Chapter 15

222K 2.2K 91
                                    

Chapter Fifteen

Elle's POV

Maaga palang mainit na ang ulo ko. Paano ba naman ang kapal magdala ng babae dito sa company ko.

Sinabi kasi ng receptionist sa akin na may babae raw kasama si Lance na pumasok.

Teka nga, Elle??? Bakit ba apektado na apektado ka , may boyfriend ka na ah?

Well, hindi naman sa ganun pero —- this is my company. Okay, he's a client. Okay, okay. Gawin niya na lang ang gusto niyang gawin.

It's lunch time at sakto namang kalalabas ko lang at lumabas rin sila ng kasama niya. Babae nga, maganda. Nagdadaldalan pa sila at nagtatawanan.

Pagkain. Pagkain lang ang kailangan ko.

Hindi ko nalang sila pinansin at hinintay nalang ang elevator na magbukas. Saktong namang bumakas ito pagtapat nila.

"Oo nga, Lance. Puntahan natin 'yun pag-open nila." sabi ng kasama nito saka sabay nilang pumasok.

Napatingin naman sila sa akin saka ko narealize hindi pa pala ako pumapasok.

Agad naman akong pumasok at nagkunwaring busy sa cellphone ko.

"Yes, mukhang magaganda ang mga items doon for sure. Kailangan natin 'yun." rinig kong sagot ni Lance.
"So, where are going to take our lunch?" tanong sa kanya ng babae.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Lance dahil saktong nabusy ako sa text ni Leigh.

'Hi Elle, nakalunch ka na ? Sabay tayo.' text nito sa akin. Agad naman akong nareply ng 'Magla-lunch palang. Saan tayo magkita?'
'ACEY's' last text nito sa akin.

Pagbaba ko sa parking lot ay agad akong nadrive papunta sa ACEY's, mga 10 minutes away lamang 'yung from the company.

Pagdating ko sa restaurant ay nakita kong kinawayan ako ni Leigh. Lumakad naman ako papasok. Nakangiting sinalubong ko ito nang yakap.

"Parang 'di tayo nagkita nakaraan ah." sabi ko rito. Nagtawanan naman kami saka umupo.
"Nakakamiss ka lang kasi. Nakakamiss ang kadaldalan mo." sagot niya saka tumawag ng waiter.
Nag-order muna kami saka nagkwentuhan. Nagpicture pa kami at sinend sa Group Chat namin ang picture na agad naman kaming inaway ng iba na tinawanan lang rin namin and told them 'next time'. Nagreply rin si Leigh na so-solohin niya raw muna ako.

Pinakwento ko siya ng life nila 'nung umalis ako pati ng lovelife niya.

"Diba I'm dating Timothy, friend ni Lance. Tingin mo, is he okay? I mean, sorry to say this pero natrauma ako sa nangyari sa iyo kaya feeling ko tuloy ayaw ko na mag-asawa hehe." pagk-kwento niya. Napatingin naman ako sa kanya, hindi ko alam na ganito pala magiging impact nito sa kaibigan ko. I mean natatakot rin naman ako kaya it takes years bago ako naging handa for William.
I held her hand and told her, "Sorry, Leigh. I didn't know na magiging trauma for you ang nagyari sa akin pero wag mong isipin na same si Timothy and Lance, maybe they're friends pero alam ko na mas matured mag-isip ang kaibigan niya kesa sa kanya. And it's still depends on how Timothy treats you. Masaya ka ba ?"
"Oo, masaya ako. Natatakot lang kasi ako na baka one time magpropose si Tim sa akin kaso hindi ako handa. Napapansin ko kasi na nagtatanong na siya about sa plans namin pero hindi ko siya masagot. Nakakatakot lang na baka mapansin nitong takot ako sa kasal at maghanap ng iba." she told me with teary-eyed. "Don't be, Leigh. Nakikita ko namang seryoso si Tim sa'yo. I can see it thru his eyes, especially 'nung nagparty tayo. Halos ayaw alisin ang mata sa'yo. At wag mong pipigilan ang sarili mong maging masaya dahil sa takot dahil maraming nasasayang na opportunity dahil 'dun. And I can't wait to see you get married. You will be the most beautiful bride ever." sabi ko rito at nakita ko namang parang nakahingi ito ng maluwag.
"Wala pang proposal. Hmp. Pag wala pa rin this month, ako na magpo-propose sa kanya." natatawang sabi niya saka niyakap ako. "Thank you, Elle. Ikaw lang naman talaga ang hinihintay ko eh. But I can see na happy ka na rin. Sana ikaw rin, ikasal na kayo ni William." sabi niya pa.

I hope so, Leigh. Maybe not now, but soon.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon