Chapter 10

235K 2.4K 85
                                    

Chapter Ten


Lance's POV

Sinusundan ko nang tingin si Elle palabas. Tatayo na sana ako pero pigilan ako nila Andrew.

"Dude naman, iiwan mo rin kami? Hayaan mo nalang muna." sabi pa ni Andre kaya hindi nalang ako umiimik.

Oo nga naman, bakit ko nga ba susundan ?

Nagpatuloy lang sila pagk-kwentuhan meron rin nakisali sa dance floor at iilan lang ang naiwan rito sa table namin.

"Uy Steph saan nga pala si Sharm since nandito kayo ni Dave? " pagtatanong ni Leigh.

"Nandoon kina Mommy, namiss ang apo kaya hiniram muna nila eh sakto na rin naman na may night out tayo." sagot naman ni Steph and winked to Leigh. Lasing na ata.

Oo nga pala, yung batang kasama ni Steph kahapon.

"Steph sino pala yung batang kasama mo sa mall with Sharm?" ako naman ang nagtanong dito.

Ngumiti naman ito saka sumagot. "Hmm-Ahhh si Sammy iyon." sagot niya saka papikit-pikit na humilig sa balikat ni Dave na agad naman siyang inakbayan.

"Si Sammy, anak 'yun ni ——-" sasagot pa sana siya nang inunahan na siya ni Dave.

"——kapitbahay namin, kalaro ni Sharm sa park minsan." hindi ko alam pero napansin ko na medyo kinabahan si Dave magsalita —- o baka guni-guni ko lang.

Tumango nalang ako saka muling uminom at tumingin sa nagsasaya sa dance floor. Nabo-bother lang talaga ako 'dun sa bata.

Nakatulog na rin si Steph kaya nang makabalik ang iba galing sa dance floor ay nagyaya na umuwi dahil sa lasing. Kasama ko sina Dave at Tim na nagbuhat sa mga kasama namin papuntang kotse namin since kami lang ang hindi lasing.

Napagpasyahan nalang namin na sa bahay nalang nila Dave patutulugin 'tong mga lasing at bukas nalang sila uuwi.

Pagkatapos kong ihatid ang mga kaibigan namin kina Dave ay umuwi na ako. Pero hindi ko mapigilan na dumaan sa bahay nila Elle, naalala ko na may emergency nga sa kanila baka may nangyaring hindi maganda.

Mabilis ko namang pinatakbo ang sasakyan ko papunta sa kanila. Pagdating ko ay agad akong bumaba at nagdoorbell.

Maya-maya pa ay may nagbukas, katulong ata nila.

"Good evening po. Yes po, sir?" tanong nito sa akin.

"Nandyan po ba si Elle?" tanong ko rito.

"Bakit niyo po hinahanap si Ms Elle? Sino po kayo?" dagdag na tanong nito sa akin.

Pero bago pa ako sumagot at may lumabas na lalaki mula sa likod nito.

"Bakit hinahanap mo si Elle?" seryosong tanong nito sa akin saka tinapik ang balikat ng kasambahay nila at pinapasok sa loob.

"Ako na po bahala, manang." sabi nito sa kasambahay na agad nitong sinunod.

"Bakit mo hinahanap ang girlfriend ko ng ganitong oras?" pag uulit nito sa tanong niya nang hindi siya makakuha ng sagot mula sa akin.

Tinignan ko naman ito mula ulo hanggang paa saka muling tumingin sa mukha nito.

Ito ang boyfriend ni Elle?? Hah! Mas hamak na mas gwapo ako rito. Agad naman akong napailing sa naiisip ko. Bakit ba pinagkukumpara ko ang sarili ko dito ?

Nang mabalik ako sa realidad ay agad akong sumagot.

"I'm just asking. Umuwi kasi siya agad, I just wanna check on her. Bawal ba?" this time ako naman ang sumeryosong tingin rito pero mukhang hindi talaga ito magpapatalo.

"She's inside so don't bother. You can go home already." sagot lang nito sa akin. Natahimik naman ako saka tumango. Hindi na ako nagpaalam at tumalikod sa kanya at sumakay ng sasakyan ko.

Atleast I know she's safe.

Elle's POV

Agad akong umalis sa bar dahil kailangan ako ng anak ko. Pagdating ko sa bahay ay nakita kong binabantayan na siya ni William sa bed.

Agad akong tumabi rito at nakaready na ang mainit na tubig na dala nila Manang para ipunas ko kay Sammy.

May sinat ang baby ko kaya agad ko siyang inasikaso at tumabi rito.

"Mommy's home baby..." sabi ko rito saka ito pinalitan ng preskong damit dahil puno na ng pawis 'yung una kahit malamig naman sa kwarto nito.

Pinakain ko rin muli siya ng sopas na luto ni Manang para makainom siya ng gamot.

"Mamaii, stay beside me ah. Don't leave me..." parang batang nawawala na sabi nito sa akin.

Awwwee parang si Lance nga kahit nagkakasakit masyadong baby gusto lagi lang nakadikit sa akin na akala mo iiwan ko. Napailing naman akong muli sa naiisip ko. Ano ba yan, Elle.

"Yes baby, Mamaii's never leave you." sagot ko naman rito saka siya niyakap nang mapakain at mapainom ko ng gamot.

"Mamaii's not going to work???" tanong pa muli nito.

"Yes Sammy, dito lang si Mamaii sa tabi ng baby ko." pag-aassure ko naman dito.

Yumakap naman ito sa akin nang mahigpit at pumikit. Tinapik-tapik ko naman siya hanggang sa makatulog.

Lance's POV

Kinabukasan maaga akong pumasok pero wala akong naabutan na Elle sa office. Hanggang sumapit na ang hapon, hindi talaga siya pumasok.

Ano kayang nangyari sa kanya? Pero sabi naman nung boyfriend niya nakauwi naman raw ito??? O baka nagsisinungaling lang ito???

Lance, stop worrying she's not your girlfriend anymore. Nakamove-on ka na diba?

Tumango naman ako. Oo nga naman nakamove-on na ako bakit ko pa siya iniisip?

Muli ko namang naalala ang ginawa nito sa akin.

Fuck, bakit ba sa ginawa nito sa akin ako lang ang nagdudusa. Bakit ako lang ang hindi masaya? Siya naman ang may kasalanan ng lahat pero salitang 'Sorry' wala akong narinig mula sa kanya.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon