Chapter 56

128K 1.4K 107
                                    

Chapter Fifty-Six


Lance's POV

Agad naman akong napatakbo kung saan itinuro ng nurse si Elle.

Pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Elle na nakahiga.

"What happened to her, doc?" tanong ko rito.

Kailan ba ako matatapos kumausap ng Doctor ngayon araw?
"Are you the---husband?" tanong nung doctor agad naman akong tumango tango, this time for real. Asawa niya ako. Asawa ako ni Elle.
"Follow me." sabi niya naman. Again? Pero syempre sumunod ako.
Diretso lang kami sa isang office saka ako pinaupo.
"Well, Mister?"

"Lim." Sagot ko at nagpatuloy naman ito.

"Mr. Lim kaya biglang nagcollapse ang misis mo dahil sa stress, ano ba ang ginawa niya ngayon na nakapagstress sa kanya? Mas maganda kong iiwasan niya muna at baka dahilan na iyon para mas magkasakit siya, reresetahan ko kayo ng vitamis para bumalik ang resistensya niya." sabi ng doctor saka nagsulat at inabot sa akin. Nai-stress ko ba si Elle?
"Sige po, doc. Thank you."
"Mamaya ay pwede na siyang umuwi. " dagdag niya pa saka ako lumabas.

Napabuntong hininga naman ako nang malaman kong okay naman siya. Dumiretso naman ako sa room niya at nakita ko siyang nakahiga at natutulog ng mahimbing.

"Sorry, Elle. If nahihirapan ka sa akin. Sorry ha." Sabi ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig. Hawak hawak ko ang kaliwang kamay nito habang nakayuko.

"Lance..." agad naman akong napatingin rito at kinumusta ito.

"May nararamdaman ka pa ba, love?
  tanong ko rito pero umiling lang ito.

"K-Kumusta ang...ang baby niyo?" tila hirap nitong sabi. "Sorry, I didn't mean to ---" dagdag pa nito pero hindi ko na ito pinatapos.

"There's no baby, Elle." Sabi ko rito at nanlaki ang mata nito saka naluha.

"Oh my God." Umiiyak na nitong sabi.

"I'm so sorry!!" paulit ulit nitong sabi.

"No...No love. Hindi.." iling ko rito pero parang wala itong naririnig.

"I didn't mean it, Lance. It's my fault." Patuloy nito.

Hinawakan ko naman ang mukha nito saka pinatigtig sa akin.

"Elle...Elle...Listen.. There's no baby because she's not even pregnant." Diin kong sabi rito na ikinatigil nito.

"H-Haa?" loading pa niya..

"I said, she's not pregnant. So stop crying. She's not even worth it. " sabi ko rito saka ito hinalikan.

Bumalik naman ang mataray na itsura nito. Kita mo 'to. Bilis magbago ng mood.

"Hmp. Sayang lang iyak ko sa kanya. Pero she looks like one ah. Magaling siya, infairness." sabi niya.

"Pero bakit siya dinugo?" Pahabol pa nito.

"May sakit siya." Sabi ko lang rito.

Maya-maya pa ay biglang nag-iba na naman itsura nito na parang galit.

"Tinawag niyang bastardo si Sammy..." kwento niya.

Napatiim bagang naman ako rito.

Pati ako ay nahawa sa galit ni Elle. Kaya siguro naitulak nito ito kanina.

"She's obsessed with you. Wow ha. Ang gwapo mo." Tila umayos na ang pakiramdam nito. Nagmamaldita na eh.

"Gwapo naman talaga ako." Yabang ko sa kanya.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon