Chapter 6

5.6K 117 0
                                    

GIA'S POV

Tatlong linggo na rin simula ng malagpasan ko yung mga pangyayari sakin nung nakaraan. Hindi pa rin nagsisync-in sa utak ko yung nangyari sa amin ni Mathew. Bakit naman kasi sa artista pa.

Yung stress ko kay Philip nadagdagan lang ng dahil sa kagagahan ko.


Bahay at office lang ako ngayon, Kapag naiisip ko uminom sinasamahan na ako ni Annie. Ayaw na raw niya ko pabayaan mag isa dahil baka mawala na naman daw ako.


Katulad ngayon, After ng trabaho hinila ko siya kila Chris ngayon para uminom. Hindi naman siya nainom ng alak, Kung baga sa aming dalawa siya yung dalagang pilipina. I laughed.


Ewan ko ba hindi pa ako lasing pero nahihilo ako, Kanina pa ako sa office nahihilo. Lahat na lang ng naaamoy ko ay hindi ko gusto.


"Sure ka ayaw mo na? Hindi ako sanay Gia. Nakakaisang tequilla shot ka pa lang."


"Ayoko na talaga parang masama yata yung pakiramdam ko."



"Ay hindi ako naniniwala, Masama kasi isang shot pa lang! Sige na umorder ka na. Okay lang ako." Pangungulit ni Annie.


Hindi ko na siya pinansin. Tumayo ako para kunin yung bill. After ko magbayad ay naglakad na ako palabas ng bar.

Pakiramdam ko dumidilim yung paningin ko. Mas malala pa yung nararamdaman ko ngayon kesa kapag lasing ako.

Naghanap ako sandali ng makakapitan at sumandal. Napansin kong nasa likod ko lang si Annie kaya napanatag ako.

Naglakad ako ulit palabas pero bigla na lang akong walang nakita, Ang huling alam ko na lang ay nahawakan ako ni Annie at sumisigaw ng tulong.





-- Annie --


Hindi ako naniniwalang isang shot lang ang maiinom ng babaeng ito. Nakita kong nagpunta siya sa counter. Akala ko oorder pero nagbayad na pala ng bill.



Hindi pa rin ako tumatayo sa inuupuan ko akala ko babalik pa siya. Pero napansin kong palabas na siya ng bar kaya sinundan ko.


Ano kayang nangyayari dito, nadadalas ang pagputla niya. Huwag naman sana siyang magkasakit dahil sa kaiinom niya.



Sinundan ko na siya ng makita kong palabas na siya. Nakita kong napasandal siya sa dingding kaya medyo binilisan ko yung lakad ko. Napaka imposible na lasing na siya sa isang shot lang, halos nakakasampung shot ng tequilla yan eh naglalakad pa rin pauwi.


Sinubukan niyang maglakad ulit pero hindi na niya kinaya. Mabuti na lang at nasa likod na niya ko nung bumagsak siya at nawalan ng malay.

Tinawag ko agad si Chris kaya natulungan niya ko. Sinakay niya sa sasakyan si Gia at dinala na namin sa pinakamalapit na ospital.

Natatarantang dinala ni Chris si Gia sa emergency room. Nagpapabalik balik si Chris habang naghihintay kami sa labas ng emergency room. Parang boyfriend lang na nag aalala sa girlfriend niya.


"Chris! Ano ba? Kumalma ka nga, Natataranta ko lalo sayo."


"Ano bang nangyari dun? Marami bang nainom yun? Isang beses ko pa lang naman binibigyan ng shot yun."

"Nagtataka nga rin ako, Tyaka ilang araw ko ng napapansing maputla yan."


"Annie balitaan mo ko ha? hindi ko na mahihintay, Maraming tao sa bar ngayon kailangan ako dun."


Tumango ako at sumilip muna si Chris sa emergency room bago siya umalis.


"Tawagan mo ko okay? Babalik ako kapag kumonti na ang tao sa bar."


Ang tagal naman yatang lumabas ng mga doctor. Sabi nila nahihirapan daw kuhanan ng mga lab test dahil nakainom. Maghihintay pa sila ng kalahating oras.


Hindi ko na muna tinawagan pa yung nanay at tatay niya dahil alam kong mag aalala lang naman sila.

Nakakailang ikot na ako dito sa labas ng emergency room, halos nahihilo na rin ako sa sobrang pag aalala ko pero wala pa ring doktor na lumalabas.


Naupo muna ako sa gilid, Nang makitang kong may lumabas na doktor ay mabilis akong lumapit sa kanya.


"Nasaan ang asawa ng pasyente?"
Bigla akong nalito sa tanong ni doktora.

"Ha? Asawa? ano po? Kaibigan niya po ako."
Mamutla mutla ako sa tanong ng doktora.


Pero umiling lang yung doktora.
"I need to talk to her husband."

Pinagpipilitan talaga ng doktora na asawa ang makausap.

"Ha? Pero wala naman po siyang asawa. Single po yan almost three years na po. Bakit ano po bang nangyari?"



Nakita kong nagulat yung doktora ng sabihin kong walang asawa si Gia. Naglakad siya papunta sa table niya at doon niya ko kinausap in private.



"Ms. Gia is okay. But I think hindi magandang ma-stress siya sa kalagayan niya."


Naguguluhan ako, okay pero hindi pwedeng ma-stress.

"Your friend is two weeks pregnant."
Halos pagpawisan ako sa sinabi ni doc.


Parang gusto ko himatayin na lang sa sinabi ng doctor ngayon. Paanong buntis? Ano yun magic. Aish!


"Pero baka nagkamali lang po yung result doc kasi lasing siya, Single po siya papaano pong mabubuntis?

Napaka imposible naman halos mamatay na nga dahil single ng tatlong taon at iniwan ng ex boyfriend niya. Gusto kong sabihin sa doktora pero nagpipigil ako. Naguguluhan ako.


"Imposible magkamali napakatagal ng oras na hinintay namin para macheck siya ng maayos kanina." Singit pa ng doktora.


Tumayo ako at nag excuse na para puntahan si Gia.

Okay naman na daw siya at hinihintay na lang magising. Kausapin ko na lang daw si Gia tungkol dito.



Pagpasok ko ng emergency room ay mahimbing na natutulog si Gia. Ni hindi ko alam kung paano at sa anong paraan ko sasabihin sa kanya ang sitwasyon niya.


Dahil kahit yata siya ay walang idea sa kalagayan niya. So kaya pala napapansin ko nung mga nakaraang araw ang pagputla niya.



Kailangan natin mag usap Gia! Gumising ka na at mukhang madami kang ipapaliwanag sa akin.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now