Chapter 22

205K 2K 79
                                    

Chapter Twenty-Two

Elle's POV

Sa unang dalawang oras na byahe namin ni Lance ay literal na hindi ako nagsasalita. Hanggang huminto ito para daw maglunch kami.

Alam ko namang sinusubukan ako nito na makipag-usap sa pagtatanong-tanong pero nagsasalita lang talaga ako pagkailangan tulad nalang nang,

"Anong order mo?"
"Ito nalang." turo ko.
"Drinks?" umiling ako.

At habang naghihintay kami ng in-order namin ay sinusubukan muli nito.

"Elle, I just want to say —-" may sasabihin pa sana ito pero agad kong pinutol "Stop it, Lance. I just want a peaceful ride going home. Tapos na 'yun. Wala na tayong dapat pag-usapan. Pagkinulit mo pa akong muli about sa nangyari kagabi ay magba-bus nalang ako." mahabang warning ko rito agad naman itong nanahimik.

Nung dumating ang pagkain namin hanggang natapos ay tahimik lang itong nakatingin sa akin.

Literal sa natirang oras nang byahe namin ay hindi na ito nagsalita pero panay ito nakaw nang tingin at hinayaan ko siya. Nagtext na rin ako kay William na pauwi na ako at nagreply naman ito ng 'keep safe,hon. Love you too.'

Habang pauwi kami ay pilit kong inaalis sa isip ko ang mga nangyari pero paulit-ulit lang itong bumabalik sa isip ko. Gusto ko sana ay makalimutan na 'yon dahil ayaw kong humarap kay William na parang may problema akong dala. Baka manotice nito ang mapapaga ng mga mata ko.

Nahalata nga ito kanina ng isa sa staff namin pero sinabi ko napuyat lang kaya namaga.

Minsan pang huminto si Lance sa isang restaurant para sa snacks. Hindi na rin ito nagtanong sa akin at bumaba na. Pagbalik nito ay may dala na itong take-out na waffles and coffee. I just replied 'thanks' 'nung inabot niya sa akin 'yung isang pair ng iced coffee and waffles.

Nasa Manila na kami ng maalala ko na wala akong nabili for Sammy kaya agad naman akong nagsabi kay Lance.

"Pababa nalang pala ako sa SM or any Pancake House branch." sabi ko rito.
"Bakit sana?" tanong niya at mukhang nagbigla rin ata siya sa pagsalita niya pero sinagot ko nalang.
"Bibili sana ako ng pasalubong para sa boyfriend ko." sagot ko pero nagkibit balikat lamang ito.

Nang may madaanan kaming Pancake House branch ay humino naman ito. Bababa na sana ako at kukunin ang gamit ko nang magsalita ito.

"Just buy whatever you need, I'll wait for you here." sabi niya pa.
"Ah hindi na. Ako na —-" sasabat pa sana ako pero pinatahimil na ako niyo.
"Please, Elle. Gusto ko lang makitang safe ka na umuwi." tila pagod na nitong sabi at hindi na ako nakipagtalo.
"Okay."

Nagmadali nalang akong magtake-out ng pasalubong ko kina William at sinama ko na rin para sa mga kasama namin sa bahay saka bumalik sa sasakyan.

Hindi na rin ito umimik at nagpatuloy sa pagdrive. Hanggang nakarating kami sa tapat ng bahay ko ay hindi na ito nagsalita pang muli. Pagkuha ko ng gamit ko ay magpapaalam pa sana ako agad nitong pinaandar ang sasakyan.

Anong nangyari doon?

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon