Chapter 67

2.8K 79 2
                                    

"It's all set, Hindi ka na daw irereklamo nung tao because he realize that he's also wrong for questioning Gia like that."

"That's good to hear, I hope he learn his lesson, Tss!

"Nga pala Mat, Congrats for your movie, It's already 113.4M gross for 3 days. As of now is the highest gross nationwide sa lahat ng mga kasabayan niyong movie."

Gulat na gulat ako sa balita ni Tita Grey, Hindi ko talaga akalain na kikita pa rin yung movie.

"Open your all social media accounts and read all the comments for you, They support you and Gia."

"What do you mean?

"Karamihan sa lahat ng sumuporta sayo is lalo kang minahal dahil naging totoo ka sa kanila, But hindi lahat sila. Maraming mga fansclub na nawala dahil hindi nila matanggap."

"And they all supporters of Sophie right?

"Yes, But you have nothing to worry, 65% percent is yours and the rest is Sophie's side."

"And to grant your precious leave that you wish, You need-..

"I need what?

"Hold a presscon with Sophie, Para sa mga sumusuporta sayo at sumusuporta sa kanya.

"Tita naman bakit naman kasama pa siya?

"Kailangan makita ng tao na okay kayo kahit alam na nila ang totoo, Remember 65% is fan of yours. So wala kang dapat ipagalala."

"Pero Tita-..

"And that presscon is now, 6pm so go home and be ready."
Iniwan na ko ni Tita Grey, Tinatawanan lang ako ng team ko pero alam kong masaya sila dahil kahit papano pumatok pa rin sa takilya yung movie at may ipapasahod pa ko sa kanila. Tss!

"At kayo? Hindi kayo uuwi?
Tanong ko sa kanila. Sabay sabay silang umiling.

"Ilang oras na lang Mat, Presscon muna. So bakit pa kami uuwi?
Sagot ni Calvin at tinap yung balikat ko. Nakita kong nakangisi lang si Mark.

Umuwi muna ko sa bahay para sana ipaalam kay Gia yung tungkol sa presscon pero wala pa siya, Oo nga pala nasa office pa siya. Naisip ko na dumaan dun bago bumalik sa station.

Pagdating ko nakita ko siya kausap niya si Annie, Mabuti na lang napansin ni Annie yung kotse ko kaya hindi na ko bumaba at lumapit na lang si Gia.

"Love..

"Gia, Listen. May presscon ako mamaya with Sophie."

"And?

"And? Hindi ka galit?

"Hindi, Why should I? Commo'n love, Your movie is successfull. It's normal to have a presscon with Sophie."

"Thanks god, I think Love this is going to be great presscon. Just wait and watch me okay?
Hinalikan ko siya sa labi, Bumaba na siya at bumalik sa office niya.

Mabilis akong nagdrive pabalik sa station, Gulat na gulat yung mga mokong.

"Seriously?
Umikot si Tita Grey sa paligid ko.

"Why?

"Hindi ka man lang talaga nagbihis? Sinuot mo na kanina sa interview sayo yan Mat. Ano ba?

"Anong ginagawa nila Mark at Calvin Tita?

"I know that you're going to do that. Tss!
Si Calvin at iniabot sakin yung susuotin ko para sa presscon.

"That's my boy."
Natatawa kong sabi, Nagbihis na ko at inaayusan na ko ni Mark ngayon. Para namang ewan si Tita Grey na pabalik balik sa harapan namin.

"Tita stop it.

"Kinakabahan kasi ko Mat, Alam mo naman na hindi pa nakakamove on si Sophie sayo di ba?

"And then? Wala naman akong gagawin."

"Ikaw wala, Eh siya?

"I know that she's going to do the right thing, All we need to do is trust her."
Sagot ko, At lumabas na sa studio. Sakto din naman ng labas ni Sophie.

Tumayo ako at inalalayan siyang maupo. Tinignan lang niya ko at nginitian. Nakita ko si Tita Grey na kabang kabang nag aabang ng mga sasabihin namin.

"Anong masasabi mo na sa kabila ng lahat ng pag amin mo eh sinuportahan ka pa rin ng mga tao Mathew?

"Well, Overwhelmed ofcourse. And blessed to have them. Sobrang thankful dahil hindi nila ko iniwan, Especially for Sophie."
Tinignan ko si Sophie, Nginitian niya ko at alam ko sa sarili ko na totoong ngiti na yung pinapakita niya.

"For Sophie, Thank you for staying my side. Thank you for not leaving me, Thank you for finishing our project despite of my issue."

"Tss! I know that this is not the end of us Mat."
Natahimik ako sa sagot niya, Halos mapahawak si Tita Grey sa ulo niya. Maging ang mga press ay biglang nagpanic.

"So you're saying that you and Mathew were still together after all of this issue Sophie?

"Tss! Stop being nervous Mat. Kung makareak ka naman akala mo aagawin pa kita kay Gia."
Tinap niya yung pisngi ko, Halos magtilihan yung nasa paligid.

"I know that you're happy now with Gia, But I want you to know that I'm one of the supporters for your new journey Mat."
Halos bumilis yung tibok ng puso ko sa saya, I'm so thankful na naririnig ko ngayon kay Sophie yun. Nagpalakpakan yung press, Akala mo may party kung makareak sila.

"Hindi niyo ba ginagawa lang yan just to promote your movie?

"Ofcourse not, I'm sure sa lahat ng nagmamahal samin, Alam nilang lahat kung anong pinagdaanan namin parehas just to accept this."
Hindi ko alam pero bigla ko na lang nayakap si Sophie.

"Thank you for being my best enemy Soph.
Bulong ko sa kanya, Pero narinig pa rin pala ng press dahil nakamicrophone ako.

"Well, All of us would like to congratulate both of you for the success of your movie. Is there anything you want to say for all your supporters guys?

"Salamat! Salamat sa pagtanggap at hindi pagtigil sa pagmamahal samin ni Sophie. Yung achievement nung movie is para sa inyong lahat yun na nagmamahal samin. I hope that all of you will continue to support us, Thank you."
Sabi ko.

"And Sophie? Message to all your supporters."

"Me? Nothing but a sincerely thank you for all the people who support me, Who support us. Huwag sana kayong tumigil na mahalin kami."

"And one thing I want to say, Para sa lahat ng nasaktan ko because of my issue. I'm sorry, Tao lang ako nagkakamali at nagmamahal."
Dugtong ko pagtapos magsalita ni Sophie, Ganun din siya humingi din siya ng tawad sa lahat ng nasaktan dahil iniisip nila niloko ko sila or niloko namin sila for
some reason.

Masaya ko na natapos ng maayos ang presscon, Nagulat ako ng salubungin ako ni Tita Grey pagpasok ko sa dressing room.

"Congrats, Your leave is granted. You can now focus preparing for your wedding Jade."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon