Chapter 47

3.6K 81 7
                                    


Ilang araw na rin akong nandito sa bahay ni Mat. Since hindi pa siya pwede magtrabaho ay palagi silang nalabas ni Sophie.

Naiiwan ang alalay ofcourse, At ang bruha ay nag eenjoy sa kalokohan ni Mathew.


Habang tumatagal yung pagpapanggap niya na hindi niya ko maalala, Tumatagal din yung pagpapanggap ko na kunwari ay walang alam.



Parang walang epekto kay Mat yung mga ginagawa ko. Parang ako yung mababaliw sa ginagawa niya habang kasama niya si Sophie.



Mabuti na lang at kahit papaano ay sumasahod ako sa paganito ganito ko lang at naipapadala ko kila nanay. Nababawasan kahit papaano yung pag aalala nila sakin, Since wala sila naisip ko na magpunta sa bar ni Chris.


Ano sila lang mag eenjoy, Ako magmumukmok dito. Gusto niya ng patigasan sige ibibigay ko yung gusto niya.



"Oh anong nakaen mo at dumalaw ka?



"Dinalaw ka lang may nakaen na agad."



"Di ba nga busy kayong mag asawa sa pagpapanggap pareh-..




"Sssshh! Ang ingay mo. Mamaya nandito lang yun eh."
Hindi siya natapos dahil binato ko siya ng tissue.




Lumapit ako sa bar dahil nagtitimpla si Chris ng cocktails.




"Huwag mo ng balaking uminom nito Gia, Hindi mo kaya..




"Titikman ko lang..
Kumuha ko ng shotglass at binigay sa kanya.
Tinignan niya pa ko bago niya salinan pero nagmake face ako para pagbigyan niya ko.




"Siguraduhin mo lang na hindi ka malalasing."
Sabi niya. Umupo siya sa harap ko at uminom din ng tinimpla niya.




Halos hindi ako magkandaugaga ng makita kong papasok si Mat at Sophie at umupo sa vip table. Since may mask sila parehas ay hindi sila pinagkaguluhan. Ang dami daming bar dito pa sa bar ni Chris talaga nagpunta. Gusto talaga nila ipamukha sakin na hindi niya ko naaalala.


"Gia, Nandyan sila. Umuwi ka na alam ko na yung mga gagawin mo kapag nalasi-..


Iniwan ko si Chris at lumapit sa table nila ni Sophie.




"Hi sir, Nandito rin kayo?
Tinitignan ako ni Mathew at halos lakihan ako ng mata ni Sophie kulang na lang eh kainin ako ng buhay.




"What are you doing here? Sinusundan mo ba ko?


"Sinusundan? Nauna ako sa inyo dito."
Umupo ako sa harap nila. Tinititigan pa rin nila ko.




"Kung hindi ka aalis sa harapan namin ipapahila kita pala-..



"Ako? Ipapahila mo? Can you really do that?! Kasi kung hindi, ikaw ang ipahila ko palabas."
Pagpuputol ko sa pagsasalita ni Sophie.


"Gusto mo bang ipaalam ko dyan sa kasama mo kung sino ka talaga sa buhay niya at sino ako sa buhay niya?!"
Dugtong ko, Nagulat silang dalawa. Nagulat din ako bigla kasi kong hinila ni Chris.



"Sorry, She's drunk and She really don't know what her doing..


"Chris hindi ako lasing, Let me go.
Sabi ko habang hila hila ko ni Chris pabalik sa pwesto namin kanina.



"Sabi ko na hindi mo kaya yung cocktails na tinimpla ko, Look at yourself you look so miserable!"



"Bakit mo ko kinuha dun, I just want to know kung hanggang saan yung pasensiya ni Mat sakin."




Babalik pa sana ko pero hinatak ako ni Chris pabalik sa couch kaya napaupo ako at nahila ko siya. Napalapit yung mukha niya sakin, Hindi ako halos makagalaw. Tinititigan ako ni Chris.



Nagulat ako ng halikan niya ko sa labi, natulala ako at halos hindi makakilos.

"See?! That's your punishment for not listening to me."

Bulong niya sakin, Napatigil lang siya ng biglang may humatak sakin at tinulak ng malakas si Chris. Si Mathew pala, Hinahanap ko si Sophie pero hindi niya kasama. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

"Sabay na tayong umuwi."

"No, why should I? Ihahatid ako ni Chris so huwag ka ng mag abala pa."
Mabilis akong lumapit kay Chris at tinanong kung okay lang siya.


Pero hindi pa nakakasagot si Chris eh hinila na naman ako ni Mathew.



"Uuwi na tayo, Lasing ka na."



"Eh ano naman? Someone's going to take me home so hindi mo na kailangang isabay ako sir."




"Okay. If that's what you want!"
Binitawan niya ko at tyaka siya lumabas ng bar.





Lumapit ako ulit kay Chris.
"Sorry! Sabi niya.


"Tss! Alam ko namang nabigla ka lang kaya mo ginawa yun, but never do that again okay?

"Tangina Gia, Hindi ka ba nagsasawa sa magulong buhay mo kasama si Mathew?!"
Nagulat ako.

"Alam mo Chris kung ano yung mga pinagdaanan ko wsa kanya at hindi ganun kadali lahat itapon yu-..


"Kaya nagtitiis ka sa kanya ganun ba? Kahit nahihirapan ka hindi mo pa rin siya iniiwan. Kailan mo makikita na nandito lang ako Gia! I'm willing to give everything for you..

"Chris nag usap na tayo about dito, And I'm sorry kung hindi ko masuklian yung pagmamahal mo."
Niyakap ko siya. Alam kong naaawa lang siya sakin kaya niya nararamdaman yan.


Ang daming babae na mas deserving sa pagmamahal niya at hindi ako yun.





"I'm sorry! Sabi ko ulit. Palabas na sana ko ng bar niya pero sinundan niya ko.




"Ihahatid na kita."
Hinila niya ko at isinakay sa kotse niya.




Alam kong nasasaktan ko siya pero alam ko ding kapag okay na ko mawawala din yang pagmamahal niya sakin dahil mawawala na yung worries niya.




Bigla naman akong kinabahan pagpasok ko sa gate ni Mathew. Dahan dahan akong pumasok walang tao kaya nagmadali akong umakyat sa kwarto ko.

Pero napatigil ako ng may marinig ako sa kwarto ni Mathew. She's with Sophie at ang kirot ng puso ko. Bigla na lang ang daming pumasok sa isip ko, Naririnig ko silang nagtatawanan at pakiramdam ko tinutusok ako ng karayom sa bawat pagtawa nila.



Nilakasan ko ang pagsara ng pinto ko, at sinasadya ko talaga yun para marinig nila. Mga ilang minuto lang ay narinig ko na yung kotse ni Sophie na umalis. Tss! Tapos na yata sila kaya umuwi na.


Paikot ikot ako sa higaan ko. Hindi ako mapakali dahil kung ano anong pumapasok sa isip ko.

Pero napatayo ako ng bigla na lang buksan ni Mathew ng malakas yung pinto ng kwarto. Oo nga pala may master key nga pala siya sa lahat ng kwarto.





"Sinong may sabi sayong pwede mong isara ng malakas yung pintuan ng kwarto ko?
Sabi niya.





"Hindi ko sinasadya. Sorry!




"Alam mo Gia, Hindi ko maintindihan ee! Kanina sa bar halos guluhin mo kami ni Sophie. Tapos ngayon pagdadabugan mo ko because I'm with Sophie again. May problema ka ba?



"Oo meron, Yung asawa ko kas-..



"Kung may problema ka sa asawa mo huwag mong dalhin sa trabaho mo! Nakakapagod ka ng intindihin eh!
Sigaw niya at pinutol yung pagsasalita ko.




"Napapagod akong intindihin o napapagod ka ng magpanggap na hindi mo ako maalala?!"

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now