Chapter 18

212K 2.1K 78
                                    

Chapter Eighteen

Elle's POV

"What do you mean wala? This is our voucher?" mahinahon ko pang sagot rito at saka pakita ng voucher namin with confirmation.

"I'm very sorry, Ma'am. Pero wala po talaga." sabi pa nito. Agad ko namang tinawagan si Karol at agad naman itong sumagot.

"Hello, Karol. What happened to our reservation?" tawag ko rito at agad naman itong sumagot.
"Ms Elle, okay na po 'yun nacheck ko na po 'yan sa hotel at nandun po kayo. May problem po ba?" Sabi pa nito.  Pinatay ko naman ang tawag at humarap sa receptionist.

Bago pa ako nakasalita at may dumating na isang babae pa at nag-'excuse', she's a manager raw.

"I'm sorry for the inconvenience mam. But as per checking about your booking nagkaroon po kami ng mistake at nag-overbooking po kami. Unfortunately, full booked rin po kami tonight pero pwede po namin kayong hanapan ng vacant room sa other hotel. We're really sorry about this matter po." pag-eexplain nito.

Napakamot nalang ako ng aking ulo.
Oh shit happen.

Sasagot na sana ako nang magsalita si Lance.
"Ah, it's okay. Kindly refund the amount to her account and we'll be the one to find another hotel." kalmado lang nitong sabi.

Agad namang nagpasensya ang mga staff at sinabihan kaming may free stay kami for 2 nights sa kanila.

Hinila naman ako ni Lance palabas at pabalik ng kotse. Nakapagtataka lang 'yung way niya maghandle nung situation, hindi siya ganito noon. Mas hysterical pa 'to sa akin dati.

"We have to find another hotel to stay —- Oh shit wait. Alam ko na." sabi nito nang makasakay kami sa kotse niya. Nakatingin lang ako rito at siguro napansin niya kaya tumingin rin ito sa akin.

"Gwapo ko ba?" mayabang na tanong nito.
"Hindi."
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya muli.
"Bakit ganun ka na maghandle ng situation? Nag-iba ka na." nakakapanibago dahil dati kasi walang hiya 'to kahit sa public eh.
"Bilib ka naman? For the past years, I realized that maybe lahat ng nangyayari sa atin may dahilan and sometimes we have to understand or be considerate. Malay mo sa sobrang busy or stressed 'nung sa booking nila she forgot to check it. And once nagalit tayo sa kanila or nagcomplaint pa tayo sa manager 'yung galit niya mapapasa lang 'dun sa mga under sa kanya. Domino effect ang galit niya." mahabang sabi niya at kumibit balikat nalang ako.

I know, nakakafrustrate lang kasi na pagod ka rin sa byahe and all I want is to rest in my bed.

"Nakakainis lang syempre sa part natin na nagbyahe tayo, especially for you na nagdrive then pagdating natin wala tayong kwarto? Is that for real?" pakikipagdebate ko pa sa kanya.

"It's okay, Elle. We can be that complaining & complicated guest but in this situation I have back up plan so calm down. Don't waste your time being in the bad mood." natatawang sabi niya pa sa akin. Inirapan ko nalang ito.

Maya-maya pa ay huminto ito sa isang familiar na lugar. Wait —-??

"I almost forgot about this, but sometimes may use rin pala ito." sabi niya saka bumaba.
Ako naman ay sumunod sa kanya nagdoorbell pa ito at agad naman may nagbukas ng pinto.

"Lance, hijo!" bungad ng isang matanda.
"Manang Maggie! Magandang araw po." Bati naman ni Lance.
Pagbukas ay agad niyakap ni Lance ang matanda.
"Hindi ka naman nagsabi na mapapadaan ka dito. Nakapaghanda sana ako ng makakain mo —- ay may kasama ka pa pala." ngumiti naman ako rito saka ito tumango.
"Asawa mo na ba ito hijo?" narinig kong bulong ni Lance.
Narinig ko naman itong tumawa at sumagot. "Soon, Manang Maggie." bulong niya saka tumawa.

Agad naman akong sumabat sa kanila.
"Hehe, Manang Maggie wag po kayo nagpapaniwala sa kaniya dahil sinungaling po 'yan." iling iling ko pa pero tumawa naman ang matanda.
"Wag na kayo mahiya. Hindi na rin kayo mga bata." sabi pa nito saka tuluyan nang pumasok ng bahay.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon