Chapter 20

212K 2.2K 65
                                    

Chapter Twenty

Elle's POV

Pakiramdam ko lahat ng sakit na naramdaman ko ay bumalik. Lahat ng mga sakit na gusto kong ibaon sa limot ay muling nabuhay. Everything's coming back.

After knowing that I'm pregnant all I want is to tell him and hoping na sana panagutan niya ang baby namin. Kahit 'yun lang. I tried and whenever I tried wala akong Lance na nakita. Even his parent doesn't know where he is.

I also tried na pumunta sa Baguio to check if nandun siya but he's nowhere to be found. Halos mabaliw na ako sa gagawin at paano ko siya hahanapin dahil lumipas na ang mga minuto, oras, araw at dalawang buwan pero walang Lance na nagpakita. Kahit ang mga kaibigan niya wala ring idea sa kanya.

Nag-alala na ako sa kanya na baka may nangyari sa kanyang masama until I received a letter it's from him.

"I don't need you anymore." Just that. 5 words pero para itong kutsilyong sinaksak nang paulit ulit ang puso ko. Hindi ko man lamang narinig sa kanya ito pero 'yung sakit umabot sa akin. Ramdam na ramdam ko.

Kaya nakapgdesisyunan ko na tuluyan nang lumayo. Wala na rin naman akong mapapala if hahanapin ko siya kung paulit ulit lang rin siyang magtatago. All I want is to talk to him pero sa sinabi niya I don't think na gusto niyang pag-usapan.

It's okay Elle, it's okay. Everything will be okay. Hindi lang dito matatapos ang buhay mo. You have your baby and he will love you unconditionally. 'Yung pagmamahal na hindi mo kailangan mamalimos at magmakaawa na balikan ka. And once nangyari 'yun? Magiging masaya ka.

I'm almost 4months pregnant when I went to States with Mom. My friends didn't know my situation even his family and friends dahil umpisa palang na hindi niya ako siputin sa kasal namin ay nawalan na rin siya ng karapatang maging tatay sa anak ko.

Si Mommy ang naging kasama ko sa pagbubuntis ko na halos araw araw akong umiiyak sa kanya at lagi kong tinatanong if ano nga bang nagawa kong mali para iwan ni Lance pero wala naman siyang masagot. Ni minsan ay hindi ako tinuruan ng magulang ko na magkimkim ng galit kay Lance but I can't help myself, masyado akong nasaktan. Hindi kasi ugali ng parents ko na magalit they're too nice. They're still grateful to Lance for giving them a grandchild, si Sammy.

Limang na buwan na si Sammy sa tiyan ko nang mapanaginipan ko si Lance na may babae at sa sobrang sama ng loob ko ay nagising akong umiiyak at agad naman akong pinuntahan nila Mommy. Nagkaroon pa ako 'ng spotting. Agad akong dinala nila Mommy sa ospital at sinabing kailangan ko magbedrest for 2 weeks dahil masyado raw akong stressed.

After what happened, sa sobrang takot ko na may mangyari muli sa baby ko ay sumunod ako sa doctor ko. I tried so hard para hindi na maisip si Lance at hindi na rin mastress.

Until I gave birth to Samuel, tuwang tuwa ang parents ko for having a new ball of sunshine sa bahay. They're so fond to Sammy to the point may times na sila ang nagtatabi rito sa higaan at sobrang spoiled si Sammy sa kanila. Everytime na lumalabas ang parents ko they will always go home with a thing for Sammy.

I'm so grateful to have them. They always support me. They also know about my relationship about William and it's okay for them. Pero habang papalaki si Sammy ay hindi na nila nagugustuhan ang desisyon kong itago siya dahil hindi raw deserve ni Sammy na hindi makilala si Lance.

At ngayon muling bumalik 'yung sakit ng mga pinagdaanan ko kay Lance. 'Yung halos araw-araw umiiyak ako dahil hindi na ako mahal ni Lance. Ilang taon kaming nagkasama at parang napakadali lang para sa kanyang itapon ang mga iyon. Kung hindi naman niya pala ako mahal bakit pinaabot niya pa sa mismong araw ng kasal namin.

Kahit 'nung boyfriend ko na si William I still doubting it but William showed it to me, the genuine love and kahit meron na akong Sammy hindi 'yun ang naging dahilan para hindi niya ako mahalin.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon