Chapter 38

3.9K 83 0
                                    

Mathew's POV

"Dito ka lang..
Iniwan ko muna si Gia at mabilis na sinundan si Sophie.

Dahil mabilis niyang sinara ulit yung pinto at naglakad palayo samin.

"Sophie wait, Kung ano man yung nakita mo wala yun..

"Jade hindi ako tanga, Akala mo hindi ko alam? Alam ko na na asawa mo yun? Akala mo pati sakin matatago mo?!"

"Ano bang sinasabi mo?
Bigla akong natakot sa mga sinasabi ni Sophie.

"Matagal ko ng alam na nag asawa ka at nabuntis mo yung babae na yun, Namatay lang yung bata kaya naghiwalay kayo at ngayon bumalik siya para ano? To get you back from me? Kahit hindi mo sabihin sakin alam ng management ko. Hindi lang sila nagsalita dahil naitago mo naman sa mga tao at dahil mahal kita mas pinili kong manahimik na lang."

"Akala ko hindi na siya babalik kaya hindi ako nagsalita noon, pero nung nakita kong bumalik na naman siya sa buhay mo nainis ako. Alam kong mangyayari ito at huwag mong asahan na mananahimik na naman ako Mathew."
Dugtong si Sophie, Seryoso siya at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Kapag sinabi mo yung totoo sa mga tao Sophie, Hindi lang career ko ang masisira alam mo yan pati na rin ang sayo."

"So tinatakot mo ko ganun ba?!"

"No, It's not like that I just want you to be quiet about this para na rin sating dalawa."

"No, This is not for us, Kaya gagawin ko ang gusto ko sa ayaw at sa gusto mo. Matatahimik lang ako kapag nawala na ulit sa buhay mo yung babaeng yan, And I want you to do it as soon as possible."

"Sophie please, Huwag na nating gawing komplikado pa yung sitwasyon."

"Hihiwalayan mo siya ngayong araw din kapalit ng pananahimik ko Mathew!!"

"Pero Sophie, Hindi naman siya makakagulo sa trabaho natin mas magiging inspired pa nga ko magtrabaho dahil nasa tabi ko lang siya."

"I said no, Bakit ba napakamanhid mo?
Dinuro ako ni Sophie sa dibdib.

"Ang tagal ko ng hinintay na sakin mo maramdaman yang nararamdaman mo ngayon sa babaeng yun."

"Pero alam mo na namang una pa lang na magkaibigan lang tayo Sophie, And I'm sorry kung hindi ko masusuklian yung pagmamahal mo sakin..

"Kung hindi ka lang rin naman mapapasakin, mabuti pang masira na lang tayong dalawa."
Si Sophie, iniwan niya ko at mabilis siyang naglakad palayo sakin. Sinubukan kong sundan siya pero hindi ko na naabutan dahil mabilis niyang pinaharurot yung kotse niya.

Pagbalik ko sa studio hinahanap nila si Sophie dahil hindi pa tapos yung photoshoot namin. Sinabi ko na lang na sumama yung pakiramdam kaya hindi na ko masyadong tinanong pa nila.

Nakita ko si Gia sa gilid, Nag aayos na naman ng gamit ko. Gustuhin ko mang lapitan siya at yakapin pero hindi pwede. Nandito lahat ng tao sa paligid namin at tanging si Tita Grey lang ang nakaka alam ng tungkol samin.

"Sige na Mat, You can go with Gia ako ng bahala."
Bigla naman akong natuwa ng lapitan ako ni Tita Grey.

Mabilis namang sumunod sakin si Gia ng lumabas na ako ng studio.

"Anong nangyari?
Tanong ni Gia.

"You've nothing to be worry ako ng bahala."

"Anong sabi niya?

"Tss! Okay na let's not talk about it."
Binuksan ko yung pinto nung sa passenger seat para dun siya paupuin pero hindi siya pumasok.

Sa backseat siya umupo at hindi ako pinapansin habang nagmamaneho. Pagdating namin sa bahay nilagay lang niya yung gamit ko sa kabilang kwarto at pumasok na sa kwarto ko.

Sinundan ko siya pero nilock niya yung pinto. Alam kong galit siya dahil hindi ko sinabi yung napag usapan namin ni Sophie. Pero ayoko ng makaapekto pa yun sa kung ano mang meron kami ngayon yung gustong mangyari ni Sophie.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama, Ilang beses na kong nagpapaikot ikot pero hindi ako makatulog.

Hindi ko alam na nakatulog na rin pala ako paghiga ko nagising lang ako ng malakas na kumakatok si tita.

"My god Mat, nakalabas na yung photo niyo ni Gia kalat na kalat na sa social media. May alam ka ba kung sino ang gumawa nun? Mabuti na lang at naka blurred yung mukha ni Gia dun."

Nakita kong lumabas si Gia kaya mabilis kong tinakpan yung bunganga ni Tita Grey. Hangga't maaari sana ayoko ng marinig pa ni Gia yun dahil ayoko ng madamay pa siya.

Nagulat ako ng lumapit si Gia sa amin at tinanggal yung kamay kong nakatakip sa bunganga ni Tita.

"Alam ko na Mat, Nakita ko na kaya huwag mo ng paguring yang sarili mo sa pagtakip ng bibig ni Tita Grey.

"But Gia please, Huwag na huwag kang sasagot sa mga harsh comment..

"Bakit ko naman gagawin yun? Alam ko naman na yan at sanay na sanay na ko.
Sagot ni Gia at mabilis na lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan siya pupunta kaya sumunod ako.

Kaya lang paglabas ko sobrang dami pala ng press sa labas ng bahay. Hindi na ko tumuloy pa at bumalik sa loob, Nakita ko si Gia na halos pagkaguluhan sa labas ng mga press.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya lumabas ako ulit at mabilis na hinila si Gia sa gitna ng mga press.

"Mathew bitawan mo ko, Ako na ang aayos ng isyu na yan."
Kumakawala si Gia pero hindi ko siya binitawan.

Alam kong mas magiging malala yung sitwasyon dahil nakita nila mismo na sa loob galing si Gia pero wala na kong pakialam.

Gusto kong maprotektahan siya sa mundong ginagalawan ko.

Halos mapakamot sa ulo si Tita Grey pagpasok namin.

"Just let them be Tita okay? Ako ng bahala."
Hinila ko si Gia sa kwarto at niyakap.

Kumakawala siya pero hindi ko siya binibitawan.

"Sino may gawa nito? Si Sophie ba?
Tanong ni Gia at pinakita sakin kung anong caption nung picture na kumakalat.

"SHE IS THE GOLD DIGGER AND USING MATHEW SANFORD PARA SA SARILING PANGANGAILANGAN NIYA! PLEASE BE AWARE TO THIS GIRL. CLEAR PICTURE WILL BE POSTED SOON."

"Im sorry, Ayoko ng sabihin sayo yan dahil ayoko na sanang magkaproblem-..

"Pero Mat ano bang tawag mo sa nangyayari sa ngayon? Alam mo bang ito yung kinatatakutan kong mangyari sayo kaya ayoko na sanang bumalik sa buhay mo."

"Aayusin ko to Gia, but please naman just stay and don't leave me again."

"Anong gusto ni Sophie para tumigil siya?
Bigla akong napatigil sa tanong ni Gia.

Hindi ako makapagsalita.
"Ayaw mong sabihin? Sabi ulit niya.
Palabas na sana siya ng kwarto pero napahinto siya ng magsalita ako.

"She want me to break up with you and be with her, Pero hindi ko naman gagawin yun Gia."

"Break up with me? And be with her?
Tanong niya at tumango ako.

"Alam mong ayokong masira yung mga pinaghirapan mo ng dahil lang sakin ulit Mat, So habang ganyan pa lang yung ginagawa niya gawin na natin yung gusto niya.

"Pero kaya ko namang ayusin ito ng hindi ginagawa yung gusto niya!"

"Sorry Mat, Mas gugustuhin ko pang gawin natin kung anong gusto niya kesa masira ang career mo na ako ang dahilan."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now