Chapter 41

4K 97 9
                                    


Pagdating na pagdating ko sa ospital ay dumiretso agad ako sa emergency room. Gustuhin ko mang pumasok sa loob ay hinarang ako ng mga nurse.

Nakita ko ng doctor at tinanong kung ako daw ba si Gia, mabilis naman akong tumango. Hindi ko mapigilang hindi mag alala lalo na ng makita kong natataranta ang mga doctor papasok sa loob ng emergency room.

"Doc, ano pong nangyayari? Okay lang po ba siya?"

"Gusto kong tawagan mo ang family ni Mathew at papuntahin na dito dahil hindi magagawa ang surgery kung walang consent ng relatives na nandi-..

"I'm his wife, So please do all you can to make Mathew safe." Umiiyak na ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Nagulat yung doctor sa sinabi ko, ayaw niyang maniwala. Pero sinunod din niya ko ng halos lumuhod na ko sa kanya para lang maniwala siya na asawa ako ni Mathew.

Pagpasok niya sa loob ng emergency room ay mabilis kong tinawagan si tita Grey and family niya. Ilang minuto lang naman ay dumating na sila, tinatanong nila ko kung anong nangyari pero wala akong maisagot dahil hindi ko pa rin alam.

"Mathew has a head injuries for a car accident, There's internal bleeding so we need to take a surgery. I need you to sign this para maumpisahan namin ang operasyon."
Halos hindi ako makagalaw sa sinabi ng doctor ng lumapit siya sakin.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak, iniabot ko sa mommy ni Mathew ang waiver at hinayaan ko na sila ang magdesisyon.

Nilapitan ako ng ate niya.
"Sssh! Magiging okay si Jade okay. Huwag ka ng masyadong mag alala.

Pagpasok ng doctor sa emergency room ay nagpaikot ikot ako sa labas, Hindi ako mapakali. Ilang oras na simula ng umpisahan nila yung surgery. Ang dami ng pumapasok sa isip ko.

Nilapitan ako ni tita Grey.
"Gia please go home, tatawagan na lang kita kapag may update na kay Mathew."

"Pero gusto kong nandito ako kapag nagising siya."

"Maya maya lang ay may news team ng pupunta dito, and ibang artista na katrabaho niya gusto mo bang makita ka nila?

Hindi ako makasagot sa sinabi ni tita Grey, Gustuhin ko mang mag stay hangga't sa matapos yung surgery niya pero hindi pwede. Masyado na kong nakakagulo sa buhay showbiz niya kaya hindi ko na dadagdagan pa.

Nagpaalam na ko sa magulang niya, Tatawagan daw nila ko agad kapag may update na kay Mathew.

"Naiintindihan mo naman iha kung bakit kailangan mo munang umuwi di ba?
Sabi ng mommy niya.

Tumango lang ako at ngumiti.
"Tatawagan kita agad once na matapos ang surgery."
Bulong ng mommy niya bago pa ko ihatid ni tita Grey palabas ng ospital.

"Tita please, Call me kapag nagising na si Jade update mo po ako agad tita."

"Ofcourse but for now you need to go home, Tatawagan kita agad."

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Annie. Paikot ikot pa rin ako at hindi mapakali kahit si Annie ay nahihilo na sa kakaikot ko.

"Alam mo instead of being around here, Matulog ka para kapag may update na kay Mathew ay may lakas ka, mamaya mapano ka rin!"

Hinila ko papasok sa kwarto ni Annie, Pero dahil hindi ako mapakali ay binuksan ko yung tv alam kong may media dun ngayon at posibleng walang balita sa kanya.

Nagpalipat lipat ako ng channel pero wala kong makita na siya ang laman ng balita. Akala ko ba may media na darating ngayon dun bakit hanggang ngayon wala ni isa akong mapanood.

Sinubukan kong tawagan si Tita Gray. At sobra kong nakahinga ng maluwag ng sabihin niyang okay na si Mathew. Hindi pa nga lang ako pwede magpunta dahil may iba't ibang katrabaho pa siya na nandoon. Wala pa naman daw malay si Jade pero succesful naman yung operasyon kaya okay na daw siya at sobra kong napanatag dahil okay na siya.

Nagulat si Annie ng bigla kong kinuha yung susi ng kotse.

"Saan ka na naman pupunta?
"Bessy please, Gusto kong makitang maayos si Mathew bago ko magpahinga..

"Pero Gia, alam mong sinabi ni Tita Grey na may tao pa dun baka may makakita pa sayo do--..

"Sisilip lang ako bessy promise, Hindi ako magpapakita.
Sagot ko at mabilis na lumabas ng bahay. Kahit na medyo napapagod ako ay pinilit kong magmaneho para lang makapunta kay Jade. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi nakikita ng dalawang mata ko na okay siya.

Hindi ko alam pero habang naglalakad ako sa hallway ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero lalo kong binilisan ang paglalakad ko.

Napahinto lang ako ng matanaw kong wala namang tao sa labas ng kwarto ni Jade. Bakit sabi ni Tita Grey madami pang tao, Sinubukan kong sumilip sa pintuan ng kwarto niya pero nakita kong nasa loob si Sophie. At halos ikabilis ng tibok ng puso ko ng makita kong gising si Mathew, may bandage sa ulo, hawak hawak ang kamay ni Sophie at mukhang okay naman na siya.

Naisip ko na naman yung sinabi ni Tita Grey na wala pa siyang malay ay hindi pa makakausap. Nakita kong papalabas si Tita Grey kasama si Sophie kaya mabilis akong naglakad palayo sa kwarto ni Jade para hindi nila ko makita.

Ang dami daming pumapasok sa isip ko, Bakit kailangang magsinungaling ni Tita Grey sakin samantalang alam naman niya kung gaano ako nag aalala kay Mathew.

Nang makalayo na sila Tita Grey ay naglakad ako papunta sa kwarto ni Jade. Mabilis akong pumasok sa loob at niyakap siya kahit alam kong katutulog lang niya.

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak lalo na ng makita ko yung mga gasgas sa braso at mukha niya. Mabilis kong kinuha yung cream sa bag ko at dahang dahang nilagyan ang mga sugat niya, Hindi ko alam pero walang tigil ang luha ko hindi ko namalayan na nahikbi na pala ko dahilan para magising siya.

"Thanks god you're okay, Nag aalala ko ng sobra."
Mabilis ko siyang niyakap. Hindi ko alam pero wala akong reaksyong natanggap mula sa kanya tinititigan lang niya ko.

"Sa susunod na mag aaway tayo huwag ka ng magmaneho, this is your second chance to live so please take care of your self Jade."
Sabi ko at niyakap ulit siya. Ewan ko kung anong meron pero mabilis na inalis ni Mathew yung mga kamay kong nakayakap sa kanya.

"Oh Gia, You're here sana tinawagan mo ko na pupunta ka para napasundo kita." Bungad ni Tita Grey pagpasok niya.

"Sorry tita, Hindi kasi ko mapakali sa bahay kaya nagpunta agad ako dito." Sabi ko.

Alam kong hindi niya sinasadyang alisin yung mga kamay ko kanina kaya niyakap ko ulit siya.

Pero nagulat ako ng magsalita siya at alisin ulit ang mga kamay ko.
"Sorry, Can I ask why are you hugging me? Look, I don't want to be mean but I don't even know you..

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now