Chapter 47

137K 1.5K 77
                                    

Chapter Forty-Seven

Elle's POV

Nagising nalang akong may mabigat na nakadagan sa akin.

Pagmulat ko ay nagulat nalang ako nang makita ko si Lance na halos nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.

"Lance!!" tawag ko rito pero nakatulala lang ito sa akin.

"Oy!" tusok ko sa pisngi nito.

"Pakasal na tayo..." sabi lang nito habang nakatingin sa akin. Nangiwi naman ako sa sinabi nito.

Bakit ba parang hindi na ata natulog 'tong mokong na 'to.

Pagtingin ko sa orasan ko ay malapit na mag-ala sais ng umaga.

"Hindi ka ba natulog?" balewala ko sa sinabi nito.

"Elle!!!!" bigla nalang nitong sigaw.

"Pakasalan mo na ako!!" parang bata nitong tantrums at naglilikot likot pa sa higaan. Talo pa ang bata na nagpapasag-pasag.

Inayos ko naman ang sarili ko at tumayo. Saka ko lang napansin na iba na ang suot ko. Syempre alam ko na kung sino ang nagpalit sa akin. Magwawala pa ba ako?

"Itulog mo nalang 'yan Lance." Sabi ko rito saka aalis na sana.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang masalita muli ito.

"Ayaw mo ba akong pakasalan?" mahinang tanong nito. Hindi naman ako sumagot at iniwanan lang ito at para i-check na rin si Sammy.

Actually hindi ko rin alam ang sagot or dahil may hinahap ako. Is that how you proposed Lance?

I think this time I deserve the right way of proposal.

Years ago he just ask me in the middle of our making love ! That's it! Saktong romantic lang kasi itong si Lance. Pag naisipan niya lang...



Lance's POV

Laglag balikat naman akong umupo sa higaan ni Elle.

Buong gabi ko lang ata siya tinignan dahil sa pagsagot nito ng 'I love you' kagabi so I assume she's ready to marry me soonest as possible.

Ganun naman 'yun diba?

Hindi ko namalayan nakatulog na ako sa sobrang antok.

Gabi na at kaninang hapon sinabi ko kay Elle na tonight ko ipapakilala si Sammy hindi na rin naman siya nagulat. Medyo namutla lang pero hindi na nagsalita.

Excited na ako makilala ni Sammy sila Mommy at Daddy , for sure matutuwa iyong dalawa na 'yun. Gusto na kasi nila magka-apo. I'm just 30 and dapat raw may anak na ako para naman raw hindi malayo ang loob sa akin unlike masyado na raw malayo ang agwat sa akin baka magmukha na raw akong lolo nito. Hmp. Nagulat tuloy sila nang malaman nilang almost same age lang kami nang magkaroon rin ng anak si Daddy. But I'm just a year younger since Daddy had me when he's 25 already while I had Sammy ng 24.

Kasalukuyan kaming papunta na sa bahay at si Elle ay tahimik lang habang si Sammy naman ay nasa car seat nito.

"Daddy, good po ba sila Mamita? Hindi po ba sila bad?" inosenteng tanong niya.

"Yes naman, sa akin mo kaya namana ang pagiging mabait mo." Kwento ko pa at umirap naman si Elle.

"Mabait raw." Komento nito.

"Really, Daddy?" tuwa naman nitong sabi.

"Yes, you'll love them too like your Mamita and Papito." nakangiting sabi ko.

Habang papalapit naman kami ay dahan-dahan kong hinawakan ang kamay nito.

Ang lamig na ng kamay nito.

"Nervous?" nang-aasar kong sabi sa kaniya.

"Whatever." Tsk, mukhang meron ito ngayon ah, ang init ng ulo.

"Don't worry, love. Hindi naman ako aalis sa tabi mo." Pampagaan loob ko rito saka hinalikan ang kamay nito.

Nang dumating kami at ipinark ko sa harap ng bahay namin at bumama ng sasakyan. Habang papalapit kami sa gate ay mas nararamdaman ko ang higpit ng hawak nito sa akin.

"Relax." Sabi ko rito.

"Kinakabahan lang naman ako baka nagalit sa akin ang parents mo about sa pagtatago ko kay Sammy. I can't blame them tho, years rin nilang hindi nakilala at nakita ang apo nila." Sabi nito sa akin. Pinaharap siya sa akin at hinalikan ito sa noo.

"Hindi ko naman hahayaan na magalit sila sa'yo when in the fact I'm the one to blame." Sabi ko rito.

"Hindi naman, kasalanan ko pa rin.." kulit nito, isisi pa sa sarili.

"Kulit mo. Tara na nga." Yaya ko rito at binuhat si Sammy.

Diretso naman kami papasok ng gate since may sensor ang gate namin na nagbubukas lang if nakatira ka sa bahay na ito.

Tuloy tuloy naman kami sa paglalakad hanggang sa nasa pinto na kami. Bubuksan ko palang sana ang pinto ng bumukas ito at bumungad ang Mommy ko.

"Drew!! Nandito na sila!!!" sigaw na bungad ni Mommy.

"Elle!!" tili muli ni Mommy nang mapansin niya rin si Elle.

Agad rin itong lumapit kay Elle at niyakap ito.

"Namiss kita!!" sobrang higpit ata ng yakap nito at humingi na ng tulong sa akin.

"Mommy, enough. Hindi na makahinga si Elle." Layo ko sa kanya kay Elle.

"Damot!" parang bata talaga. Maya't maya pa ay dumating na rin si Daddy at Madeline, kapatid kong babae.

"OMG Kuya! Is that Sammy na??" tili rin nito. Nagharap pa sila ni Mommy natila excited na nagsisisigaw.

"Enough, ang ingay ninyo. Mom, Dad and you panget !" turo ko sa kapatid ko na inirapan lang ako.

"Meet Sammy, my son." Pakilala ko rito ng anak ko.

Kumaway kaway naman si Sammy at nagsalita. "Hello po." Bati nito sa pamilya ko at nag-aktingan naman ang pamilya ko na parang nahimatay.

"Hala honey, ang cute cute ng apo natin." Komento naman ni Daddy saka kinuha si Sammy sa akin at pinagkumpulan na nilang tatlo.

Actually ako lang ang normal sa pamilya na ito.

Napakamot naman si Elle ng ulo.

"Akala ko nagbago na sila, ganun pa rin pala." Bulong ni Elle sa akin.

Ngumiti rin ito after. "I'm glad they love Sammy..." bulong nito.

Niyakap ko naman ito. "Sino bang hindi magmamahal kay Sammy? Pati nga nanay niya mahal ko eh.." Namula naman ito.

Iba ka talaga, Lance. Patay na patay talaga sayo si Elle.

Nakaramdam naman ako ng batok.

"Alam ko 'yang iniisip mo." sabi pa nito sa akin.

Napakamot nalang ako. 

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon