Chapter 26

197K 1.9K 29
                                    

Chapter Twenty-Six

Elle's POV

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Ang dami ring katanungang na gumugulo sa aking isipan. Like, anong ginagawa ni Lance rito? May anak na ba siya? Mukhang mali ata na 'dun ko papaaralin si Sammy baka doon pa sila magkita ni Lance.

Agad ko namang dinouble check ang files na hawak ko sakaling may nalaglag. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong kumpleto.

Umalis na rin ako agad sa Academy. Iniling-iling ko rin ang mga naiisip ko. Baka napadaan lang siya roon.

Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko pagkarating ko sa bahay. In-open ko muna ito bago ako lumabas.

Group chat namin ng mga girls. They are planning for a night out tomorrow since medyo maluwag daw ang mga schedule nila. I keep scrolling pa sa nga na-missed kong pag-uusap nang makita ko ang message ni Steph na kakaonline niya lang rin daw at sobrang busy siya today. Pinakiusapan niya rin si Lance today na sunduin si Sharm sa Academy. Hmmm, that's why.

Agad naman akong kinabahan. Ganito ba ang nangyayari tuwing busy sila Steph? Si Lance talaga? Mukhang mahihirapan ako magsundo kay Sammy pagnagkataon.

Muling tumunog ang cellphone ko at pumasok muli ang message ni Steph. Nagtatanong kasi sila Leigh bakit si Lance pa, saan raw si Dave.

"We're busy. Saktong kasama namin si Lance at narinig niyang uwian na nila Sharm kaya he insisted na siya nalang raw." she explained.
"Hmmmm. Ready na maging daddyyy." pang-aasar naman ni Krista
"Naku, 'yung isa dyan puro lang seen. Uso magreply." pagpaparinig naman ni Mitch.
Hindi ko na rin natiis at nagreply na ako.
"Magsitigil nga kayo." sabi ko lamang saka kinuha ang gamit ko para pumasok.

"Mamaii's happy?" bungad ni Sammy.
Agad ko namang siya kinarga at hinalikan.
"Hmm. Paano namang nasabi ng baby ko na happy ako?" kiliti ko pa rito.
"You're smiling po while entering the house." sabi nito, hindi ko naman 'yun napansin. Maybe, I'm happy na may surprise ako kay Sammy. Hmm, maybe 'yun nga.
"Yes, Mommy's happy kasi nakita kita agad." sagot ko naman sa kanya saka siya pinaghahalikan.

Pagkatapos namin ng hapunan ay pinasunod ko si Sammy sa sala. Ibabalita ko na kasi sa kanya na pwede na siya magschool. Next monday ko siya papasukin since bibili muna kami ng gamit niya.
"Come here, baby." pinatabi ko siya sa akin. Agad naman itong tumabi kahit ang mata ay nananatili sa  monitor ng TV.
"Next week, pwede ka na mag-school." bulong ko rito. Napatingin naman ito sa akin na nanlalaki ang mata.
"Really, Mamaii?!" nagtatalon-talon pa ito at puro sigaw ng 'yehey'.
"Wow. Congrats, Sammy baby!" bati naman ni Will sa kanila.
"I don't want to be called Sammy in school, I'm Samuel Lance." umarte pa itong big boy saka humagikgik. Hay naku, Sammy. Pilyo ka rin. Buti nalang nababawi sa pagiging cute.

Nagtawanan na lamang kami saka ko ito hinalikan.
Napagkasunduan namin na bibili kami ng nga gamit niya this Saturday and 'he can't wait' na raw.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon