Chapter 77 (2nd to the last) 🤗

2.4K 60 2
                                    


Tss! Alam kong dapat maintindihan ko si Gia dahil marami siyang inaasikaso pero hindi ko pa rin maiwasang magtampo dahil nakalimutan niyang anniversary namin ngayon.

Sabihin na nating napakaselfish ko dahil gusto ko ako lang yung umuubos ng oras niya ngayon. Pero hindi dahil simula rin ng mapromote siya sa trabaho niya ay madalas hindi kami magtagpo sa gabi dahil pang gabi siya madalas.

Nasaan na yung sinabi niyang no night shift duty para samin ni Sam. Katulad na lang ngayon anniversary namin at hindi talaga niya talaga naalala. Tapos kumain pa ng hindi ako kasama, Sinong hindi sasama yung loob.

Nagulat naman ako ng bigla akong katukin nung waiter sa kotse, Kaya mabilis akong bumaba.

"Si Mam Gia po hindi daw makahinga sir."
"Ha? Anong hindi makahinga?

"Nasa loob po sir, Pinapatawag ka nga po niya."
Mabilis kong nilock yung kotse ko at tumakbo sa loob.

Pero namatay lahat ng ilaw nung nasa entrance na ko. Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan yung flashlight. Hindi ko pa rin makita si Gia.

Pero biglang bumukas yung tv nila sa dine in. Napahinto ako ng makita kong slide show yun ng mga photo namin nung kasal.

Hindi pa rin bumubukas yung ilaw. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Unti unti kong nabasa ang Happy 5th wedding anniversary sa screen. For god sake, Lalaki ba talaga ako? Kung kiligin ako ngayon sobra o sadyang hindi ko lang iniiexpect na merong paganito si Gia dahil akala ko nakalimutan na niya.

Nagulat ako ng may yumakap sa likuran ko.
"Happy anniversary love."
Bulong ni Gia kaya humarap ako sa kanya at hinalikan siya labi.

"Did you rent this restaurant?
Tumango si Gia at yumakap lang ulit sakin.

"Why? Are you going to seduce me again?
Pang aasar ko na naman.

"Tumigil ka nga Jade, nang aasar ka na naman."
Tatanggalin niya sana yung kamay ko sa pagkakayakap sa kanya pero hindi ko siya pinakawalan.

"You don't need to do this love, You is more than enough for me."
Paulit ulit ko siyang hinahalikan sa labi, At paulit ulit rin siyang naghahabol sa paghinga sa tuwing bibitaw ako sa pagitan ng halik namin.

Hinila niya ko sa loob, Tanging dalawang waiter lang ang tao at kaming dalawa.

"Ano to love?
Nalilito kasi ko, Ang dami ko kasing nakikitang nakasabit na letter.

"Buuin mo Jade."

"Buuin?
Nagtataka kong tanong.

"Hindi, Baka kakainin mo yan love."

"Tignan mo to nagtatanong ako ng maayos eh."

Tinawanan lang ako ni Gia dahil naiinis ako sa sagot niya, Akala ko kung anong gagawin pero lumapit siya sakin at idinikit ang ilong niya sa ilong ko.
"Yes, Just rumbled the letter sigurado ko matutuwa ka love."

Nagtataka pa rin ako, Pero inikot ko yung buong paligid. Tinignan ko ang bawat letra mga anong petsa kaya ko matatapos bago ko mabuo yung sinasabi niya.

"Wala bang clue to Gia?
Seryoso na ko, Dahil nahihilo na ko. Ang nabubuo ko pa lang is 'IM..

Hindi ako sinasagot ni Gia, Tinitignan lang niya ko habang nalilito ako sa pagbuo.

"Kung hindi mo mabubuo yan okay lang, Malalaman mo rin naman soon if ever love."

Mas lalo akong nabaliw sa sinabi ni Gia, Mas naexcite akong malaman kung ano ba talaga yung message na sinabit niya pa isa isa yung letter.

Nakuha ko na yung 'G, N & P..
Naiiwan na lang is R, T, A, E and N uli.
Pinaikot ikot ko sa lamesa hanggang sa mabuo ko.
Halos lumabas naman yung puso ko sa bilis ng pagtibok nito ng mabuo ko mga letter at mabasa ang message nun.

"Your pregnant?
Tuwang tuwa kong tanong,  Magkakaroon na ng kapatid si Samantha.

At halos buhatin ko siya ng tumango siya.
"Thank you for giving me another angel love, Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon."

Mabilis akong niyakap ni Gia ng halikan ko siya sa labi. My god bakit hindi ko man lang nahalata  na may kasunod na si Sam, Kaya pala nung mga nakaraang araw eh halos isumpa na naman ako sa higaan. Akala ko naman pagod lang siya kaya ganun, Kung alam ko lang na buntis na pala siya hindi lang ako sa sahig ng kwarto natulog baka sa sala pa maging komportable lang siya.

"Tss, Kaya pala napaka moody mo nung mga nakaraang araw love."

"Uhm, Hindi ko rin naman alam. Nag try lang ako mag P.T nung nakaraan kasi delayed ako, At sobrang saya ko nung nag two lines siya love."

"Why? Because you're going to have a passionate sex with me again during your pregnancy love?
Nagulat ako ng kurutin ako ni Gia sa pisngi.

"What? I'm just saying the truth love."

"Napaka mo talaga!

Napipikon na naman siya, Lumapit ako sa kanya ulit at niyakap siya.

"Niloloko lang naman kita, I'm so happy na madadagdagan na naman ang mamahalin ko sa buhay ko love, at salamat dahil ikaw ang bumuo ng pagkatao ko Gia."

Nagulat ako ng naglakad si Gia, Akala ko galit at lalabas siya pero nakita ko lang nilock niya yung pintuan ng vip room. Medyo malaki yung vip room nila, May sariling banyo at hindi talaga maaabala kung may party or celebration man na gaganapin dito.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa banyo, Pero habang hinihintay ko siyang lumabas ay kumain muna ko.

At halos mabulunan ako ng lumabas si Gia ng naka nighties galing sa banyo. Nakangiti siyang lumapit sakin at sumasakit ang puson ko kakapigil na huwag maakit sa nasa harapan ko ngayon.

"What are you doing love?
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Pero hindi niya ko sinasagot. Sinimulan niya kong halikan sa labi at sinasagot ko naman ng maingat yun.

"Wait.. wait love..
Pag aawat ko. Pero hindi ako pinapakinggan ni Gia at sasabog ang puson ko kakapigil sa pinag gagawa niya.

"My god love, Hindi pwedeng dito."
Kinuha ko yung coat ko at ibinalot kay Gia.

"Bakit hindi? tayo lang naman ang tao dito.

"Halika na, Pina..sasakit mo lalo yung puson ko Gia."
Nahihirapan kong sabi dahil hinahalikan pa rin ako ni Gia pababa sa leeg ko.

"Pero love..
Pagpipigil niya.

"Hindi kita maiingatan kung dito tayo love, I know that we're both miss each other dahil sobrang busy natin the last few days. But please not here."
Sinuot ko sa kanya yung coat ko, Kinuha ang mga gamit niya at lumabas kami ng resto.











----
Next is Final Chapter.
Sorry po natagalan, Bawi ako. 🤗🥰

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon