Chapter 44

3.6K 81 6
                                    

Mathew's POV

"Tita naman hindi ko naman sinabing ipasok mo si Gia as may caretaker."

"At anong gusto mong gawin ko Mat? Hayaan yang gusto mo? Pwede ba Mat. Itigil mo na hindi na maganda, hindi lang si Gia yung naaapektuhan sa ginagawa mo."

"I just want to know kung hanggang saan yung kaya niyang tiisin Tita for me. Please hayaan mo kong gawin ito."

"Eh paano kung sumuko siya agad Mathew? Paano kung hindi sumuko. Paano si Sophie? Paaasahin mo na naman tapos magwawala na naman sa social media."

"Hindi ko naman patatagalin. I miss her but I need to do this. Isa pa kung sasabihin kong naaalala ko naman talaga siya sa tingin mo hindi magagalit si Gia?

"Atleast alam niyang naaalala mo siya, Mathew hindi ko kaya yung ginagawa mo kay Gia nasasaktan siya hindi mo ba yun nakikita? Kaya sana hayaan mo na siyang mag stay sa tabi mo hanggang sa lumabas ka dito kung ayaw mo pang itigil yang kalokohan mo."

Lumabas ng kwarto si Tita Grey.
Hindi ko alam ang gagawin ko, ang halikan si Sophie at lambingin ng paulit ulit sa harapan niya ay isang malaking tortured din sakin.

Pero gusto kong malaman kung hanggang saan ako kaya hintayin ni Gia.

Nakatulog pala ko, Nagising lang ako ng pumasok si Tita Grey at kasama na naman si Gia.

"Gia is staying here, So if ever hindi ka na naman siputin ng Sophie mo ay may titingin sayo..

"Pero tita dadating yun, Nagpromise yun."

"Eh ano kung dumating? Hindi ka naman aabalahin niyan ni Gia.

"Di ba Gia?
Nakita kong tumango siya.

''Basta tawagin mo lang kapag may kailangan ka, Siya uuwi na ko. Pupunta din bukas ang parents mo at ang ate mo."
Tyaka siya lumabas ng kwarto.

"Gia sige na, you can go.. Kaya ko naman so don't worry na sigurado naman akong dadating si Sophie..

"Ang bilin ni tita Grey ay huwag kang iwan hangga't hindi siya nakakabalik..

"Pero kasi-..

"Kung iniisip mo na makakaistorbo ako sa inyo mamaya ni Sophie eh wag kang mag alala kasi lalabas ako at sa labas ako mag i-stay hanggang sa umuwi yang Sophie mo."

"No it's not what you think.. Sigurado akong kailangan ka rin ng asa-..

"Oo nga, Kaya nga ko nandito eh."
Nagulat ako sa sagot ni Gia kaya napahinto ako at napatingin sa kanya.

"I mean nandito ako because I need money for him, so please hayaan mo na ko dito hindi ako manggugulo..
Inalalayan niya ko humiga sa kama pero natumba kami parehas dahil napatid siya sa tsinelas ko.

Shit! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Namiss ko yung ganito kaming kalapit sa isa't isa. Tinititigan niya ko at ayoko ng ganitong pakiramdam dahil anumang oras ay bibigay ako pero hindi ko alam ang gagawin ko.

Nagulat lang kami parehas ng biglang may pumasok sa kwarto. Mabilis na inayos ni Gia yung unan ko dahil kahit siya ay hindi alam ang gagawin.

Nakita kong lumabas siya ng kwarto, Tss! Hindi ko naman sinabing pumapayag ako na sa labas siya mag stay habang nandito si Sophie.

"Bakit nandito pa siya? Late na ha..

"She's my caretaker daw sabi ni Tita Grey.

"Caretaker? Are you sure with that? You don't need caretaker Mat. Call her and pauuwiin mo na sya.

"Pero si Tita Grey ang naghired sa kanya so I'm not allowed to fired her.

"Okay, Ako na lang mag papauwi sa kanya and ako na lang din ang mag eexplain kay Tita Gre-..

"Pero Sophie..
Napahinto ako ng papasukin niya si Gia sa loob.

"You can go na, I can takecare my Mathew!
Nakita kong napatingin si Gia sakin, Umiwas ako dahil alam kong hindi ko siya matitiis.

Nakita kong hinila siya palabas ni Sophie, Pipigilan ko sana pero sinarado agad ni Sophie ang pintuan. Hindi ko alam kung anong pinag usapan nila pero nang pumasok si Sophie ay pumasok rin si Gia.

"She's staying here pero sa labas siya ng kwarto.

"It's okay sop, She can stay here inside. Mamaya makita pa siya ng media sa labas.

"No! I want her outside this room..
"Sophie let's stop thi-..

"It's okay, Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. I don't want you to be stressed."
Hindi ako natapos sa pagsasalita dahil nagsalita si Gia. Pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto ay niyakap ako ni Sophie.

Ano bang pinasok ko, Bakit kasi naisip ko mas lalo ko lang ginawang komplikado yung nangyayari.

Habang nanonod ako ng tv ay nakita kong may kausap si Sophie sa cellphone. Hindi ko maiwasang maisip si Gia, Kamusta kaya siya sa labas. Gustuhin ko mang silipin siya pero alam kong hindi pwede.

"Babe I'm sorry I need to go. Yung shooting ng movie kasi natin is tonight. Kailangan kasi gabi ishoot so I need to be there..

"It's okay, Basta after your taping you should rest. And tyaka mo ko balikan okay?

"I'm sorry, I love you.
Nagulat ako. Ngayon ko lang narinig kay Sophie yan. Tinapik ako ni Sophie kaya hindi ako nakasagot.

"Please kung kaya mo iwasan yang caretaker mo gawin mo okay?!"
Tumango lang ako. Alam kong alam niya kung ano ko si Gia kaya ganun na lang yung mga reaksyon niya. Alam ko din namang sinasamantala niya habang alam niyang hindi ko maalala si Gia.

Nakalabas na si Sophie pero wala pa ring Gia'ng pumapasok. It's already 3'oclock in the morning saan kaya natulog yun. Tss!

Nagulat ako ng pumasok siya. Ang laki ng eyebag niya at hindi ko alam kung natulog ba siya or what.

"Oh nasan na yung girlfriend mo? Yung akala mo aagawan?!"

Gusto kong matawa, Alam kong naiinis na siya dahil hindi naman siya ganyan magsalita kapag okay siya.

"Nasa shooting, Pero babalik din yun."

"Akala ko ba mag damag kang aalagaan iiwanan ka rin pala, paano kung umuwi ako? Sinong titingin sayo..

"Yun ay kung umuwi ka, eh nandito ka. So you need to take care of me."

"Take care of you? Ofcourse. How I wish na maging okay ka na..
Sabi niya bago siya mahiga sa couch.

Hindi ko alam pero napanatag ako, dahil alam kong nandyan lang siya sa tabi. Hindi katulad kanina na hindi mapakali yung isip ko.

"Alam ko Mat hindi mo ko naaalala sa ngayon pero sana maging okay ka na talaga..
"Isa lang naman ang palaging kong hiling kay god. Ang maging okay ka na.
"Para kapag naaalala mo na ko, We can start a new life together Mat. I miss you!"

Nakatulog pala ko, nagising lang ako ng maramdaman kong hinawakan ni Gia yung kamay ko. Nagkunwari akong tulog at alam kong umiiyak siya ngayon. Bigla akong nasaktan sa mga sinabi niya, Iniisip ko tuloy kung tama pa bang ipagpatuloy ko ang pagpapanggap ko.

Naramdaman kong lumapat yung labi niya sa labi ko. Shit naman gusto na lumabas ng puso ko. Nakita kong pabalik na siya sa couch kaya hinila ko yung kamay niya.

"Gia..
Gulat na gulat siya at pinunasan yung luha niya.

"What naaalala mo na ba ko?
Sabi niya at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now