Chapter 11

5K 107 0
                                    

GIA'S POV

Bakit ba pinangunahan na ako ng pinangunahan ni Annie. Bigla tuloy akong kinabahan pumasok, kundi pa ako tinawag ni Tatay ay hindi ako makakahakbang sa papasok sa loob.

"Mano po."
Lumapit ako sa kanila at nagmano bago ko tuluyang binaba yung bag ko, Dinaanan ko lang ng tingin si ate.

"Biglaan po yata ang pag luwas niyo? May nangyari po ba?
Pagkukunwari ko kahit na alam ko naman ang dahilan kung bakit sila nandito.

Umupo ako sa harap nila, hinahanap ko si Annie pero mukhang wala dito.

"Kami kaya ang dapat magtanong Gia!"
Madiing sabi ni Ate.

Kumakabog na yung dibdib ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalo na ng lumapit si nanay sakin.

"Anong nangyari? Tumawag sa amin si Annie at sinabing-..

"Buntis ang magaling kong kapatid!" Hindi natapos ni nanay yung sinasabi niya dahil bigla na lang nagsalita si ate.


Lumapit si ate sakin at sinampal sampal ako. Wala akong magawa kundi umiyak dahil kasalanan ko to."


"Karen ano ba tama na yan, Nandyan na yan wala na tayong magagawa." Pinipigilan ni tatay si ate na ngayon ay umiiyak na rin.

Napakasama kong anak at pinaiiyak ko ang mga taong mahahalaga sa akin.

"Patawarin niyo po ako hindi ko po sinasadya." Humihikbi kong sabi at yumakap kay nanay.

"Alam mo Gia, Hindi pa nga tayo nakakatulong masyado kila nanay eh! Bakit ganyan ka. Nagpadalos dalos ka!!"

Tumayo ako at lumapit kay tatay. Ramdam kong galit siya dahil hindi siya yumayakap sa akin. Tinatanong nila kung alam na daw nung nakabuntis sakin.

"Tapos sa artista ka pa nagpabuntis? Napakalaking tanga mo Gia! Anong akala mo pananagutan ka nung artistang yun? Galit na galit si ate.


Tinanong ako ni nanay kung nakausap ko na si Mathew, tumango ako at yumakap lang sa kanya. Tinanong niya kung handa daw bang panagutan pero umiling ako at sinabing dinala pa ako sa lugar kung saan pwede ko paalis ang bata.


Nag init ang ulo ni tatay halos murahin niya ako sa galit niya ng marinig ang ginawa ni Mathew.



"Pupuntahan natin yung lalaking yun, oh ang mga magulang niya. Kailangan ka niyang panagutan wala akong pakialam kahit sino pa siya."



"Pero sinabi niya na tay'' ayaw niya po, nag usap na kami at hindi daw siya nakakasiguradong siya ang am-..

"Ang tanga tanga mo talaga, Lahat na ng katangahan napunta sayo! Pumayag kang pagsalitaan ng ganun ng hayop na yun?!
Sinabunutan ako ni ate at sinigaw sigawan ulit.


"Anong tingin niya sayo? kalakadkaring babae?" Dugtong niya.

"Kapag hindi ka pumayag na kausapin nila nanay at tatay yung lalaking yan o ang magulang nyan, Ako ang gagawa ng paraan Gia sinasabi ko sayo!"
Hindi ako tinigilan ni ate hangga't hindi siya inaawat nila Tatay.

Namumugto na yung mata ko. Si nanay tahimik lang pero alam kong siya ang mas nasaktan ko dahil sa kalagayan ko. Ang dami ko kasing pangako kay nanay na ngayon ay malabo ko ng matupad dahil sa katangahan ko.

"Bukas na bukas Gia pupuntahan natin yan, kung ayaw mo sumama kami nila Annie ang pupunta." Madiing sabi ni Tatay at pumasok na muna siya sa kwarto.

"Sana hindi na kita pinayagang magtrabaho dito Gia. Hindi sana mangyayari yan." Mahinang bulong ni nanay na ngayon ay nakayakap sa akin.


Napansing kong pumasok na rin ng kwarto si ate at iniwan kami ni nanay dito sa sala. Kinuha ako ng tubig ni nanay at kinausap ako.


Hindi na niya ko pinapasama bukas, Maiwan at magpahinga na lang daw ako. Sinubukan kong pigilan yung gagawin nila bukas pero buo na ang desisyon nila at kailangan managot daw si Mathew.

Inihatid ako ni nanay sa kwarto ni Annie, Dito na lang muna ako dahil gamit nila ang kwarto ko. Nagpaalam na siya at magpapahingana rin daw muna siya.

Nung ako na lang mag isa. Naisip ko si Annie naiintindihan kong pinangunahan niya ko. Natatakot kasi siya na baka ituloy ko ang gusto ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari bukas, Sigurado akong itatanggi lang ni Mathew na siya ang ama ng dinadala ko.

Siguro mga alas dose na ng madaling araw ng dumating si Annie. Nagulat nga siya kasi gising pa ako.

"Bessy galit ka ba? Sorry na. Hindi lang talaga ako pabor sa gustong mong gawin, patawarin mo ak-..

"Hindi ako galit. Naiintindihan kita." Sagot ko at niyakap ako ni Annie.


Hindi na niya ko tinanong pa kung anong ginawa sa akin ni ate. Alam na daw niya dahil namamaga yung mata ko. Nang itanong niya kung anong nangyari sa pagkikita at paguusap namin ni Mathew. Doon ako nalungkot, hindi napigilan ng luha ko na hindi tumulo.

"Ayaw niya. Hindi daw siya nakakasigurado kung siya ang ama."

"Tinawagan niya ko after niyo mag usap. At tinanong yung gusto niya malaman. Naexplain ko na pero naguguluhan siya." Paliwanag ni Annie.

Sinabi ko kay Annie na balak puntahan nila Nanay at Tatay pati ni ate si Mathew bukas.

"Bessy pigilan mo sila. Kasalanan ko naman yung nangyari. Walang kasalanan si Mathew."

"Masisira ko ang career niya Annie alam mo yan."

"Kasalanan niya rin. Kung bakit ipinutok niya sa loob at hindi sa labas! Kung bakit pinatulan ka niya na alam niyang lasing ka."

Walang control sa bunganga si Annie. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin kapag nagagalit siya.

"Pero bessy..

"Okay na Gia, Ginawa ko ang lahat makakuha lang ng scheadule para mameet siya kasama ang magulang niya. Pati na rin ng manager niya. At bukas na yun Gia kailangan mo iready ang sarili mo sa mga pwedeng mangyari."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now