Epilogue

123K 1.6K 107
  • Dedicated kay All My Run Away Groom Readers
                                    


"LANCE!" napabangon ako sa panaginip ko. Hindi ko namamalayang nakatulog ako sa sala kakahintay kay Lance. Nanaginip akong naaksidente si Lance kaya agad naman akong tumawag sa number niya pero hindi naman ito sumasagot.

Nakailang tawag pa ako bago nito nasagot.

"Lance!" hindi ko napigilang sigaw.

"E-Elle . . ." tila umiiyak nitong sabi. Kinabahan naman ako baka may nangyari sa kanya.

"Saan ka?!" natatarantang tanong ko pero hindi ito sumasagot.

"Lance . . . please . . ." nanghihina kong sabi.

"Okay ka naman 'di ba? 'Di ba? Sumagot ka!" naiinis na naiiyak na sigaw ko sa kanya.

Ilang segundo pa itong tumahimik.

"Lance!!!" tawag ko muli rito.

"Y-Yes! Yes, love. I'm okay." sagot nito na ikinahinga ko ng maluwag.

"It's enough. Umuwi ka na, hinihintay kita." saka ko binaba ang tawag.

Pagdating nito ay agad ko naman itong sinalubong.

"Pinag-alala mo ako. Nakakainis ka!"

Hindi ko alam pero naiiyak na yumakap ako sa kanya.

"Sorry, love . . ." dagdag ko at agad naman ako nitong niyakap pabalik.

"I'm sorry, Elle. For nth time I didn't understand you and your hormones pero ikaw paulit-ulit mo akong inuunawa at tinatanggap." sabi nito sa akin.

"Shh. Ewan ko rin nga bakit ba tinatanggap pa kita." biro ko sa kanya.

Humigpit naman ang yakap nito.

"Akala ko kanina mamamatay na ako." kwento niya na ikinalayo ko.

"WHAT?! Wait, bakit amoy alak ka? Gago ka? Lasing kang nagdrive?!" pagalit ko singhal rito.

"Sorry." mahinang sabi naman niya.

"Ikaw at ikaw lang ang nasa isip ko kanina. Iniisip ko baka hindi na kita makita. Ayaw kong iwan ka na lang bigla Elle, sapat na 'yong dating kamalian ko."

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

Ikinwento naman nito ang nakasalubong na truck at buti na lang ay nakaiwas siya pero sumalpok pa rin daw ang truck dahil nawalan daw ito ng preno. Ligtas naman ang driver kaya nakahinga rin ako ng maluwag.

He still keeps Lance safe for me.

Alam niya kasi na sobrang mahal ko si Lance at lagi hiling ko lang naman ay kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay.

LUMIPAS ANG ILANG ARAW na sobrang nasasakyan na ni Lance ang mood ko. Kakapacheck-up lang din namin kahapon at tuwang-tuwa naman itong marinig ang heartbeat ng baby namin for the first time. Mangiyak-ngiyak pa ito tumingin sa akin saka ako hinalikan.

Sarap pasayahin at paiyakin ni Lance. Laging may kasamang kiss.

At ngayon naman ay kasalukuyan siyang nagda-drive. May pupuntahan daw kami. Medyo paliblib na nga 'yong dinadaanan namin halos puro bakanteng lote at puro puno.

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang ito.

"Basta . . ."

Lumingon naman ako kay Sammy na busy sa likod.

"Okay ka lang dyan, baby?" tanong ko rito at tumango naman ito at ngumiti.

Maya't-maya pa ay huminto na kami sa isang bakanteng lote na kay ganda ng view. Kitang-kita ang dagat sa kanang parte at puro bundok naman sa kaliwa.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon