akin." malumanay na sabi ko sa babae.

"Wha--" sasabat pa sana siya nang pigilan ko na naman.

"I think for Sex ka lang 'no?" malungkot kong saad dito na ikinakunot noo nito at tumalim ang tingin sa akin.

"You Bitch !--"

"Are you referring to yourself?"

"WHAT ?!--"

"Ano? Bakit hindi ka makasalita? Wala ka na bang ibang sasabihin? Totoo naman kasing ikaw ang bitch and ginagamit ka lang ni Lance para sa init ng katawan." pang-uuyam ko rito.

Natahimik naman ang babae na tila nasaktan ito sa mga sinabi ko.

"Tsk tsk. Tuwing naiisip ko na pinalitan ako ni Lance, natatawa nalang ako. You know why? Sa halip na pumili siya ng angat sa akin? Bakit mas pinili niya ang isang tulad mo na walang wala sa akin? You--" ito naman ang pumutol sa sasabihin ko.

"Mahal niya ako..." sabat pa nito.

"Really??"

"Kasi hindi naman niya ako papatulan if mahal ka pa rin niya." Ito naman ang nang-aasar ngayon.

Akala siguro nito ay magpapatalo ako.

"Siguro. Pero bumalik ako eh." Kunwaring napaisip pa ako.

"And what do you mean by that? Sa tingin mo porket bumalik ka ay babalik na ng tuluyan si Lance sa'yo?" ako naman ang napakunot noo.

"Mahal niya ako.., Totoong mahal niya ako." sagot ko rito.

"Pero sapat nga ba ang pagmamahal mo sa kanya...pag nalaman mo ang totoo?" mas kumunot naman ang noo ko.


Parang nawala lahat ng yabang ko kanina.

Sino ba talaga itong babae na 'to?

P*tang ina.

Hindi sa malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko.


Nararamdaman kong may hindi maganda sasabihin itong babae na 'to.

"I'm pregnant..." sabi niya.

"Then good for yo---" napatigil naman ako sa pagsasalita.

"Si Lance ama, of course." What the fuck?


Kahit gusto ko nang saktan itong babae na 'to ay hindi dapat ako magpakita ng hina.

"Are sure about that?" ngisi kong tanong nito.

"Of—" sasagot sana siya..

"---na si Lance ang ama niyang dinadala mo?"

"What? Of course! Si Lance lang ang lalaki sa buhay ko I gave everything to him at ngayon babalik ka?! Para guluhin kami!" sumisigaw na nitong tanong.


Bigla namang sumulpot si Manang at agad akong nagsignal rito to check Sammy at stay with Sammy.

At tuturuan ko muna ng leksyon itong babae na 'to.

"Ako? Ako pa ang nanggugulo? Si Lance ang gumulo sa tahimik kong buhay. Sobrang mahal kasi ako kaya binabalikan."

"But I'm pregnant..magkakaanak na kami na wala kayo..." ito naman ang nagyabang.

"Are you sure about that?" naguluhan naman itong tumingin sa akin.

Agad naman akong tumingin sa malaking portrait namin ni Sammy sa sala.

Sinundan ng tingin ang tinignan ko.

Nanlaki naman ang mata nito at medyo napaatras.

"No..No..."

Sobrang kamukha ni Sammy si Lance sa portrait kaya hindi maipagkakailan na si Lance ang ama nito.

"Look. Ang gwapo ng nagawa namin 'no?" tanong ko pa rito pero hindi nito inalis ang tingin sa portrait.

Maya'y maya pa ay nakita ko ang pamumuong luha sa mata nito.

"Hindi pwede 'to. Buntis rin ako, mas kailangan ko siya sa panahon na 'to!!!" sumisigaw na ito.

"Shut up! I don't care if buntis ka. Hindi nga ako sure if totoo 'yang pinagsasabi mo sa akin...And if ever na totoo man 'yan? I'm willing to take your child at ako ang mag-aalalaga..." nakangiting sabi ko rito.

Pillit akong ngumiti rito kahit nababaliw na ako kakaisip if nasaan si Lance.


Parang gusto kong manakit.

Hindi ito ang pinapangarap ko na bagong simula.

"Bitch, no! Hindi pwede! Sa akin si Lance at akin lang siya!!!" sigaw nito saka padabog na umalis ng bahay namin.


Nanghihinang napaupo naman ako sa sofa at hindi napigilang umiyak.

Ano ba naman itong nangyayari?

Wala na ba talagang katapusan?

Wala na ba talaga akong karapatang sumaya??

Tangina, kahit nasasaktan na ako umaasa pa rin ako sa sasabihin ni Lance. Ayaw ko na kasing magkamali pang muli. Ayaw ko nang magsayang pa muli ng ilang taon dahil hindi kami nagkaintindihan.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon